----------------
Rae POV
"You're invited to Section 7-A's Christmas Party
7 am, Saturday at Castle High's Hidden Garden
Please wear formal clothes"
Kakauwi ko lang galing school at ito ang tumumbad sa akin pagbukas ko pinto ng bahay. Isang letter na nangungumbida sa isang christmas party. Ang taray ng section namin ha! May paganto-ganto pang nalalaman haha! So bukas na pala last day namin bago magchristmas break? ... Pupunta kaya si Kris? Ay siguro hindi.. baka busy pa siya sa pag-alis.. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba ako sa sala para manood sa tv. ng kahit ano. Saktong dumaan naman si Mama kakagaling lang sa market.
"Ma bukas na daw christmas party"
"Really? Ano may susuotin ka na ba? Ano ba theme?"
"Ang nakalagay lang formal clothes"
"Oh want to go shopping?"
"Wag na ma. Christmas party lang naman eh"
"If you say so..." hmm himala hindi nangulit si Mama na magshopping. A person like her is so stuborn when it comes to those things. Pumunta si Mama sa labas at mukhang kinauap si Mang Manuel (driver namin) at bumalik dito sa loob.
"Uhm Rae? Could you please go to the market again? Seems like there's something that I forgot to buy"
"Sure ma"
"Magpasama ka nalang kay Mang Manuel, siya na rin mag sasabi nung mga bibilin mo okay?" tumango ako at lumabas. Habang nagdradrive si Mang Manuel, may kakaiba akong napansin. HINDI ITO PAPUNTANG MARKET! PAPUNTA TONG MALL! Ay nako sabi na eh si Mama talaga tsss. Nagpadala nalang ako sa agos ng mga pangyayari. Maya-maya nakadating na kami sa mall.
"Ms. Rae dun daw po kayo pumunta sa shop ni Mam Charice (ate ni Raquel)" tumango ako at dumiretso dun. Pagpasok ko ay nagiintay naman si Ate Charice na may mga nakahandang damit.
"Long time no see Rae! I've missed designing clothes for you! Haha!" tumawa ako at niyakap ko siya. Marami siyang damit na binigay sakin pero ang nagustuhan ko ay isang simple red dress with black leggings. Simple lang siya kung iisipin mo pero ang ganda! Ayun na ang pinili ko na susuotin ko sa christmas party----
--------- Kinabukasan -------
---- "Rae you're so pretty!" sigaw ni mama pagkatapos kong suotin ang damit. Oh my gosh ma it's just 6:30 in the morning! You're too noisy >_<
"Let's just let your hair that way, it suits your dress hihi" tumango-tango lang ako.
"Tara let's have breakfast na baka malate ka pa" pagkatapos naming kumain ay hinatid na ako ni Mama sa school. Pagdating dun ay dumiretso ako sa hidden garden kung saan ang venue ng christmas party. |A/N: remember the garden in the previous chapters? Dun yon! XP| Konti lang tao dito ngayon sa school kasi kahapon nagchristmas party lahat ng grade and section kami nalang talaga hindi. Special daw kami huehuehue. Pagpasok ko dun ay napa . OH MY WOW GOSH ako ng literal. Ang ganda ng ginawa nila! Kineep nila yung image ng hidden garden na mas ikinaganda nito haha astig! Binati ako nila Sir Ray (teacher namin) na mukhang kanina pa nandito. Kasama niya din ang iba naming teacher na makikiparty samin.
"Rae you look cute in that dress! You really are a pageant princess" ngumiti ako.
"Nako sir wala akong dalang pera ngayon haha pero thank you nalang po haha"

BINABASA MO ANG
My Miserable Life |Slowww Update :))|
Roman pour AdolescentsSi Rae Giselle Pascual. Isang not so mayaman na highschool student na may brains nga wala namang beauty. Sa pagpasok niya sa Castle High ang normal niyang buhay ay nagbago sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya. Written by TsunderePrincess01