BIM: Chapter 18

114 3 0
                                    

Penelope POV

My name is Penelope Dangin and I am the---

"Anak, kailan pa?" mahinahong tanong sa akin ni mama. Naluluha ako dahil hindi na ako kailanman makakapasok sa magandang eskwelahan na ipinangarap kong mapasukan noon. Ang pangarap kong eskwelahan ang FdU. Pangarap ko doon magaral pero naubusan ako ng scholarship.

"Ma, pasensya na po" diretsong sabi ko kay mama, yayakapin ko sama siya kaso lumayo siya sa akin. Feeling ko nandidiri sa akin ngayon si mama.

Wag naman sana alam ko namang kayo lang ang makakaintindi sa sitwasyon ko ngayon.

"Ano na naman 'tung kalat na balita?!" galit na sigaw ni kuya at agad akong sinamaan ng tingin. Umakyat siya uli at parang may nakalimutan.

Inantay namin ang pagbaba niya nakita ko siyang may dalang malaking bag at bag o iyon. Sana mali 'tung naiisip ko.

"Kuya..." naluluha kong sabi

"Mapapahiya ang apelyido at pangalan natin Pen kapag di ka kusang umalis sa pamilya--bahay na ito. Hindi tayo ganon kayaman para mailinis ang pangalan mo. Gusto kong umalis ka dito at huwag ng babalik pa" walang emosyon ang pagkasabi niyon ni kuya, tiningnan ko si mama na baka sakaling pigilan niya si kuya ngunit hindi niya ito ginawa.

Bumagsak ako sa lupa dito sa labas ng bahay pati ang mga gamit ko. Sobrang sakit. Tinulak nila ako at dali-daling isinarado ang pintuan.

Asan na ba si Percy?!, tutulungan niya ako hindi ba? Magkasama namin 'tung haharapin, hindi ba?

Tumayo ako at binuhat ang gamit ko. Para akong zombie na naglalakad sa gitna ng pedestrian lane. Trumending na rin ako sa social media dahil sa nangyari sa amin ni Percy. Isa kasi sa pinakamayaman at marangya ang pamilya nila.

Lahat ng media alam kung ano sila, nasaan sila, at kung anu-ano pa, kumbaga updated sila sa nangyayari.

Napadaan ako sa DVMU at tumambay sa bench tabi ng puno alam kong hindi na ako magkakaibigan kapag nakapasok ako ng DVMU alam ko sa sarili ko na ako na lang ang mag-isang malalagpasan ang pagsubok na ito.

Kahit siguro si Percy di kaya, magulang pa nga lang niya tumba na siya pano pa kaya niya masisigurado na maayos ang future namin?

Matagal ko na gustong magkaanak pero wrong timing naman ata ngayon! Mas better kung sa probinsya na lang ako maninirahan, nandodoon si Lola at Lolo tiyak matutulungan nila ako! Tama! Wag kang umasa sa ibang tao, para hindi masaktan nang lalo.

Buntis ako, buntis ako at sigurado akong si Percy ang ama ng dinadala ko. Kung ayaw niya sa akin ay okay lang kaya kong magisang buhayin ang bata. Kaya ko.... Kakayanin ko...

Believe in Magic | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon