Chapter 20: McDo

76 8 1
                                    

-----

IT'S SATURDAY! And nandito ako sa bahay ni Wendy with Jayce and Jermaine. Pupunta kaming McDo dahil walalang gathering lang namiss lang namin ang isa't-isa. Hinihintay nalang namin sila Kuya Chester, Raquel at Beatrice |A/N: Si Beatrice ay ang P.O ng 7-A| 

Few minutes passed at sabay sabay silang dumating. Nagpahinga muna sila saglit at umalis na kami. Ang ingay nila sa jeep, sabagay ngayon ngayon nalang kasi nagkakasama eh. Nung nagbibigayan na ng pamasahe ng may bigla akong napansin...

"Hala yung phone ko nawawala"

Kinapa ko ang bulsa ko, wala. Di ko naman nilalagay yun sa bag. Hala that phone is very special to mehhh! Tinignan ko si Wendy, alam ko pag walaang gamit ang usapan profesional siya dito. 

"Wen nawawala phone ko..."

"Hala ka! San mo nilagay?"

"Labas mo na"

"Hala? Wala sakin promise! Jermaine bakit ka natatawa diyan? Nasayo noh?"

"Bawal tumawa? Wala sakin Rae promise"

"Labas mo na kasi Wen"

"Nako Rae ibang usapan na pag cellphone ang nawawala"

Tumahimik ako at nag-isip. Sa bahay lang naman nila Wendy ko nilabas yun eh so impossibleng mahulog or something yun dito sa jeep. Okay babalikan ko nalang pag-uwi namin. Dumating na kami dito sa babaan. Pagkapasok sa McDo ay sinabi na nung iba yung mga order nila at binigay na ang bayad kay Raquel (mathematician kasi eh :v)

Umupo muna ang iba sa table dito sa baba. Pagkakuha ng mga order ay umakyat na kaming lahat sa second floor. Nagsi upuan na kami at kanya kanyang kain na. Si Wendy ang 'photographer' kasi bagong ang cellphone niya. Picture here, picture there, picture everywhere! Nagselfie pa nga sila ni McDo eh haha. Kami naman ni Jermaine pasimpleng nangsa snatch ng fries sa iba haha. 

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kaming school. Dadalan kasi ni Raquel si Benidict ng McDo. May ginagawa kasi siya kaya di siya nakasama sa McDo. Eh baka magtampo kaya ayan dadalan ni Raquel, ang sweet niya noh? |A/N: Si Benidict ay P.O rin ng 7-A|

Pagkadala namin ng McDo kay Benidict ay umalis na rin kami. Habang naglakad kausap ko si Kuya Chester.

"Oh kamusta na kayo ni Kristian?"

"Ha? Panung kamusta? Sa pagkakaalam ko ayos lang kami haha"

"I mean yung ganto and ganyan niyo. Diba kayo na?"

"Ha?! H-hindi noh! Hanggang ano muna kami.."

"Ah. Hahahaha"

"Bat ka tumatawa?!"

"Para kasi kayong kami ni Ate Jasmine mo haha"

"Yun lang!"

------

Si Ate Jasmine Robledo ang ate ni Aubrey at ka M.U ni Kuya Chester. Si Ate Jasmine ay grade 8 na. Araw-araw magkasamang pumasok ng school sila Kuya Ches at Ate Jas. Paminsan ay magkaholdinghands pa nga eh! Haha. Katuwa nga silang tignan magkasama eh parang meant to be na meant to be for each other.

Pero bago si Ate Jas may mas mauna pang ka M.U si Kuya Ches, si Ate Michaela Jewell Robledo. Bagamat pareho sila ng apelido ni Ate Jas, di sila blood related. Mag bestfriends sila Ate Jas at Ate Jewell. Kaya nung nalaman ni Ate Jewell na may gusto rin si Ate Jas kay Kuya Chester kahit nung magka M.U pa silang dalawa ay tinigil niya na ito. Pero kahit na ganon mag bestfriends parin si Ate Jas at Ate Jewell. Awkward nga lang si Kuya Ches at Ate Jewell sa isa't-isa.  

My Miserable Life |Slowww Update :))|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon