NAM JOO-HYUK/ Zephyrus Fennice is on the mediiaa<3
Tahimik lang kaming kumain.
"Tricia, wala ka bang plan na lumipat ng school?" tanong sa akin ni papa, napatingin naman sa akin si kuya.
"Wala po, besides nandodoon po sa FdU yung mga kaibigan ko and also my crush." nakangiti kong sabi kay papa.
"Hmmm. Kaya pala. Sabihin mo sa amin pag may boyfriend ka na 'ha. Pwede mag-boyfriend pero dapat you know the limitations wag muna kayong gumawa ng apo dahil Third Year College ka palang. Yung pag-aaral mo wag mong pababayaan, ok?" tumango lang ako sa sinabi ni papa.
"Ikaw hijo, kamusta?" sabi ni papa kay kuya. Kung natataka kayo, minsan lang si papa umuwi dito kasi lagi siyang may business trip minsan sinasama niya si mommy minsan naman kami kaya ganyan na lang kung makatanong yang si papa.
"I'm fine, pa" si kuya naman ay 4th Year College na ngayon. Ang bilis talaga ng panahon. Sooner or later magugulat na lang ako na kasal na kami ni My Loves.
"Ok, may girlfriend ka na ba baby boy?" nakangiting tanong ni mama kay kuya, napatingin din ako kay kuya pati rin si papa.
"Wala pa, pa. It's just... Girls are not in my vocabulary" sabi ni kuya. Valedictorian kasi yan, kaya minsan papasalubungan siya ni papa ng phone tapos kung anu-ano pa.
Hindi unfair sa akin sila papa dahil kung anong gamit ni kuya, may ganon din ako di'bale na lang kung ayaw ko.
"Pa, I have no plan this coming 5:00PM and boring naman kung dito lang tayo, gala tayo Pa!" masigla kong sabi.
"Tricia, aalis kami ng papa mo ng maaga bukas kaya wag na kayong magtaka kung bakit wala kami, papapuntahin ko na lang si Manang Ising para mabantayan kayo" sabi ni mama. Kaya napatango na lang ako. Tuwing nandidito kasi sina mama or papa walang yaya gusto kasi ni mama may matutunan kami. Pero pag wala sila pinapapunta ni mama yung katiwalang katulong namin na si Manang Ising. Nandodoon kasi si Manang Ising nakatira sa Mansion namin sa Batangas pati rin si Manong Tyson ang kanyang asawa.
"Percy, itext mo si Manong Tyson sabihin mo pumunta sila dito bukas" utos ni papa kay kuya. Tumango lang si kuya.
"Maagang matulog 'ha. Maaga pa kayo bukas." sabi ni mama nang matapos na siyang maghugas ng mga pinagkainan.
"Opo ma, goodnight po" magalang kong sabi at kinisan sa pisngi si mama at papa, ganon din ang ginawa ni kuya.
"Goodnight din mga anak" sabay nilang sabi sa amin.
Tatawagan ko na nga lang si Beshy.
---
Dedication Note:Dedicated sayo kasi vinote mo ang story ko! Thank you and godbless. Sana ituloy-tuloy mo pa ^_^
Author Sheena...
BINABASA MO ANG
Believe in Magic | COMPLETED
Teen FictionMeet Pattricia Louisse Dela Vegaz a 16 year old girl, live in very wealthy parents. Ampon lamang siya, ipinaampon siya ng mga tunay niyang magulang noong kapapanganak pa lamang sa kanya nito. Aware naman siya na ampon siya, ngunit hindi ipinaramdam...