CHAPTER SEVEN... SMILE

1.9K 53 0
                                    

SMILE

JAZZ'S POV

Nagising ako ng pawis na pawis... kung ano ano na ang napapanaginipan ko... psh... letche...

"Bumangon ka dyan malalate ka na kapag di ka pa kumilos..." malamig na sabi naman saakin ng isang babae... yung roommate namin ni Nie-Nie iyon... ang sungit nga nya...

"Ja!?" Isang nakakarinding sigaw naman ang gumising saakin... alam kong pag mamay ari iyon ni Lannie...

Nakakaines na ang babaeng ito... umagang umaga eh...

---

Naghihikab ako ngayon papuntang classroom... kung nasaan ang first subject ko... wews... iisa lang naman talaga ang subject ko...

Ahay... ewan ko ba kung bakit ganun nalamang kahigpit sina Pres at Vice... ayoko naman kasi talaga maging secretary eh... kaso baka masira lang ang pangalan ng mama ko sa school... at isa pa... ah basta bahala na!

Binuksan ko na ang pinto ng classroom... as usual... ganun parin silang lahat... maiingay...

Sabagay hindi naman ganun kahigpit ang academy na ito... kaya ang dami ring mga basagulero dito...

I let out a deep breath before pumasok... i rolled my eyes sa mga babaeng pumatol saakin kahapon... tss paki ko sakanila kung pinatulan ko yung 'bebe labs' nila dito sa classroom... duh...

Nagtama naman sakto ang aming paningin ni Ash... tinaas nya ang kamay nya saakin at tipid na ngumiti... binaba nya din yon ng ginantihan ko sya ng isang ngiti...

At may epal na bumato ng papel sa mukha ko... alam mo ba yung feeling na may namwiset sayo umagang umaga tapos nawala na eh... tapos may isang eepal na magbabato sayo ng crumbled paper sa mukha mo... edi bumalik lang din lahat ng inis mo...

Tumingin naman ako sa pinanggaling ng papel... tinaasan ko ng kilay lahat ng nagkukumpulang mga lalaki sa likod ng classroom... kinuyom ko ang aking kamay ng makita kong nag tuturuan na sila... tumaas naman ang sulok ng labi ko...

" ohwowwowoo... anong laguluhan ito?" Tanong ng kakadating lang na president namin na si Kein... naikwento sya saakin ni Lannie before ako matulog kagabi... ang dami ngang sinabi eh...

"Nagbabatuhan po sila ng papel!!! " Sumbong naman ni Stella... yung ka roommate namin... Nauna na pala sya

"Ang ingay po nila!!!"

"Nang bubully po sila!!!"

"Ayaw po nilang maglinis!!!"

"Ayaw po nilang sumunod sa leader!!!"

Sari saring mga sumbong ang mga narinig ko with 'po' pa talaga ha...

"Lahat naman tayo mananagot kapag lahat tayo walang ginawa..." mahinahong saad ni Kein... "lahat tayo maglilines... yan ang parusa nyo..." dag dag pa nito... ngayon ipina ikot nya ang tingin nya sa buong classroom... huminto naman ang tingin nya sa sahig... nakita nya ang mga nagkalat na mga nilamukos na papel...

"Nagbago na pala ang isip ko... lahat ng nagkalat nito ay syang maglilinis ngayon... " kunot noong sabi nya habang ang tinutukoy ay ang mga nagkalat na papel... salamat naman at may hustisya na sa pagsira nila sa moment ko kanina... haha!

Ngayon sabay kaming pumunta ni Kein sa mismong upuan naming dalawa... nasa unahan ko ngayon si Ash... nasa likod ko naman si Kein... nasa kaliwa ko naman si Lannie at ang nasa kanan?.. pader...

Dumating na ang prof namin at nagsimula ng mag discuss... at ako naman itong nakikinig lang... habang ang iba ay nakadukduk na sa kani kanilang desk...

Ang gloom ha...

...Discuss

Natapos na din tapos lahat ng kanina na mga nakadukduk ay parang nabuhay na ngayon... what's with them? Ayaw ba nila kay Sir Deminton? Hay nako...

