Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang ipapakita kong mukha kay Ashton kinabukasan. Medyo lumalayo ang loob ko sakanya dahil nag lihim sya, pero di ba ay ako din? Naglilihiman kami... parehas naming pinagtataguan ng malalaking sikreto ang isa't isa, di ba? Pero kahit talagang anong gawin ko ay di mawala wala ang aking sama ng loob kay Ashton.
"Huy recces na ano bang ginagawa mo?"
"Wala nag dadaydream lang-- este nag iisip."
"hahahaha! Sige na nga dyan ka nalang muna at ibibili nalang kita."
Tipid na ngiti ang isinagot ko kay Ashton.
Bakit ni hindi manlang sya naiilang o ano? Parang wala lang sakanya ang nangyare ah! Pero okay lang saakin.
"Huy tara recces?"
"No thanks..."
Madaming nagyaya saakin, madami na rin akong tinanggihan. Malapit ng magtapos ang recces pero wala pa rin sya.
Bumukas ang pinto at nakita ko na... nakita ko na ang pinaka terror na teacher namin na may hawak hawak pang sandwich. Hindi na ako umasa pang babalik yon -__- humarap ako sa may bandang bintana para tanawin ang magandang langit.
"aba... ibinili ka pala ni Ashton ah." Hindi ko pinansin si Stella na ngayon ay pabago bago na ng mood dahil sa epekto ng kasweetan nila ni Denis. Ewan ko ba dyan sa mag jowa na yan. Nabalitaan ko na nga lang ay palagi na silang couple ng kung ano anong gamit eh... huli na ng malaman kong sila na pala ng gaga...
"Oo nga nakita ko sya kanina, nagtanong na rin ako." Isa pa itong si Lannie
"Ang daya naman... kami na ni Denis pero di nya ginagawa saakin yan dahil palagi kaming sabay kumain sa---"
"di ko tinatanong" pagpuputol ko sa sinabi nya.
"Ang bitter mo kase kaya di ka na nya pinipilit na sumabay sakanya mag recces umph!" Aba... pinag kaisahan ba naman ako.
"Eh kung pag untugin ko kaya kayo!?" Inis na humarap ako sakanila. Pagkaharap na pagkaharap ko ay nakita ko na bukas ang pintuan at nakita ko na rin si Ashton na may kausap na babae sa kabilang section.
"ehem... may nagseselos."
"Isa syang sikat na taga section 2... magaling sa sports na volleyball kaya may katangkaran... sya si Elise Adams... balita ko may pogi syang kapatid... kilala ko yun eh!"
"wow ah... iba ka talaga Lannie kapag chismis..."
"Huy hindi naman chismis yun nuuh! Balita yun balita!"
"Shhhhh! Please be quiet!" Eto namang teacher namin na to bongga kung magpatahimik, magshoshower ka nang di oras ng laway nya.
"Ma'am sorry I'm late..."
"okay okay please have a seat na uubusin ko lang yung sandwich ko."
Ng saktong maka upo ay inabot agad saakin ang sandwich na dala nya at isang mineral.
"Thank you..." i mouthed.
•*ו*ו*ו*ו*ו
Uwian na at kailangan kong bisitahin si Chammile. Yes si Chammile lang at wala ng iba.
Ashton's POV
"Cas... we talked about this already. Ayokong sumama sa Japan. I'm not your baby brother." Nasa gitna kami ng pagtatalo ngayon ni Casey.
Ayokong sumama sakanya... sa kanila. Gusto nyang sumama sa mama naming nasa Japan. Doon sya sumama ng pinapili kami.
"Tch... alam ko namang hindi lang iyon ang dahilan."
BINABASA MO ANG
The Maid's Secret (UNEDITED)
Teen FictionTuklasin natin kung papaano SYA naging isang katulong... kung papaano SYA nagkaroon ng sikreto... Mga dahilan... mga sikreto NYA... at ang kwento NYA... Kung bakit mga weird ang gusto NYA at hindi ang mga normal na simple lang. Kung bakit ang gali...