Chapter 7: Arranged Marriage

104 10 2
                                    

Kristian POV

"Thanks din pala sa ice cream!" sigaw ni Rae at pumasok na sa bahay nila. Haha ang kulit niya talaga kahit kailan parang ice cream lng eh. Pumasok na ko sa kotse at umuwi.

Pagdating sa bahay as usual ganun parin ang setting namin. Si Mom at Dad wala. Yung kapatid ko namang si Kailyn palaging nasa kwarto. Di mo nga malaman kung buhay pa un eh. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagshower. Paglabas sa shower ay humiga ako at binuksan ang phone ko. 50 unread messages~. From my fans. *sigh* hirap talaga maging sikat. Scroll lang ako ng scroll hanggang makakita ako ng mga text galing kay Kuya Ches, Jayce at Paul. 

Kuya Chester- "Kamusta date? XD" ha anung date?

Jayce- "So ano na nangyari? xD" nangyari?

Paul- "Rae ka pala ah! Di mo man lang sinabi sa bestfriend mo :'(" ha? anung mga pinagsasabi ng tatlong mokong na to? Date? Rae? Pffft OVER MY DEAD BODY! AHAHAHA.

Pero inferness kanina ah. Ang ganda pala ng boses niya at ang ganda .......niya. Well maganda naman siya kaya lang di lang siya pala ayos saka wala siyang confident sa sarili niya. Palagi niyang iniisip na panget siya eh hindi naman talaga. *sigh* Ewan ko ba kung bakit ko naiisip yung alalay alalay na yun. Wala naman talaga akong intension na pagbayarin siya dun sa damit eh. Nabasa lang naman eh pwede namang labhan. Ang sarap lang kasi siyang inisin. Ang cute cute niya pag naiinis siya. Hayyyy!! Ewan ko ba kung bat sa dinami dami pa ng mga babae sa kanya pa ko nag ka interesado. Siguro dahil iba siya sa mga babaeng kilala ko na puro pagpapaganda lang ang inatupag.

Ay teka bat ko ba siya iniisip!? Takte naman oh! Nagsimula lang naman to nung nakita ko siyang kinakausap ung sarili niya sa harap ng salamin sa cr ng girls eh. Tinanggal niya kasi yung salamin niya kaya nacurious ako sa itsura niya pag walang salamin. Tas nung nahimatay siya sa kalsada grabe nataranta ako di ko alam yung gagawin ko kaya dinala ko nalang siya sa ospital. Dahil sobrang lapit niya sakin nun na titigan ko ng matagal yung itsura niya at sheyt DYOSA men! Argggggg....pag-ibig na ba ituuu!? Sumasakit yung ulo ko sa sobrang dami ng iniisip kaya ang ginawa ko kinuha nalang ang gitara ko at tumugtog.

Cause I've been
thinking 'bout you lately.
Maybe you could save me,
from this crazy world we live in.
And I know we could happen,
cause you know that I've been feeling you.

May nararamdaman na ba talaga ako para sayo .........Rae? Hmmm it's been a week since we met each other at 3 weeks left bago matapos yung deal natin. Kailangan kong sulitin ang 3 weeks na yun dahil di ko na alam kung ano ang mangyayari samin pagkatapos ng deal na un. Siguro di na niya ko papansinin? Wag naman sana. Few minutes passed and I decided to go to sleep.

------

"Kuya! Kuya Kristian! Gising na!" tinignan ko si Kailyn ng masama.

"Shut your mouth up Kailyn" pagkasabi nun ay bumalik na ko sa pagtulog but after few seconds.....

"Anu ba Kuya! Ako papagalitan ni Mom nito eh!" di ko nalang siya pinansin.

"Kristian! Get up sleepy head. We need to attend an important business meeting" sabi ni Mom.

"Like it or not you're coming young man" sabi naman ni Dad. Anung klaseng business meeting ba yun at kailangan kasama pa ko. =_= *sigh*  Nag ayos na ko at sumunod kila Dad.

