ZANE'S POV
Napapasayaw pa ako habang naglilinis. Walang tao ngayon dito sa mansyon maliban saakin, Ashton at si Cassey... and the rest kasama sa bakasyon nina Sir. Sya nga pala may gagawin pa ako.
Mag lilinis ako buong araw ngayong pasko. Ilang araw ko ng hindi nakikita ang papa ko simula ng huli ko syang makita... haha malamang kelan ko nga ba sya huling nakita? Miss na miss ko na sya. Hindi ko naman maitanong kay Ashton dahil mag tataka iyon kung bakit kilala ko sya.
"Hoy! Mag bantay ka dito sa bahay ah... susurpresahin ko lang ang aking angel...♡_♡" tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Ashton. Gusto kong magtanong kung sino eh.
"Hoy ka din Ashton! Sino ba yon?" Tanong ko.
"Tss... at sino ka naman para malaman mo?" May mapanghamong tono na saad nito.
"Ako lang naman ang si Jazzmine Roque... ang kaibigan ng sinasabi mong Angel..." tanga nagtanong pa ako. Haha nang huhula lang kayo naman.
"Hahaha! Kilala mo naman pala eh... o sya alis na ako." Huwat!!?? Kailangan ko ng umalis! Kailangan nandoon ako! Dahil kung wala... kung wala... tatanungin nya si Lannie o hindi naman kaya si Stella kung nasaan ako... tapos magsisinungaling sila tapos kapag nabunyag ako... sermon ni papa, tita Sheryl at tita Flora ang papremyo ko. Habang naiisip ko 'yon ay sya namang habol ko sakanya.
"Huhuhuhuu! Saglit lang!" Sabay hawak ko sa braso nya.
"Ano ba!? Ayaw kong hinahawakan ako ng madudumi...." napahinto naman ako doon... bakit? Bakit? Napaka dumi ko na ba? "May hawak ka pang panglampaso..." napatingin naman ako sa kamay ko na nakahawak sa kanyang braso...
"Ay oo nga... sensya na..." unti unti ko namang tinanggal ang kamay ko.
"Hayss... napaka pangit naman ng pasko ko ngayon..." napatingin naman kami kay Cassey na kasalukuyang pababa ng hagdan. "Ikaw? Bakit ka nandyan sa tabi ng baby boy ko!?"
"Duh! Aalis na ako take care sa bahay ah... at chaka nga pala... pakainin nyo si bull guard..." sabi ni Ashton na nakapagtulala saakin. I blink for a 10th times bago ko pa naintindihan ang mga sinabi nya. Oo nga... pala... may... aso pa sila rito na minsan ko lang makita.
"Y-Y-You're the yaya so..."
"Aba... kailangan ikaw... kasi alam mo naman na pasko ngayon at kailangan kong puntahan ang pamilya ko at mag celebrate na kasama sila... yah know..." sabi ko habang papunta sa kusina.
SHERYL'S POV
Papunta ako ngayon sa bahay nila Zane para sumama na sya saamin sa Washington DC...
"Honey.. aalis lang ako okey? Pupunta ako sa dorm nila Zane... mukhang pamilyar kase ang... you know... yung pangalan ng school nya.. " sabi ko habang nasa tapat ng salamin, nagkakabit ng hikaw. Kailangan maganda ako para naman maganda ang unang pagkikita namin ni Zane
"Ok honey... hatid na kita you want?" Tanong ng baby husband ko.
"No thanks honey... i have my own car naman eh... i don't even need a driver." He just nod and continue to read his news paper.
"Always being like this, hon?" Napa iling na lang ako bago bumaba ng second floor at dumeretso na sa garahe.
Wala pang ilang minuto ay nandito na agad ako sa tapat ng school nila ni Zane. Pagbukas ko ng pinto ay napansin ko na may isa pa palang sasakyan dito.
"Kaninong kotse kaya ito?" Bulong ko sa sarili ko.
Naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa narating ko na ang dorm nila Zane
Kumatok ako at nakita kong may nagbukas ng pinto... at yun ang labis na ikinagulat ko... bakit nandito sya?
