Chapter 21: Awkward

86 9 3
                                    

-----

Hayyyyy monday nanaman. Pagpasok ko sa school nakita kong busing busy ang lahat, ano kaya meron? . . . . . . . .  AY oo nga pala this week na yung game at pageant! huhuhu. Dito sa school namin gagawin ang laban kaya this week marami ang pupuntang mga taga ibang school. Bukas ang start ng game, sa wednesday ang continuation ng game bukas, sa thursday naman ang semi finals at sa friday ang finals at ang pageant. Ehmehgee kinakabahan ako di lang para sa sarili ko kundi para rin sa Castle High. Sana manalo kami both game and pageant. At para naman manalo kami sa pageant kailangan kong galingan! 

Hmmm every after class kaya pumunta ko sa music room at dun mag practice? Singing kasi napili kong i talent kasi bawal naman drawing, anu yun? Habang nagdra drawing ka nararamdaman mong mat humihikab, nag ce cellphone, nakikipagchismisan at iba pa? Wag nalang no. Nag start na ang flag ceremony----

-----

Tapos na ang klase. Andito kami nila Raquel, Jermaine, Kuya Chester at Ate Jasmine sa bench. Close din kasi kami kay Ate Jasmine kahit paano. Nagkwe kwetuhan kami tungkol sa mga random things hanggang sa napag usapan namin kung saan muna pwedeng uminom or kumain at tambay narin. Suggest ni Raquel na sa TeaBerry kami pumunta, matagal na daw kasi siyang di nakakapunta doon para bumili ng tea. Pumayag naman kami nila Ate Jasmine at Jermaine na dun pumunta. Ayos lang naman din kay Kuya Ches kahit saan pumunta. Hmmm napansin kong parang may something kay Kuya this day. 

 On the way the TeaBerry napansin namin ni Jermaine si Kuya Chester na parang namumutla.

"Hala kuya namumutla ka!" sabi ni Jermaine. Nag agree naman ako sa sinabi niya.

"Oh? Hmm siguro dahil sa di ako makaihi ng maayos these days. Okay lang yan"

Well di nmn masyadong malala itsura niya kaya di nalang nain masyadong inintindi. Nauna kami nila Raquel at Jermaine tumawid sa tawiran, magkasabay naman sila Kuya Ches at Ate Jas. Malapit na kami sa TeaBerry nang bigla akong kinalabit ni Jermaine.

"Rae tignan mo sila Kuya oh! Magkaholding hands haha" tumalikod nman ako para tignan sila pero di na sila magkahawak kamay.

"Di naman eh!"

"Ay promise kanina! Answeet nila tignan haha!" pagkatapos sabihin ni Jermaine yun ay saktong dating naman namin sa TeaBerry. 

Di namin inaasahan na nandun pala sa TeaBerry ang mga classmate ni Ate Jasmine. Well pero anyway pumasok parin kami pero i te take out nalang ang mga bibilin. Pagkapasok ay tinanong kami ni Raquel kung ano ang samin. Di naman talaga ako pumupunta sa mga ganto kaya di ko alam kung ano masarap, ginaya ko lang kung ano ang bibilin ni Jermaine. Kay Kuya naman ay frap at kay Ate Jasmine naman wala kasi di niya daw trip ang tea. Habang inaayos pa ni Raquel ang mga pera ay umupo muna kami. Umupo si Ate Jasmine sa table kung saan nandun ang mga classmates niya. Napansin kong lahat sila nakaunifrom pwera sa isa. Tumalikod ang babaeng di naka uniform and guess who....... Si Ate Jewell.

Pakiramdam ko parang bumigat yata yung atmosphere dito. Well bat di naman bibigat eh nandito ang dati and new ka M.U ni Kuya Chester. Well anyway omorder na si Raquel and unfortunately wala lahat nung gusto namin. Mas lalo pang bumigat ang atmosphere! Hayyys. Napag desisyonan nalang naming lumipat sa 7-11 dahil sa wala yung gusto naming iorder at ang awkward dahil nandito ang si Ate Jewell at classmates ni Ate Jasmine. Pagkasabi namin nun kay Ate Jasmine eh lumabas na kaming 4 at naiwan sa loob si Ate Jas. Tatawid na dapat kami pero sinigawan kami ni Ate Jas at sinabing hintayin siya. Mukhang nagpaalam si Ate sa mga kaklase niya para payagan siya. Mukhang pinayagan naman siya pero what's this? Kasama si Ate Jewell?!

My Miserable Life |Slowww Update :))|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon