Chapter 12: Bully

92 9 0
                                    

Rae POV

Start na ng di namin pagpapansinan ni Kris. Maaga akong gumising ngayon dahil turn na namin sa Math magreport. Nandito ako sa locker ko para ayusin ang report materials namin. Ayos na ang lahat ng biglang nahulog ang bag ko at nagkalat-kalat ang lahat ng gamit sa lapag. Sakto namang daan ni Kris pero di niya ko tinignan o tinulungan. Some part sa dibdib ko ay kumikirot. Bat ko nararamdaman to eh yun naman ang ginusto ko.

Nakita ni Aubrey ang nangyari at halatang gulat na gulat siya sa inasal ni Kris. Tinulungan niya akong ibalik sa bag ang mga gamit ko na nahulog. Tinulungan niya din akong buhatin ang ilang report materials papuntang room. Pagkalapag ng mga bitbitin namin ang umupo siya sa tabi ko.

"Rae tama ba yung nakita o kanina? Nisnob ka talaga ni Kris?" tumango ako. May pagkatanga din tong babaeng to, nakita niya na nga niya magtatanong pa.

"Wow... Thank you Rae! So pinili mo ko over him!? Thank you talaga!" ngumiti nalang ako, alam kong fake smile yung ginawa ko pero kasi di ko pa kayang magbigay ng totong smile kay Aubrey. Niyakap ako ni Aubrey ng mahigpit.

"Thanks Rae. Di mo pagsisisihan itong desisyon mo" ngumiti siya at bumalik na sa upuan. Sobrang saya ni Aubrey... sana nga di ko pagsisihan itong desisyon ko.

-----

Tapos na ang mga morning classes namin at lunch na. Sila Raquel may importanteng ginagawa kaya mag-isa lang ako ditong naglu-lunch. Patapos na ako sa pagkain nang dumaan si Kris at si Aubrey na nakacling sa kanya papunta sa tambayan nila.

Binibigay ni Aubrey ang lahat para lang mapansin siya ni Kris, sinusubuan siya, binibaby, pero ito namang si Kris todo tangi na akala mo di nage-exist si Aubrey. Natawa ko ng mahina at pinagpatuloy ang pagkain habang pinapanood sila. Biglang kiniss ni Aubrey si Kris, di ko makita kung sa lips ba o kung saan man dahil may nakaharang. 

Tumayo ako at umalis papuntang cr, baka makita ko pa silang naghahalikan, baka mas lalo pa akong masaktan. Papasok na dapat ako sa cr nang hinarangan ako ng 4 na babae. 

"Hoy panget! Anu yung narinig namin kahapon? Yung pinaguusapan niyo ni Aubrey Robledo?" sabi nung parang leader nila.

"A-anu ba pinagsasabi niyo? Saka sino ba kayo?" lumapit naman yung pinakamaliit sa kanila.

"Wag mo nga kaming pinagloloko narinig naming nagpunta kayo ni Kristian sa EK at magkaholding hands pa!" 

"Anong gagawin niyo kung totoo yun?" 

"Aba bat ganyan ka sumagot ha?! Porket matalino ka ha!" sabi nung medyo kulot ang buhok.

"Anong gagawin namen? Simple lang, sige tapon niyo na yan" sabi nung leader. Lumapit naman yung medyo mataba, may dalang isang bucket na puno ng maruming tubig at tinapon sakin.

"Yan yan napapala ng isang panget na di marunong lumugar!" sabi niya. Hinahagisan nila ko ng mga toilet paper habang tumatawa. Nagsilapitan ang mga tao at tumawa din. Naiiyak na ko, di ko na to kaya..... Kris please save me. Sa gitna ng mga tumatawang tao ay may 2 medyo matabang lalaki na papalapit sakin.

"Miss okay ka lang?" tanung nung mas maliit. Di ako napapagsalita dahil sobrang naiiyak na ko.

"Wag nga kayong makielam Samuel, Eric!" sabi nung leader.

"Shut up! Gusto mo bang umabot to sa principal?" sabi nung mas matangkad. Natahimik yung 4 na babae sa sinabi niya.

"At kayo dyan ano tinitingin-tingin niyo? Di niyo man lang siya tinulungan nakitawa pa kayo tss"  bigla akong binuhat nung mas maliit at dinala sa infirmary. 

My Miserable Life |Slowww Update :))|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon