"Di nga seryoso. Rae ang ganda mo" A-ako?? Maganda? Anung salita ba un? Nakakain ba un? Wala sa dictionary ko ang salitang maganda.
"Uhh---"
"Kung ayaw mong maniwala edi wag pero para sakin maganda ka. Uhh Rae pwede mo ba akong samahan mag lunch? Treat ko." ha? lunch? cge libre naman eh. Bawal tanggihan ang libre wahaha.
"Cge basta treat mo ah?" tumawa siya at hinawakan ang kamay ko tas dumiretso na kami sa canteen.
"Anung gusto mo?" tanong niya habang tinitignan ang menu.
"Kaw bahala. Basta pagkain" tumawa siya at pumunta na sa counter. Inferness mahilig siyang tumawa. Bumalik siya sa table namin. Parehong 1 piece chicken w/ rice, coke, isang sundae, large fries ang inorder niya. Grabe ang sarap talagang maging mayaman.
"Oh kain na" ngumiti siya.
"A-ang dami.." makakaya ko kayang ubusin to? kaya yan!
"Haha sorry napadami ba? Sabi mo kasi kahit ano eh" tumawa siya.
"Okay lang" ngumiti ako at kumain na. Habang kumakain nag kwentuhan kami. Nalaman kong pinsan pala niya si Kris pero di sila gaanong close. Di ko napansin na naubos na pala namin ang mga pagkain. Maya maya nag ring na ang bell.
"Ah Ivan thank you ah? Nabusog ako dun" ngumiti ako tas bigla akong napadighay. Ang lakas ng pagkakadighay ko, tawa ng tawa si Ivan. Tinakpan ko ang bibig ko, feeling ko namumula ako sa kahihiyan.
"Haha you're very funny. Cge lunch ulit tayo next time ah?" tumango ako at nag paalam na sa kanya. Dumiretso ako sa room buti wala pa ung teacher namin. Pagkaupo ko sa upuan ko sinipa ni Kris ung upuan ko. Tumalikod ako sa kanya.
"Anong problema mo?" parang bad trip yata siya.
"Eh kanina pa kita tinatawagan sa cellphone mo eh! Dba sabi ko sayo palagi kang susunod sakin?!" tinignan ko ang phone ko 10 missed calls? grabe ha.
"Sorry na. May pinuntahan kasi ako" yan ung palusot ko akong sabihin na may nag aya saking mag lunch baka inisin lng ako.
"Rae.." tinignan ko siya. Nakatngin siya sa labas.
"Oh?" may sinabi siya pero pabulong tas ang ingay pa dito sa classroom.
"Ha? Ano sabi mo? Di ko narinig ng mabuti eh" tumingin siya sakin tas sinamaan niya ko ng tingin.
"Wala! Ang sabi ko ang bingi mo!" aba ako pa bingi kasalanan ko bang pabulong niyang sinabi tas maingay pa.
"Sabi ko nga ang bingi ko" umayos na ko ng upo ko kasi nandyan na ung teacher namin.
-----
Uwian na kaya naisipan kong pumunta sa 7-11 para bumili ng ice cream tutal di ko naman nagamit pera ko dahil nilibre nga ako ni Ivan. May mga babaeng nagkukumpulan sa tapat ng isang poster na nakadikit sa pader ng 7-11. Pumunta ko para tignan, nacurious eh. Sa sobrang daming babae ung taas lng ng poster ang nabasa ko. Nakasulat 'Free Ticket inside----' un lng nabasa ko nakaharang sila eh.
Dumiretso nalng ako sa loob at bumili ng twin popsicle. Un kasi pinaka mura tas dalawa pa. Naisipan kong umupo dun sa upuan tabi nung aircon. Ang init kasi eh tambay mode muna ko dito. Habang kumakain tinignan ko ung plastic nung ice cream. Nakasulat 'Free Ticket inside the popsicle! Free Ticket for the Chicser GT this July! If you see this sign (FT) in your stick means you win the ticket!'
Chicser? Ung sikat na boy band dance group whatever? GT nila? Get together? Ah wala akong pake. Ubos na ung ice cream. Itatapon ko na sana ung stick at plastic kaya lng may napansin ako sa isang stick. 'FT' hala nanalo pa ko ng ticket. Lumapit ako sa cashier.