Pagkadating namin sa meeting place sa isang resturant. Merong waiter na nag guide samin papunta sa isang reserved na table for 6 people. Umupo kami at hinintay ang ka business meeting nila Dad. Di kasama ang magaling kong kapatid kaya nabawasan ang asar ko ngayon. Few minutes later may dumating na mag-asawa at isang girl na ka age ko lang yata. Papunta sila dito sa table namin, siguro sila yung kabusiness meeting nila Dad. Pagdating nila sa table namin nag batian sila sa isa't isa then umupo na. Dumating na rin yung mga pagkain kaya kumain nalang ako habang nag-uusap usap sila. Masaya na akong kumakain ng biglang may sinabi si Dad.

"Siya na ba si Aubrey? Ang laki na niya" nagsalita naman yung tatay nung Aubrey.

"Oo nga eh dalaga na. Ayan na ba si Kristian? Binata na ah!" nagsalita naman yung nanay niya.

"Nako ang gwapo pala talaga yung magiging future son in law ko eh" gwapo talaga .. ay teka...

"SON IN LAW?!" sigaw ko sa sobrang gulat. Napatingin tuloy samin yung ibang kumakain dito sa resturant. pero kasi son in law? They're kidding right?

"Oh Kumpare di mo pa ba nasasabi sa kanya ang tungkol dun?" sabi nung tatay.

"Kristian! Can you please keep it down!? Ah hindi pa kasi kumpare eh" sabi ni dad. Arggg nakakainis na to ah.

"Kristian anak. Inarrange ka namin ng Dad mo ng marriage kay Aubrey" ng walang paalam!? Wow ha.

"Nga pala kumpare, kummare lilipat namin ng school si Aubrey sa Castle High para mas magka kilala pa silang dalawa ni Kristian" sabi nung nanay niya.

Ngayon lilipat niyo siya sa tihimik kong buhay dun!? Sa sobrang inis ko tumayo ako at umalis sa resturant na yun. Naisipan kong pumunta dun sa Park. Umupo ako sa ilalaim ng isang malaking puno, sumandal at pumikit. Sa lahat ng bagay na ayaw ko sa business ay yung mga arranged marriage na yan. Pinipilit kasi nilang mahalin mo ang taong di mo naman talaga gusto. Pero sa case ko yung Aubrey parang hindi naman siya tutol dun. Siguro nagwapuhan siya sa mukhang to. Ilang minuto din bago ako dumilat. Pagdilat ko...

"SH*T!" nagulat ako dahil may babaing naka titig sakin....si Rae.

"Hi Kris!" ngumiti siya. Bat ang cute? >_<

"Bakit ka nandito ha!? Stalker ka ba!?" sinamaan niya ko ng tingin.

"Grabe naman stalker agad? Di ba pwedeng walang magawa sa bahay?" nga naman.  "Eh bat dito sa park?" 

"Eh bakit hindi? Binili mo ba tong park?" aishhhh. "Whatever"

"Bakit parang problemado ka ngayon ha Kris?" someone's curious. "Eh bat gusto mong malaman? May gusto ka sakin noh?"

"Porket gustong malaman may gusto agad? Di ba pwedeng curious?" haha ang kulet talaga. "Meron akong arranged marriage"

"Sasabhin mo rin pala-----EH?! Arranged marriage!? Kanino? Bakit?" bat ba ang dami nitong tanong. "Kasi---"

"Wait! May bibilin lang ako" tumakbo siya papunta dun sa nagtitinda ng ice cream at bumili. Bumalik siya dito at inabot niya sakin yung isang ice cream.

"Para san yan?" tanong ko.

"Walalang mukha kasing mahaba haba yung pag uusapan eh" kinuha ko na yung ice cream at kinuwento ang nangyari kanina.

"Grabe naman pala. Well alam kong malalagpasan mo din yang problema mo kaya think positive ha?" tumunog ang phone niya, Papa niya yata.

"Ah Kris alis na ko tutulungan ko pa si Papa sa mga gawain sa bahay eh Bye!" at tumakbo na siya pero tinawag ko.

"Salamat Rae! At sa ice cream!" ngumiti ako at tumawa naman siya. 

"Thanks din dahil may konting kabaitan ka ngayon araw!" ha ganun ba kong kasama? tumakbo na siya palayo. Tumayo naman ako at umuwi na sa bahay. 

Pagdating sa bahay dumiretso ako sa kwarto para walang sermon sermon. Yung azar kong araw napalitan ng kahit konting kasiyahan. "Thanks Rae..."

-----

A/N: Chap 7 cowmplete~!!!

Thanks fow reading!

My Miserable Life |Slowww Update :))|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon