CHAPTER NINE... TRANSFER

1.7K 59 1
                                    

TRANSFER

ASHTON'S POV

Dinala lang naman ako ng bruha kong secretary sa dorm nila.

Nandito ako ngayon nakaupo sa sofa nila. Nakabalot ako sa twalyang pinahiram ni Zane.

"Girl di mo sinabing dadalhin mo dito si President ha..." kinikilig na sabi ng ka dorm mate nila... hindi si Lannie iyon.

"Umuulan kasi eh..."

"Naku! Ikaw ha...secretary ka ba o personal assistant nya?"

"Ah... president pagpasensyahan nyo po sya... di po nakainom ng gamot." Gamot? May sakit ba sya?

"Anong gamot?" Tanong ko.

"Wahahaha... buti nga sayo di ka nya na gets" sabi naman ng kausap nya kanina.

"Hay naku di bale na nga lang... maligo ka nalang President sungit para na---"

"President what?" Tanong ko. Nakakarami na sya ah.

"Secret ko na yun... at chaka ako lang dapat tumawag sayo ng ganun." Kinindatan pa nya ako.

Di ko sya pinansin at tumungo nalang ako sa bintana. Mukhang di ako makakain ng luto ni tita ngayon ah.

"President sungit maligo ka na tapos nun kumain ka na din. Di naman pwedeng habang buhay ka na lang nakaganyan" pang aasar pa nya.

"Wala ka sa posisyon para utusan ako." Malamig na tugon ko. At chaka wala kaya akong damit... tsk

"Ano ka ba sabihin mo naman president kung nahihiya ka. May damit naman ako dito na pang lalaki... " sabi nito at tumungo sa isa sa mga kwarto.

"Hel......." si Lannie... napahinto sya ng nakita nya ako. saan ba sya nanggaling? "lo...." pag dudugtong nya sa sinabi nya.

"Oh Lannie andyan ka na pala san ka galing ha?" Tanong ni Zane habang papalapit saakin.

"Sa labas malamang bibili sana ako kaso biglang bumuhos ang ulan. Sayang" sabi ni Lannie habang nag papag pag sa doormat nila. "President sino ang pinunta mo dito? Tanong nya.

"Wa---" pinutol ni Zane ang sasabihin ko

"Ako ang nag patuloy sakanya dito kasi naabutan sya ng ulan sa tambayan nya." Pag papaliwanag ni Zane. Tsk tambayan ko pala ha. "Maligo ka na bago ka pa tuluyan ng lagnat."

"Uyyy... concern..." ani naman ni Lannie

"Duh... lagot din ako kay mama kapag nagka sakit alaga nya noh..." sabat naman nitong si Zane.

Tama nga sya maingay nga dito. Tiningnan ko naman ang mga damit na pinahiram nya. What the... pati ba naman boxer meron sya? Pfftt...

"Hoy! Anong tinatawa tawa mo dyan ha...?"

"Wala... sige na ligo na ako..."

"Good..."

---

JAZZ'S POV

Eto na... matatapos na...

"STAGE CLEAR!!" sigaw ko ng matapos ko na ang level ng nilalaro ko. Alam nyo naman siguro ang Plants vs. Zombies diba.

"Tapos na ako..." sabi naman ni President sungit ng makalabas na sya.

"Tapos na rin akong magluto." Nakangiti kong sabi.

"You can cook!?" Gulat na tanong nito

"Of course naman... tinuruan ako ng aking master..." proud na sabi ko.

The Maid's Secret (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon