Chapter 35 Gaano katagal?

689 25 0
                                    

Nagtanong ako kung gaano ba katagal ang sinasabi nyang paglayo. At kung saan din ba ako lalayo, at kung bakit rin ba ako lalayo???

Kasalukuyang inexcuse muna ako ni tita. Nakasakay ako sa mamahalin nyang kotse. Mukhang lahat ata ng kapatid ni mama at naka asenso na sa buhay yun nga lang mukhang single -__-

"hey... magkuwento ka naman about kay Mailey. Sa mama mo."

"Si tita naman makapag salita po kayo ay parang di ko kilala ang kapatid nyong Mailey. Eh ganito po kasi yon..."

At ayon kinuwento ko sakanya lahat hanggang sa makita ko ang bahay nyang ubod ng laki at doon ko ipinag patuloy ang lahat ng kwento ko.

Kinuwento ko lahat kung paano ko hindi nahalata na may sakit na pala si mama at kung paano nawala si papa.

"Actually... nalaman na namin kung nasaan ang papa mo."

Nanlaki ang mata ko ng sabihin saakin iyon ni Tita Flora."

"Wait... talaga po?!"

"Talagang talaga. Nasa----"

talagang talagang talaga!?"

"Oo nga... sasabihin ko ba kung hindi totoo?" Teka parang narinig ko na yung line na yan ah?

(A.Z.:Yes b'coz that's my line)

Galing pala yun sa taong ginawang miserable ang buhay ko at nag bigay saakin ng problema at sya rin pala ang puno't dulo nitong kuwento ko.

(A.Z.: Pasalamat ka ah at umabot ka pa sa Chapter 35 ng buhay mo!)

"So tita... saan na nga ba?"

"Nakakatamad sabihin sayo ngayon dahil nag eenjoy pa ako sa storya mo. Ipag patuloy mo na muna."

At ayon na nga pinag bigyan ko ang tita ko. Sinabi ko sakanya na... ayon na nga naging maid ako at kung bakit ako na fall... hihihi! At kung sino ba itong pinaghulugan ko at kung bakit yun nagtago saakin at kung paano ako nagtago sakanya at kung paano kami nag tago sa isat isa at kung papaano nabuo ang love-hate relationship namin... ako lang pala. Lahat kinuwento ko sakanya.

"Aaawww... ang taas naman pala ng pride ni Zane."

Ouch naman sa pride tita.

"Kainin mo muna ang pride mo bago ko sabihin sayo kung saan mo mahahanap ang papa mo"

"Tita edi bumula na ang bibig ko kakakain ng pride ko? Patay na ako bago ko pa malaman ang sagot sa tanong ko"

"Si Zane naman wag mo akong patawanin. Hindi naman yung baretang Pride talaga."

"Eh tita nag sisisi na nga po ako sa ginawa ko dahil sa sobrang taaaaaaaaaaaaas ng pride ko." Sabi ko habang pilit na itinataas ang kamay ko na wariy sinusukat ko nga talaga kung gaano kataas ang pride ko noon. Basta kasi sinabi ko ay sinabi ko. Basta tutulong ako kapag tutulong ako. Ganon ang ugali ko dati eh... lahat pinaninindigan. Hayyyyyyssssss.

"Halika sumama ka saakin hindi ko na ipapakain sayo ang napaka haba mong pride na hindi mo maisalpak salpak dyan sa bibig mo." Ani to na halatang nagbibiro gamit ang malambing nyang boses.

Hindi ko alam na nakatulog ako sa byahe. Ni hindi manlang pala ako nag tagal sa bahay ni tita Flora. Nakita ko na kung pumorma ito ay K-pop na K-pop. Ang mamahal ng gamit nya at yung simpleng T-shirt nya na may printed name ng BTS ay bumagay sakanya. Ilang taon na nga ba itong si tita Flora?

"Tita ilang taon ka na?"

"Oh dear wag mo akong tanungin dahil magkasing idad lang tayo."

Bakit ba ganon. Karamihan sa mga bata ay gusto nilang tumanda agad pero kapag naging matanda na sila at ayaw na nilang tumanda. Ay ewan basta naguguluhan ako!

"29 na ako Zane..."

"Ows..."

"Bakit napaka tanda ko na bang tingnan?" Binalingan nya pa ako saglit ng tingin.

"Wala... gusto ko lang sanang humingi ng makapal na long sleeve tapos nakalagay doon ang pangalan ko. Kailangan pink tita ah."

"Okay okay... ipapagawa agad kita ngayon... "

Aba talaga nga namang lalaki ang ulo ko sa mga tita kong yayamanin. Kahit na nawalan na ako ng mama ay pinuno naman ako ng pagmamahal ng mga tita ko at kaibigan ko. Kaya siguro ako naging ganito kabaliw dahil nasobrahan sa pagmamahal.

"Oh sya nandito na tayo..."

"Why sa mental?"

The Maid's Secret (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon