*beep beep* *beep beep*~
Grabe buong gabi di ako nakatulog. Iniisip ko parin yung kiss sa noo na yun. Kung ganito ako nagreact sa kiss sa noo pano pa kaya kung kiss sa lips na? Aish! >//////<
Rae napaka imposible naman yun. Para sa isang panget na katulad ko, himala nalang kung may kumiss sakin sa lips. It's either lasing yun or nakadrugs. Hayy makapag-ayos na nga lang baka malate pa ko may flag ceremony pa naman.
-----
Kakatapos lang ng flag ceremony. Halos buong flag cremony napapapikit-pikit ako sa sobrang antok. Buti nalang hindi ako nahuli kung hindi detention abot ko nito. Nagpasukan na lahat ng tao sa kanya kanyang room. Pagpasok ko sa room nakita ko si Kris na parang puyat din.
"Good morning Kris.." namula siya konti at nisnob niya ko.
Nilabas niya ang headphones niya at sinuot ito. Balik dating gawi nanaman hayyyzt. Wala pa si Sir Ray kaya nagbasa muna ko ng libro. Habang nasa kalagitnaan ng pagbabasa lumapit sakin si Aubrey. Medyo malungkot ang mga mata niya.
"Rae maya usap tayo sa lunch..." sabi niya at bumalik na sa upuan niya. Anu kaya pag-uusapan namin?
-----
Lunch break na at hinihintay ko si Aubrey na matapos sa pagliligpit ng gamit niya. Pagkatapos niya magligpit ay pumunta kami sa canteen at kumuha ng pagkain. Pumuwesto kami sa table na wala masyadong tao. Tahimik kaming kumakain. May halong galit ang expression niya ngayon. Nagsalita ako para mabasag ang katahimikan.
"Uhh Aybrey ano pa paguusapan nat---" ang lakas ng pagkakalapag niya ng iniinom niyang juice.
"Rae sabihin mo ang totoo... Gusto mo ba si Kristian?" mahina pero galit niyang pagkasabi.
"Pfft.. Bat mo naman natanong yan?" kinuha ko ang ice tea ko at uminom. Ang intense ng usapang to!
"Nakita ko kayo ni Kristian sa EK na magkaawak kamay" muntik ko nang mabuga ang iniinom ko.
"Ah.. Eh.." di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
"So tell me may gusto ka ba kay Kristian?"
"....."
"Akala ko ba naman tutulungan mo ko para mapalapit kay Kristian.... I thought you're my friend.."
"Let me explain Aubrey.."
"Alam mo namang gusto ko si Kristian! If you're really my friend, stay away from Kristian!
"....."
"Please stay away from him... for me..." tumayo siya at umalis.
Naiwan ako dito mag-isa. Niiisip ang mga pinag-usapan namin ni Aubrey. A-ayoko malayo kay Kris... k-kahit ganun siya sakin ayoko malayo sa kanya.. pero ngayong lang ako nagkaroon ng mga kaibigan.. ayokong maging loner ulit.
Kait indi pa ubos ang pagkain ko ay bumalik na ko sa room, nawalan na ko ng gana dail sa pinag-usapan namin. Pagdating ko sa room lahat sila nagkakaguluhan. Umupo ako sa upuan ko at hiniga sa desk ang ulo. May mga nagsalita, sabi nila cancelled daw ang mga next classes dahil may meeting daw ang mga teacher. May naramdaman akong lumapit sakin.
"Uy Rae cancelled daw ang classes, di ka pa ba uuwi?" tinayo ko ang ulo ko at ngumiti kay Yukarie.
"Hintayin ko pa sundo ko eh" araw-araw na akong may sundo dahil kay Mama.
"Sige una na ko" umalis na siya. Tumayo ako at pumunta dun sa garden na tambayan ko. |A/N: Chapter 4: Stalk|
Sumandal ulit ako dun sa malaking puno at mag-isip. Habang pinag-iisipan ko ang desisyon ko naiiyak-iyak ako pero pinipigilan ko lang. Sana wala ng masaktan sa gagawin kong desisyon. Sana maging masaya na ang lahat... kahit na ako mismo sa sarili ko alam na hindi ako magiging masaya. Lahat naman happens for a reason diba? Maya-maya may ibiglang tunog ng branch ng puno na nadurog. Tumingin ako sa likod ng puno at nakita ko si........ Kris
BINABASA MO ANG
My Miserable Life |Slowww Update :))|
Teen FictionSi Rae Giselle Pascual. Isang not so mayaman na highschool student na may brains nga wala namang beauty. Sa pagpasok niya sa Castle High ang normal niyang buhay ay nagbago sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya. Written by TsunderePrincess01