Dumating ang linggo at nandito na sa airport si Zane. Ready to go na sya dumating man o hindi si Ashton.
Malapit na tawagin ang flight number nya. Kasama nya ang mga tita nya. Nakapag desisyon na sya nung huling kita nya kay Ashton. Hindi sya pumasok ng mahigit ilang araw. Naikwento na rin nya sa kanyang mga kaibigan ang ginawa nya kay Ashton through the phone. Hindi pa sya nakikita ng mga kaibigan since nung mangyari ang insidenteng yon.
Sa kabilang banda naman ay ayon si Ashton. May sakit sya... Nilalagnat dahil nagpaulan sya nung isang araw remember??
Ilang minuto bago tawagin ang flight number ni Zane ay tumawag si Stella.
"Are you sure about this? "- Stella
"Lahat naman yata ng sinasabi ko ay pinaninindigan ko. "
"Hindi lahat... " ani to habang tumatawa pa. Akala mo ay hindi mawawalan ng kaibigan. Malungkot ako at masaya ngayon... Nanghihinayang pa. Masaya dahil nakapaghiganti na ako, malungkot dahil may maiiwan ako nanghihinayang dahil may nasimulan akong hindi ko matatapos dito. ~ZANE
"Okay okay... Aalis na ako tinawag na ang flight number ko. " sabi nya tsaka nya pinatay ang tawag. Binalingan nya ang entrance. Napakaraming tao.
"Zane. " lumingon sya ng puno ng pag asang si Ashton ang makakaharap nya.
"Ashton? " tawag nya
"Are you ready to leave?"
"Ay... Hehe pasensya na po tita. Opo tara na? " si Sheryl at Flora
Aalis na sila...
Napakahirap ng pinagdaanan ni Zane. Kasalukuyang kinakalaban nya ang puso nya.
After 4 years. Apat na taon nyang kinakalaban ang puso nya... pero buti nalang at.
Kasalukuyang nag cecelebrate ang mag tita ng 21th birthday ni Zane.
"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday Happy birthday happy birthday to youuuuu! Happy birthday Zane!" kanta ng mga kaibigan at tita nya. Masayang hinipan ni Zane ang kandila at tsaka may tinawagan sa telepono.
"Hello? "
-Zane! Kamusta ka na ba!???
"Okay lang tita... Kayo ni Papa? "
Her father is slowly recovering from his depression. Inaalagaan sya ng tita Flora ni Zane. Hinatid lang ni Flora sina Zane sa airport at agad rin naman umalis ito.
-Okay na ang Dad mo ngayon Zane!
"Zane " napalingon sya nung may tumawag sakanya.
"Talaga po ba?... " napahinto sya saglit at ngumiti ng matantong si Ryan iyon. Ang kanyang kasintahan.
-Happy birthday Zane!
"Thanks tita... Ouhm I'll call you back nalang okay? "
"Sure, you must be busy."
At pinatay na nya ang tawag."Who's that? " tanong ni Ryan
"That's my aunt Flora. "
"I hope we can see each other someday, and also your Dad"
"Haha! Hindi ba't marunong ka namang magtagalog? " natatawang saad ni Zane
"Fine... Sya nga pala nasaan ang mga kaibigan mo? " mas pumopogi si Ryan kapag nagtatagalog ito... Para kay Zane.
Mahigit isang taon na nanligaw si Ryan kay Zane bago nya ito sagutin. Napaka kulit nito at may pagka clingy minsan. Nagustuhan ni Zane si Ryan dahil sa napaka matulungin ito at masipag.
"Baka nasa salas? Tara. " hinawakan ni Zane si Ryan bago pumunta sa salas.
"Zane... " tawag ni Ryan ng maka upo na sila sa sofa
"Oh? "
"Happy birthday"
"Isa... Dalawa... Tatlo... Apat! Apat na beses mo na yan nasabi mula pa kahapon. "
"Paulit ulit talaga yang si Ryan." sabat naman ng isa sa mga kaibigan ni Zane. Halos lahat naman ng kanyang kaibigan ay pilipino kaya hindi sya nahirapan dito.
