Chapter 19: Muse

90 7 0
                                    

Rae POV

Friday ngayon kaya P.E kami. Andito kami ngayon sa gym para maglaro ng volleyball, sila lang pala. Di kasi ako masyadong sporty kaya sinusunod ko lang ang P.E teacher namin kung ano ipapagawa niya. Inferness ah parang nag P.E narin ako sa sobrang dami ng ginagawa ko. Taga bigay ng mga papers, taga attendance, taga refill at taga bigay ng tubig, taga bigay ng towel at kung anu-ano pa. Grabe next time maglalaro nalang din ako kahit ayaw ko ng sports.

Habang ang girls ay nag vovolleyball, ang mga boys naman nag babasketball kaya tig half court lang sila. Eh syempre lahat ng 7-A nandito kaya nandito din si Kristian este Gumball. Bigla akong tinawag ng teacher namin habang nag de daydream. 

"Oh Miss Pascual pagod ka na?"

"Hmm di pa po Mam pero mga 25% nalang po energy ko hehe"

"Haha sa susunod kasi sumali ka nalang sa game pero thanks ha nabawas-bawasan yung mga trabaho ko"

"Okay lang po yun Mam, my pleasure po. Ako nga po dapat mag thanks kasi po pinayagan niyo po akong di mag laro"

"Haha magta time na ko pero can I ask one last favor?"

"Sure Mam anu po yun?"

"Dalin mo tong papers sa grade 9 section A. Absent yung adviser nila kaya bigay mo nalang sa class president, okay?"

"Sige po Mam"

"After you give it make sure you'll come back to class right away okay? May test yata kayo sa English"

"Sige po Mam"

Grabe ang bait talaga ni Mam pag nag le lesson lang talaga. Umalis na ko para puntahan ang 9-A. Di pa ko masyadong sanay dito sa school kaya naghahanap ako ng bulletin board at nagbabakasakaling mag directions dun. Ayoko namang magtanong kasi nakakahiya.

Mga 10 minutes na kong naghahanap wala paring bulletin board na may directions kaya nagdesisyon akong magtanong na sa mga tao dito. Lumapit ako sa 3 lalaking nag uusap sa tapat ng isang room. 

"Uhm excuse me po. Pwede po bang magtanong?" napatingin sakin ang 3 lalaki at nagulat ako ng mamukhaan ko ang isa sa kanila.

"Oh Rae!"

"Oh hi kuya Charles"

"Bat ka napadpad dito?"

"Uh kasi dito ko nag aaral?"

"Haha I know but what I mean is bat nandito ka sa building ng mga grade 9?"

"Ah kasi may inutos sakin yung teacher namin sa P.E. Ay nga pala kuya Charles alam mo ba kung saan yung room ng 9-A?"

"Ah oo lika samahan na kita. Ay guys sige una na ko samahan ko lang tong kapatid ni Riel"

"Woah kapatid yan ni Riel? Riel Pascual?" tanong nung isang lalaki.

"Oo"

"Pakilala mo kami!" sabi naman nung isa pa.

"Uhm well Rae this is Aaron Garcia and Jared Lazaro my bestfriends. Aaron and Jared this is Rae Giselle Pascual, Riel Pascual's sister"

"Hi nice meeting you po"

"Nice meeting you din Rae!"

"Uh kuya Charles turo mo na sakin kung saan yung 9-A kasi malapit na magstart next class ko"

"Ay sorry sige lika na" 

Magkatabi kaming naglalakad ni Kuya Charles papunta sa 9-A. 

My Miserable Life |Slowww Update :))|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon