Chapter 36 Extension

659 20 0
                                    

Hi guys! Kaya nga pala may Extension dito ay dahil papakantahin ko lang si ano... di ko knows yung kumanta nyan kaya bahala na kayo magpangalan sa kumanta nyan. Bwaahahaha!

Hindi... ang totoo kasi nyang napansin nyo naman na maiikli mag update si A.Z. di ba? Kasi nga kakatapos lang ng exam at mag babakasyon na naman. Gusto ko lang sanang dagdagan dahil dito ko ibubuhos lahat ng kabaliwan ko--- charot What I mean is yung stress ko nitong mga nakaraang araw dahil sa exam. Ayoko pa pong magkaroon ng puting buhok! Chariiing! Oh sya basta may extension pa tayong magaganap dito ah. ^__~

"Why sa mental?"

Tanong ko kay tita Flora.

"Kasi... nagkakabalitaan kami ni Sheryl at sinabi nya saakin na---"

"okay okay I get it na. So tita ang tanong ko po ay bakit sa mental?"

"Hindi ko naman alam ang buong pangyayari eh. Basta alam kong alam mo ang mga nangyayari dito ngayon. Tinry k9 naman syang kunin para ako nalang ang mag alaga sa papa mo pero bawal eh."

"Kelan nyo pa alam?"

"Ngayon ngayon lang din... sa tingin mo ba Zane... kelan ba kayo huling nag usap ng tita Sheryl mo?"

"Nung isang araw pa iyon eh. Makakalimutin na talaga ako! Pero... ibig sabihin nito ay matagal ng nandito ang papa ko."

Sa loob palang ng sasakyan ay umaagos na ang luha ko. Paano pa kaya kung makita ko ba sa loob ng mental ang papa ko. Pagbabayarin ko talaga ang naglagay sakanya dito! Kahit na may isang libong milyong dahilan sila para ilagay dito ang papa ko ay hinding hindi ko sila mapapatawad.

(A.Z.: Nako Zane panindigan mo yang sinabi mo ah.)

"Lalabas ako... gusto ko syang makita." Sabi ko at tsaka ko tinaggal ang seatbelt ko at binuksan na ang pintuan ng sasakyan.

"Zan teka lang!" Ng maamoy ko na ang sariwang hangin dito ay tumakbo ako papuntang loob ng mental

Agad na nagtanong ako sa nurse na naka bantay doon at sinabi ang pangalan ng papa ko. Mas humagulgol pa ako ng makumpirma kong nandito ang pangalan ni papa. Kanina lang ay kasama kong tumatawa ang tita ko... pero ngayon... may isang malaking dahilan palang nag aantay saakin dito para lumuha ako ng sobra.

Kaya pala... kaya pala kailangan kong lumayo kasama ang tita ko. Ayoko na... ayoko na... ilang beses na ba akong umiyak ng sobra sa buong buhay ko?

"Sino po ba sila?" Tanong ng nurse saakin.

"Ako... ako ang anak ng lalaking yan" sagot ko habang pilit napinapatahan ang sarili "Sino ang nagpadala sakanya dito? Sino?" Tanong ko.

"Hindi po namin pwedeng sabihin ma'am. Pasensya na po. Lalong lalo na po sainyo."

"Eh pwede ko ba syang makita?" Mahinahon lang pero nag titimpi na ako.

"Pasensya na po ma'am pero hindi rin po pwede."

"letcheng yan! Lahat nalang ba ng bagay dito sa ospital na ito ay hindi pwedeng sabihin at bawal ninyong pagbigyan?! Yung tanong mo sinagot ko habang yung tanong ko di mo sasagutin! Hayop na ospital to! Nasaan ang karapatan ko bilang anak hah?! Bakit sino ka ba para di sabihin saakin at sino ka ba para pagbawalan ako?!" Sigaw ko habang sinasabunutan ko na ang nurse.

"Zane tama na! Ginagawa lang nya ang trabaho nya!" Pigil saakin ni Tita habang pilit nyang inihihiwalay ang kamay ko sa buhok ng bwiset na nurse. Nakaka init ng ulo.

"Eh anong gusto mong gawin ko tita!? Sabik na sabik na ako sa ama ko tapos di nila hahayaang makita ko ang tatay ko!? Ayoko ng ganitong buhay! Napaka unfair!" Sigaw ko habang humahagulgol. Di nagtagal ay niyakap na ako ng tita ko.

"Pasensya na po talaga ma'am at hindi ko po sinagot ang tanong nyo kanina at hindi ko rin po kayo pinayagan. Pasensya na po talaga ma'am. Pasadya po kasi iyon ng naghatid dito." Paliwanag ng nurse.

"See... trabaho nya yon Zane kaya wala kang karapatang magalit."

"Fine pasensya na din. Sana di ka na troma sa ginawa ko. Wag kang mag alala di na ako tatapak dito kapag nandito ka." Sabi ko sabay ngiti then... walk out.

"Zane... mukhang alam mo naman kung sino ang nag padala sa papa mo doon di ba?"

"Opo... kilala ko."

"Hay... tama nga ang sinabi ng mga psychiatrist... ang syang mabilis tumawa ay sya pang maraming problema at napaka emosyonal..."

Pagkatapos nyang  sabihin yon ay hinatid nya muna ako sa bahay nila.

Ugh! Di ko napigilan ang sarili kong mang gigil kanina sa nurse ano ba yan!

"Tita thank you po sa damit na pinahiram mo po ah." Ngayon ay kakatapos ko lang mag shower at dito raw muna ako hanggang bukas ng hapon. Bukas pa ako manggugulo.

"Sinong may sabi na hiram lang yan?" Alam kong hindi tanong yon.

"Aba... thanks po." Yes! May bagong damit na ako! Hihi!

"Tara shopping tayo. Ipamimili kita ng maraming maraming damit na gusto mo!"

"Haha! Tara!"

At nag shopping kami... kalimutan ko daw muna ang mga problema ko at magpaka saya. I'm so stress ayokong magka puting buhok.

The Maid's Secret (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon