Nakita kita kung paano ka ngumiti. Magkahawak kamay na pumasok sa kotse ng papauwi. Sinundan ko kayo at nalaman kong sa iisang kwarto kayo'y magkatabi. Alam ko namang walang nangyari.
Kinabukasan, nakita ko ang yong mga ngiting nakakasilaw, ang yong matang nakakatunaw at ang 'yong labing nakakauhaw. Pero hanggang dito lang ako nakatanaw sa mababaw.
Muli kayo'y umalis, at ako'y patuloy na nag tiis. Sarap mong yakapin, sarap mong halikan, pero ba't ganon? Di kita mahagkan? Nandyan kasi sya, bantay sarado ka na naman. Ano bang nagawa ko ba't nagkaganito?
Kayo'y huminto sa tapat ng hospital kung saan ko dati itinago ang ama mong nalilito. Pumasok kayong dalawang daig pa ang tuko, sarap nyong paghiwalayin pero hanggang isipan ko lang iyong gagawin."Aish! Masundan ko na nga lang kayo!" Bulalas ko.
Ano pa bang magagawa ko bukod sa bantayan kayo?
Wala pang ilang segundo ng ika'y tumakbo papalabas galing sa isang kwarto. Dirediretso ka kung tumakbo di mo na rin ako napansin dahil sa ika'y nakayuko. Umiiyak ka ba mahal ko?
Napatigil ako sa pagtutula ng malapit ka ng mabangga. Pilit na binubusinahan ka ng kotse pero.
Huli na.
***
I approached the guy who's holding her hands before. I landed my fist to his face.
"Tarantado ka!" Agad namang pinigilan ako ng mga kaibigan ni Zane.
Nasa ospital kami and we're the center of attention.
"Ashton! Tama na! Nasa ospital tayo oh!" Saway ni Stella.
"Gago ka! Di mo pa alam ang nangyayari naninisi ka na! Di ko mapapalagpas ang ginawa mo, loko ka!!" Sigaw naman nya pabalik saakin. It's true na hindi ko alam ang nangyari kanina pero kasalanan nya pa rin! Hinayaan ba naman kasi nyang tumawid si Zane?!
Akmang susuntukin na dapat ako pero inunahan ko na sya. In the end, we are both injured.
Gusto ko syang makita, yakapin, at kausapin manlang bago ang lahat.
Zane's POVMasakit...
tusok dito...
tusok doon...
nasa ospital ako...
naka confine sa sariling kwarto...
Anong nangyari?Tiningnan ko ang paligid at nakita ko ang puting kisame, ang bag na may gamot na nakasabit sa ewan, tapos may mga nakatusok sa balat ko, may alalay din ako sa leeg... may benda sa kanan kong kamay kung saan walang nakatusok.
Narinig ko ang tunog ng pintuang bumukas. Iniluwal nito si Ryan.
"Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba Zane? Naaalala mo pa ba ako? May masakit ba sayo?"
Nalilitong tumingin ako sakanya.
"Hindi ko alam... kung ano ang nangyari... saakin. Bakit ba .... ako nandito...? Nasa ... amerika pa... rin ba tayo?" Mabagal na tanong ko.
"Zane sorry..." lumuluhang sabi ni Ryan.
"Anong sinasabi mo? Bakit ka nag sosorry?"
"Iiwan na kita. Sila tita,Lannie at Stella na muna ang bahala sayo. Okay ba?" Namamaos na saad nya. Naguguluhan ako.
"Bakit ka aalis??" Gusto ko pa syang kausapin at tanungin pero umalis na sya. Tumulo ang luha kong kanina pang nagbabadyang kumawala. Iiwan na daw nya ako. Nasaan ba kami? Nasa amerika sila Lannie? O nasa pinas kami?
BINABASA MO ANG
The Maid's Secret (UNEDITED)
Teen FictionTuklasin natin kung papaano SYA naging isang katulong... kung papaano SYA nagkaroon ng sikreto... Mga dahilan... mga sikreto NYA... at ang kwento NYA... Kung bakit mga weird ang gusto NYA at hindi ang mga normal na simple lang. Kung bakit ang gali...