Clue #1
JAZZ'S POV
Hay nako Duke... kala ko perfect na dumating ka pa!
Ngayon ko lang na realise na...
"Buti pa ang mga panget di naha-heart broken..."- Lannie
"Ang ingay mo!" Sabat naman ni Stella. Natamaan ata.
- - -
SSC Office
"Aalis na ako bukas baby boy..." narinig ko na naman boses ni Cas. Nakakarindi na yung boses nya dag dag mo pa yung kaartehan nya.
"Nga pala president sungit eto na yung kailangan mong pirmahan..." iniabot ko na ang isang piraso ng papel. Aalis na sana ako para bumili.
"Hoy! Di ka pwedeng umalis dito. Aalis kasi kami ni Cas at kailangan ko ng tao dito." Tumango ako at nagpatuloy sa pag lalakad. Duh... secretary ako di utusan!
Ayoko na kaya!
"Dito ka nga lang daw diba? Are you ignoring him or something?" Maarte na saad ni Cas. Blah blah blah blah.
Ayoko na ngang sumunod sakan- - -
"aaah!" pinalo ba naman ako sa ulo ng papel. Ng humarap ako nakita ko na si Ashton yon.
"ang kulit din ng lahi mo eh ano?" inirapan ko sya bago tuluyang lumabas.
- - -
Canteen
"oh ba't andito ka diba dapat nasa SSC Office ka?"-Lannie
"Kaya nga eh." Sabay palumbaba.
"Ano bang meron?" Tanong nya na ikinakunot ng noo ko.
"Pano ba naman kasi iyong Cas na iyon ang landi landi! Letche!"
Ppsshh... wala akong sinabi...
"Wala naman... nag seselos lang..." pabulong na sabi ko
Hinipo nya naman ang noo ko.
"may sinat ka... napano ka ba? Nabasa ka na naman ba ng ulan kagabi? Nakow! Yari ako sa mama mo..." OA na saad nya.
Sinat lang eh. Okay lang naman ako eh. Nakita ko naman na may tumatakbong lalaki papunta dito. Si Ash the cool nerd.
"San ka galing? Ilang araw ka ng di pumapasok ah..." tanong nya habang hinahabol pa ang hininga nya.
"Lam mo naman ako busy..." sabi ko ng nakangiti. Buti pa ang Ash na ito napapangiti ako. Kahit walang dahilan.
"Nga pala... tumawag sakin ang Ma- - -" kumunot ang noo ko ng huminto sya.
"Sino?" Sabay kami ni Lannie
"Mama ko..." pag papatuloy nya. Napatango naman kami. Ngayon ko lang sya narinig na magsalita about sa family nya.
May kinuha sya sa bulsa nya... Cellphone nya.
"Ah... alis muna ako" pagpapaalam nya. Ano yun nagpakita lang sya saglit?
The heck!? Papasok na nga lang ako bukas. Speaking of bukas may contest na magaganap. Contest ng mga booth. Bawat section may mga booth.
"Di rin naman minsan pumapasok yun eh. Magkatulad kayong di pumapasok." Bulong ni Lannie ng maka alis na si Ash. Napaka misteryoso talaga ng Ash ko. Ay?! Erase nyo yung 'ko'.
BINABASA MO ANG
The Maid's Secret (UNEDITED)
Teen FictionTuklasin natin kung papaano SYA naging isang katulong... kung papaano SYA nagkaroon ng sikreto... Mga dahilan... mga sikreto NYA... at ang kwento NYA... Kung bakit mga weird ang gusto NYA at hindi ang mga normal na simple lang. Kung bakit ang gali...