"Uhh Ate excuse me po" lumingon ung babae at pinakita ko sa kanya ung stick.
"Wow ang swerte nyo naman po Mam! Alam nyo po ba ung mga babaeng un kanina pa bumibili ng ice cream pero di parin nila nakuha. Pero kaw po isang bese palang po nakuha na kaagad" swerte? ako? pfft di nga ako biniyayaan ng kagandahan eh. Kinuha nung babae ung stick at may binigay naman siyang ticket. "Ah thank you po"
"Thank you din Mam. Have a nice day" umalis na ko sa 7-11. Habang naglalakad may nakita akong babaeng parang kinakausap ang sarili. Sabi niya 'Sayang' 'Un na dapat chance ko' 'Kamalasan' paulit ulit niyang sinasabi un hanggang sa mabungo siya sa poste. Napaupo siya sa lapag pero nakatulala. Pinipigila ko lng ung pag tawa ko sa sobrang katangahan niya AHAHAHA. Nilapitan ko siya at tinayo.
"Miss okay ka lng?" adik ka ba nakita mo na ngang nabungo sa poste tatanungin mo pa kung okay.
"Hindi. Hindi ako okay" umupo siya sa bench tas nilagay niya ang mga kamay niya sa mukha niya at parang umiiyak. Umupo ako sa tabi niya at hinimas himas ang likod niya para tumahan.
"Matagal ko na silang idol *sniff* pero ni minsan di ko sila nakita ng personal *sniff* di ko man lang nakuha ung ticket sa gt.." tumingin ako sa hawak kong ticket. Parang alam ko na ung tinutukoy nito. Kinalabit ko siya at inabot ko sa kanya ung ticket. Pinunasan niya ung luha niya ung ticket tas tumingin sakin tas sa ticket tas sakin tas sa ticket ng paulit ulit.
"Uhh Miss sayo nalang kung gusto mo" tumingin siya sakin at niyakap niya ko ng mahigpit na mahigpit at saka umiyak. Inabutan ko sa ng tissue at pinunasan niya nmn ung luha niya. Kinuha niya ung ticket at ngumiti.
"Ate sure ka bang bibigay mo to? Sayang naman to"
"Oo Miss okay lng di naman ako mahilig sa Chicser na yan eh" ngumiti siya ng pagka laki laki.
"Thank you thank you thank you!!! Ako nga pala si Wendy Abbigayle Gomez" nalapat niya ang kamay niya na makipag shake hands. "Ako nga pala si ---"
"Rae Giselle Pascual. Taga 7-A" nag smile siya. "Panu mo nalaman?"
"Taga 7-A din kaya ako! Alam mo kala ko masama ugali mo hindi naman pla. At ngayon ko lng din nalaman na ang ganda mo sa malapitan" pati ba naman siya sinasabi maganda ako?
"Alam mo di ko alam kung ano mga nakain nyo eh pero halos lahat na mga nakikilala ko sinasabi maganda ako" tumawa naman siya.
"Eh maganda ka nmn talaga eh! Kailangan mo lng talagang mag ayos" ngumiti ako. Biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko nag text si Papa. 'Baby Rae uwi ka ng maaga' anu kaya meron?
"Ah sige Wendy nice meeting you. I have to go na si Papa kasi hinahanap na ko. Bye!" kumaway ako sa kanya at kumaway din siya sakin. Patakbo na ko papunta sa bahay namin nang biglang sumigaw si Wendy.
"RAE THANKS SA TICKET!" ngumiti ako at tumakbo na.
-----
Pagkadating ko sa bahay may kausap na babae si Papa nakatalikod kaya di ko makita ung mukha.
"I'm home Pa!" tumingin sakin si Papa at ngumiti. Humarap naman ung babae at laking gulat ko ng makita ko ang mukha.
"Mama.....?"
------
A/N: Chap 5 Done ~~!
Slamat sa pag read! (such konyo)
BINABASA MO ANG
My Miserable Life |Slowww Update :))|
Teen FictionSi Rae Giselle Pascual. Isang not so mayaman na highschool student na may brains nga wala namang beauty. Sa pagpasok niya sa Castle High ang normal niyang buhay ay nagbago sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya. Written by TsunderePrincess01