Pagka hatid nya saakin sa isa sa mga table ay agad na tinanong ko kung ano ang pangalan nya.
"Zielo... that's my name..."
"Ang ganda naman... 'Z' din ang umpisa..."
"Ano ba yung pangalan mo?" Tanong nya na inaasahan ko talaga
"Zane!! Kuya!!" Napalingon naman ako ng tinawag ako ni Beatrix.
Moment namin ito eh.
"Nakita ko kayo kanina, sumayaw kayo sa mismong gitna pa... how romantic!" Sabi pa nito habang kinikilig pa.
"Yeah... so ,Zane para mag ka next time... " hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin
"Ok... ano ba ang gusto mo? Uhm... facebook? Twitter? Instagram? Cellphone number? Ano pa ba?"
"Ikaw na lang?" Corny... pero kinilig ako...
"Wag ka ngang ganyan..." sabi ko tsaka ko hinampas ang braso nya. Ngayon braso baka mamaya mukha na.
"Aray naman... cellphone number mo na lang..."
"Ok..." ilalabas ko na sana ang cellphone ko.
"Nakalimutan nyo na ata ako."
"Sige ikaw Beatrix ano ang cp num mo? "
"Ay sige gusto ko yan..."
At iyon na nga ang ginawa namin.
"You really came huh..." nakarinig ako ng isang pamilyar na boses habang nag uusap kami ni Zielo. Lumingon lingon ako at nakita ko si.. sino pa ba edi si Ashton
"Yeah I did..."
"You did, but you dance with someone else." Sabi nya habang nakatingin kay Zielo. Bale... nasa gitna nila ako.
"Uh... Ashton may tugtog pa naman..." sabi ko habang papalapit sakanya.
"No... its fine..." pagkasabi nya non ay saktong tatalikod na sya para lumayo saamin ni Zielo. Luh... tampo na sya. Sa bagay ,sya ang nag papunta dito saakin tapos... oo nga noh... ang tanga ko pala.
Ashton sorry... tanga lang ako.
"Zielo... excuse me.." naglaho na si Ashton sa paningin ko kaya naman agad na hinanap ko sya ulit.
Alam ko yung feeling na... hanggang tingin na lang sya. Sakit non bes
"Ashton?" Bulong ko kahit na alam kong di nya ako naririnig. Hanggang sa naka rating ako sa entrance door nila. "Papahirapan mo talaga ako kakahanap sayo ha.... ?" Letcheng lalaking yan...
Hanggang sa maka abot ako sa labas. Lingon lingon baka sakaling - - - "Ayon!!"
"What the!?" Natawa naman ako ng nagulat sya dahil sa akin.
"Nahuli rin kita... napaka old school nito... alam mo namang alam ko yung mga tricks mong pa-walkout walkout."
"Huh..." umiling iling pa ito habang naglalakad palayo... na naman!?
"Huy ano ba!?" Sabi ko habang hinila ang balikat nya paharap saakin.
"Anong ano ba?" Tanong nya pa balik. Salamat at huminto na sya. Nasasaktan din kaya ako kapag nakikita kong lumalayo saakin ang isang tao.
"Wag ka ng umalis... masakit." Sabi ko habang naka ngiti. Tinanggal ko na din ang kamay ko sa balikat nya.
Hinampas ng hangin ang buhok ko.
"Sorry..." sabi nya habang lumapit saakin para... yakapin ako.
Niyakap ko naman sya pabalik.
"Zane... let's dance..." aya pa nito saakin kahit na parang sumasayaw na nga kami dahil pa gewang gewang na kami.
BINABASA MO ANG
The Maid's Secret (UNEDITED)
Ficção AdolescenteTuklasin natin kung papaano SYA naging isang katulong... kung papaano SYA nagkaroon ng sikreto... Mga dahilan... mga sikreto NYA... at ang kwento NYA... Kung bakit mga weird ang gusto NYA at hindi ang mga normal na simple lang. Kung bakit ang gali...