Lumingon saamin ang katabi ni Ash... "Guys ang boring mag turo nun..." sabi nito... napatingin naman si Ash dito at napa iling nalang...

Ilang minuto din ang lumipas... pinapatahimik ni Kein ang mga kaklase namin na walang sawa sa pakikipag bidahan...

Bigla namang kumalabog ang pinto... nakita ko ang pinaka terror na teacher namin na pumalit sa totoo naming subject teacher... and guess kung sino yun...

"Mama..." bulong ko na ako lang ang nakarinig...

Siniko siko naman ako ng katabi kong si Lannie. "Mama mu oh..." nanginginig na saad nya... oo napaka sungit nyan... at pag nagtama ang tingin namin ni Mama... naku ako ang tatawagin nyan...

...Discuss

...Discuss

...Discuss

...Discuss

Napakahabang araw para saakin ito ngayon... nagrecess na kaming... Apat... kasama na naman yung makulit na si Denis... may gusto yata to kay Lanie eh...

---

Naka order na kami... ng may umepal na naman...

Tahimik kaming kumakain ngayon dito sa Cafeteria... ng bigla nalang may humawak sa braso ko... napalingon naman ako at nakita ko si...

"President Kein?.. bakit?" Tanong ko habang susubo na ng kinakain ko...

"Isa ka sa magiging representative na gagawa ng booth sa thursday next week..." nabulunan nalang ako sa sinabi nya...

"Oh okay ka lang?" Tanong ni Ash habang inaabutan ako ng tubig gamit parin ang kanyang walang emosyon na mukha...

Kinuha ko ang inabot nya at dali daling inubos yon... "What the F!!?? Hindi ko alam na may booth booth na gagawin... at isa pa di ko close ang mga kaklase ko..." pagdadahilan ko at pairap na humarap ulit ako sa pagkain ko...

Jusko po pala... aba'y ayoko na! Secretary slash representative??... di na keri ng bangs ko yon!

"Next week pa naman yun... at isa pa kaya nga kayong apat ang mga pinili ko para naman matino tino ng konti..." nakakaines na ha... bakit di mawala wala ang ngiti nya?

Nakita ko na nalilito rin ang mga mata nila... maliban lang kay Ash... syempre emotion less na naman sya... ang cold nya talaga...

Napairap ako bago tinanong sina Lannie at Denis... "Alam nyo ba ang tungkol dito?" Mahinahong tanong ko... nag titimpi lamang ako dahil ma-se-stress lamang ako... sayang beauty...

"Hindi... wala pa ngang ina announce yung SSC tungkol dun eh..." sabi naman ni Lannie... kaya naman napatingin ako kay Kein...

"Di talaga yun inanounce kasi nga surprise yun... teacher lang ang nagsabi sakin nyan kanina..." pag papaliwanag naman ni Kein na ikinatango nila...

Pero bakit ako walang alam jan sa surprise surprise na yan?

"Payag ba kayo sa offer nitong si President? " tanong ko naman sa kanila habang pinaniningkitan ko ng mata si Kein...

"Ako Oo... kasi jebdgsj ka..." wait lang nabingi yata ako...

"Ano?"

"Ewan ko pala..." pag babawi nya sa sinabi nya...

"Naku... ikaw ha..." sabi naman ni Lannie kay Denis habang sinisiko siko pa nya ito... ang weird talaga nila... AIISHH... bahala na nga...

"Ako bahala na..." malamyang saad naman ni Ash... napatango nalang ako...

"Payag ako kapag pumayag si Jazz!" Masaya namang sabi ni Lannie...

"Pag usapan nyo nalang yan at balitaan nyo nalang ako..." sabi nya naman habang papalayo na saamin... isa din yung weirdo...

Pagharap ko sa pagkain ko ay napansin kong nawala ang juice ko... kaya naman kusang napataas nalang ang kilay ko...

"Akin nalang ubos na yung akin eh..." tapos nag peace sign pa si Lannie... lukaret talaga itong babaeng ito... inarapan ko sya bago ako tumango... tinapos ko nalang ang pagkain ko at sinabihan ko silang pupunta muna ako sa SSC office...

...ENJOY...

The Maid's Secret (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon