-----
Second day na ng di namin pagpapansin at ni Kris at as usual ganun parin ang setting namin sa school. Kinakausap niya lang ako pag kailangan na kailangan lang. Nilibre ko din sila Samuel at Eric dahil sa pagrescue nila sakin. More than a week nalang pala ang natitira dun sa alalay thingy, hindi na pinapabayaran ni Kris yung shirt niya. Kung hindi pala niya pababayaran bat pa niya ko ginawang alalay!? Aish!! Patapos na kong kumuha ng notes ng biglang lumapit sakin si Raquel.
"Uh Rae pa favor naman oh"
"Sige anu yun?"
"Diba kanina pa kami nagpra-practice sa Math?"
"Napansin ko nga"
"At dahil dun di ako, kami! Nakakuha ng notes kaya pwedeng pahiram ng notes mo?"
"Oo naman"
"Talaga?! Salamat Rae!! Bawi ako sayo"
"Haha no need. Sige una na ko may gagawin pa ko sa bahay eh"
"Sige bye! Salamat ulit!"
Buong araw nag take notes lang kami. Sila Raq naman nagpra-practice para sa Math Contest next next month. Pagka-ayos ko ng gamit ko ay umuwi na ko dahil may tutor pa. Pagdating sa bahay wala pa yung tutor kaya nagshower muna ko. Pagbaba ko nandun na siya at nagsimula na ang tutor session.
"Good evening Miss Pascual. Sorry I'm late, traffic eh" sabi niya.
"Okay lang po kakatapos ko lang din pong magshower. Ah Rae nalang po tawag niyo sakin"
"Very well then Rae, I'm Irene de Gulan. You can call me Mam Irene"
Pagkatapos ng pagpapakilala sinimulan na ni Mam Irene ang pagtuturo sakin tungkol sa business. Binigyan niya ko ng mga review paper. Diniscuss niya ang tungkol sa Wine Industries at kung pano magmanage nito.
"Oh Rae that's for today. Reviewhin mo lang ng reviewhin yang mga binigay ko sayo. See you tomorrow"
Pagkaalis ni Mam Irene umakyat na ako sa kwarto ko at nagreview. This is more difficult than I expected. Pagkatapos kong basahin ng 3 times ang mga review papers nakaramdam na ko ng antok kaya napagisipan ko ng matulog. "Thanks Lord"
----- Two weeks later~
Aubrey POV
Hayy halos magtri 3 weeks nang di nagpapansinan sila Rae at Kristian at masaya ako dahil dun pero sa 3 weeks na yun walang nagpro progress sa relationship namin ni Kristian. Nakakapagod na ring palaging nakasunod kay Kristian. Bawiin ko nalang kaya yun? Pakawalan ko nalang kaya si Kristian? Hala ano ba tong pinagsasabi ko? There's no way I could let go of Kristian. Pero mukha namang gusto nila ang isa't isa eh. Gwapo naman si Kristian at maganda naman si Rae, di niya lang alam yun sa sarili niya. Ako tuloy ang nagmumukhang kontrabida sa love story nila. Arggg I need time to think. Siguro a month could do.
----- A day before the party~
Rae POV
July na. Pero ganun paren weekdays schoollife at saturday restobar pero simula nung di kami nag papansinan ni Kris parang may nagbago. Ewan ko ba. Anyway busing-busy ang lahat sa pag aarrange ng venue ng party. Lahat sila aligagang-aligaga, lahat sila may ginagawa. Sila Mama at Papa nagpunta sa hotel na pagdadausan ng party. Si Kuya Riel naman kausap ang magca cater. Samantalang ako nag aaral parin dito ng business *sigh*. Habang chine-checkan ni Mam Irene yung quiz na binigay niya sakin ay kinuha ko na mula sa oven yung cookies na ginawa ko. Nagsalin ako ng fresh milk sa baso at dinala sa sala.
BINABASA MO ANG
My Miserable Life |Slowww Update :))|
Teen FictionSi Rae Giselle Pascual. Isang not so mayaman na highschool student na may brains nga wala namang beauty. Sa pagpasok niya sa Castle High ang normal niyang buhay ay nagbago sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya. Written by TsunderePrincess01