Zephyrus POV
Ngayon ang date namin ni Lorraine, sabi kasi ni Dad kapag di daw ako nakipag-date sa kanya malulugi daw ang business namin dahil hawak ito ng pamilya nila Lorraine.
"Hi hubby" malanding sambit niya. Tumango lang ako at pumasok na sa kotse, hindi ko na kailangan magsalita pa masasayang lang ang mga laway ko.
"Hubby bakit di ka nagsasalita, are you mad at me?"pabebeng tanong niya nag-drive na lang ako at hindi siya pinapansin hanggang may mapansin akong babaeng matamlay na naglalakad sa gitna ng daanan. Bigla namang nag-green ang stop light (o traffic light) may rumaragasang sasakyan dahilan para masagasaan siya.
Lumabas ako at kilala ko nga siya.
Pattricia Louisse POV
Nag-mo-mall kami ng mga trops ko ngayon date namin ng trops ko ngayon 'no.
Tuwing sabado kasi noted na yan na date namin ngayon."Bes, bibilhin ko lang yung cute na pouch na yun 'o" sabay turo niya sa departmemt store na nakasabit ang baymax na pouch. Cute nga pero di ko type. AYAW KO SA BAYMAX!
"Ok bes basta bilisan mo lang ah." sabi ko tumango naman siya at parang batang nagtatakbo.
Nilingon ko naman si Sashi at parang tulala siya. Anyare ba dito sa babaeng ito.
"Bes, ok ka lang kanina ka pa tulala dyan ah? Di ka ba nabusog sa kinain natin kanina? Gusto mo pa-take out ako ng iba nilang dishes?" nag-aalala kong yanong kay Sashi hindi naman nakalagpas sa akin ang tumulong luha niya umarte naman siyang napuwing pero hindi ko na lang siya kinulit pa at baka masira ang date naming magkakaibigan.
"Bes, mag-c-cr lang ako ah" sabi ng kakadating na si Ayuna at parang paputok na ang pantog niya. "Bes samahan mo akoo!!" nagmamakaawa niyang sabi sa akin. Natawa na lang ako at sinamahan siya.
"Bes Sash, antayin mo lang kami dito ah?" hindi siya sumagot, silent means yes naman kaya iniwan na lang namin siya.
Natapos umihi ang bruhilda kong kaibigan at ngayo'y nag-reretouch na ng mukha nakatingin lang ako sa kanya.
"Bes! Alam mo ba yung kumakalat na chismis ngayon?" balita sa akin ni Ayuna, ang dakilang chismosa.
"Ano na naman yang nakuha mong balita?" curious kong tanong.
"Si Sashi----"
KRINGGG!!! KRINGGG!!!
Tiningnan ko ang tumawag sa akin si Sashi lang naman pala.
[Hello ma'am kakilala niyo po ba si Sashi Dy? Kayo po kasi yung nasa speed dial niya eh kaya kayo na lang po yung una kong tinawagan. Ma'am nandidito po si Sashi sa Hospital itetext ko na lang po kung saan.] kinabahan naman ako bigla. I hope walang nangyaring masama kay Sashi.
--
Dedicated To: @remelynmamaril9810
Dedication Note: Thank you sa pagbabasa ng story ko, Godbless at sana makarating sayo ang simple dedication ko. Lovelots.Author Sheena...
BINABASA MO ANG
Believe in Magic | COMPLETED
Novela JuvenilMeet Pattricia Louisse Dela Vegaz a 16 year old girl, live in very wealthy parents. Ampon lamang siya, ipinaampon siya ng mga tunay niyang magulang noong kapapanganak pa lamang sa kanya nito. Aware naman siya na ampon siya, ngunit hindi ipinaramdam...