"Ang akala ko kasi ay nakalimutan ko at hindi ko nasabi. " dahilan ni Ryan.
"Oo na, thank you nalang"
Habang lumalalim ang gabi ay unti unti silang nalalasing at nagsisiuwian na rin ang mga bisita.
"Happy 21th birthday for Zane! "
"Thanks! "
"Isang case pa! "
Kinabukasan.
Magkatabing natulog itong sina Ryan at Zane kaya naman nagigising si Ryan tuwing gagalaw ito.Bumangon na lang si Ryan saka muling natulog sa sofa.
"Gumising na kayo guys! Umaga na!" panggigising sakanila ng tita ni Zane. Si Sheryl.
"Nakatulog ba kayo ng mahimbing? " sa iisang kwarto ay magkakasama silang lima. Ang iba ay kaibigan ni Zane.
"Opo tita napaka himbing ng tulog ko." sagot naman ni Zane.
"Uh... Tita She! May breakfast na po ba tayo? " tanong ng kaibigan ni Zane si Jenica.
"Wala pa eh. Tara na lulutuan ko nalang kayo... "
"Ayown! Tutulungan po kita! Gustong gusto ko po kasing gamitin ang kusina nyo. " at lumabas na sila. Culinary din kasi ang mga natapos ng kaibigan ni Zane kaya naman lahat sila ay magagaling sa pag luto.
"Ryan nakatulog ka ba? " concern na tanong ni Zane.
"Hehe... Sensya na pero hindi eh, di bale babawi nalang ako pag uwi. "
Ginusto kong tabihan sya kaya papanindigan ko to... Di bali nang ma late akong umuwi makatabi ko lang ang mahal ko~ Ryan
"Hala! Sorry talaga Ryan! Di bali ihahatid kita sa inyo mamaya. Tara na kumain ka muna, mamaya ka na matulog. "
"Okay... " sabay tayo at tungo sa kusina. Nandoon sila nag aayos ng pagkain na inihahain nila. Puro gulay yon dahil diet raw sila.
"This is tasteless! " angal ni Jake. Kaibigan ni Ryan na jowa ni Jenica.
"Diana! kain na tayo." aya naman ni Zane sa isa pang kaibigan.
"Sure... Just wait tatawagan ko lang yung tita ko. "
"Sige... " sagot nya then umupo na at nakisabay na sa pag kain.
Balak nyang umuwi sa pilipinas para bisitahin ang tatay nito. Namimiss na din nya ang mga kaibigang hanggang chat at skype nalang nag kakausap.
Somehow... Itong si Zane ay naguiguilty... Feeling nya ay hindi pa sya nakakarecover sa pag hihiwalay nila ni Ashton. Kahit na hindi naman talaga naging sila. Hindi nya matanggap na hindi ito sumipot sa airport.
Pagkatapos nya kasing sumakay sa eroplano ay pilit nyang sinasabi sa tita nya na ibalik ang eroplano sa airport dahil daw baka kakarating lang ni Ashton at nag hihintay na ito doon. Kahit na hindi sila close masyado ni Ashton ay ramdam nyang gusto talaga sya nito. Bakit ba naman kasi nya hahalikan si Zane di ba?
"Pssstt! You're spacing out again Zane. Ikaw na naman ang natira sa lamesa "
"Hehe! Sorry, di bali ako nalang ang mag huhugas."
"Tulungan kita?" alok ni Ryan.
Madami ka ng naitulong... Pero hindi mo talaga ako kayang tulungan na limutin SYA, Ryan.~Zane
BINABASA MO ANG
The Maid's Secret (UNEDITED)
Novela JuvenilTuklasin natin kung papaano SYA naging isang katulong... kung papaano SYA nagkaroon ng sikreto... Mga dahilan... mga sikreto NYA... at ang kwento NYA... Kung bakit mga weird ang gusto NYA at hindi ang mga normal na simple lang. Kung bakit ang gali...