LANNIE'S POV
Nagulat kaming lahat... kahit si Ashton na kakarating lang para kay Zane. Oh my gahd... ano ng mangyayari na ngayon ay nagkasalubong ang kinakatakutan naming problema?
"Lannie... ipaliwanag mo ito..." nakatinginan naman kami ni Stella. Eto namang si Stella ay unti unting umalis sa tabi ko.
"Eh kasi tita..." yung pagkasabi ko ng tita ay parang mawawasak na ang boses ko dahil para akong iiyak.
"Ano!?" Parang nagalit tuloy sya dahil parang alam nya na ayaw kong sabihin.
"Kase tita... hindi nya dapat malaman!" Sabi ko pa habang nakatingin kay Ashton, eto namang si Ashton titig na titig kay tita. Malamang dahil hindi nya ito kilala.
"Yun na nga rin pala ang gusto kong malaman..." sabay tingin saakin ni Ashton. "Nasaan si Zane? "
"At sino ka naman para malaman kung nasaan si Zane?" Nakakatakot na tanong ni tita. Kahit sino talaga ay walang gustong makisali sa kanilang usapan, kahit ako ay kung may pagkakataon ay kanina pa ako naglaho sa kwartong ito.
"Huh? Eh ako po ang classmate nya part time suitor at hashtag manliligaw nya."
"Anooo??"
At hanggang sa nag usap na lang sila all day long... sa huli ay kung mag usap sila ay parang close na.
"Tch... ganon ba? Eh sa klase? Matalino ba sya? Mabait? Masunurin? Teacher's pet?" Sunod sunod na tanong ni tita. Ewan ko nga kung bakit di nya na lang saakin tinanong ang mga bagay na 'yon... eh kung ikukumpara ay mas marami naman akong alam tungkol kay Zane kesa dyan kay Ashton.
"Tita that's enough... nandito naman ako, ako na lang ang tanungin mo. Hinahanap na yang si Ashton doon sakanila." Sabi ko.
"Okay okay... basta may kasunduan tayo Ashton ah... kapag ayaw sayo wag mo ng pilitin..." mataray na saad nito pero halatang seryoso.
"Hehe opo opo... sige po alis na ako..." mahigit ilang oras na din silang nag kausap at sa tingin ko ay mas close na sila ni tita kaysa sa akin.
"Oh sya... wala na si Ash... ano na nga pala ang ipinunta ko dito?" Napalunok naman ako sa tanong nya.
"Well... kase po tita si Zane ay isang maid.." at doon na nga ako nagpaliwanag ng napaka bilis para unahan na ang pagbuka ng kanuang bibig.
"Napaka laki nga namang problema 'yang pinasok ni Zane... at kailangan ko na di'ng solusyunan iyon... hindi matatapos ang kanyang problema kapag sya lang mag isa. Napakataas naman kase ng pride ng babaeng yon minsan... Kaya naman ako na mismo ang bubunyag sa sikreto nya at dadalhin na sya sa Washington DC..." napa tayo na ako sa ikinauupuan ko dahil hindi ko hahayaang mangyari iyon.
"Pero tita- - "
"Hops! Wala ng pero pero... goodbye Philippines na muna si Zane... ngayon... sabihin mo saakin kung saan nakatira si Ashton..."
Oh my god... what have i done!? Siguradong hindi na lagot saakin si Zane... ako na ang lagot kay Zane...
A/N
Sorry nga po pala sa late update... masyadong busy sa handaan haha!
Ang daming inaasikaso... hehe.
Nadagdagan na naman ang kasalanan kooo T_T
By the way po pala...
Thank you sa mga patuloy na sumusuporta. Tanging ang pag update at pagpapasalamat lang ang kaya kong ibigay...
BINABASA MO ANG
The Maid's Secret (UNEDITED)
Teen FictionTuklasin natin kung papaano SYA naging isang katulong... kung papaano SYA nagkaroon ng sikreto... Mga dahilan... mga sikreto NYA... at ang kwento NYA... Kung bakit mga weird ang gusto NYA at hindi ang mga normal na simple lang. Kung bakit ang gali...