Chapter 31 Witness

734 23 0
                                    

ZANE'S POV

Kasalukuyang papunta ako sa backyard nila. Papakainin ko na ang aso. Eto kasing si Cassey eh... sabi nya kapag daw aalis ako I'm fired. Eh dahil sa naawa ako sa sarili ko, sa pride ko at sa mga pinaghirapan ng kaibigan ko ay hindi ako pumayag kaya naman eto ako ngayon papunta sa bahay bahayan ni Bullguard

"Bullguard? Nandito na ang food mo..." nanginhinig na bulong ko pa habang nagiintay na lumabas ang aso sa kanyang maliit na bahay... madilim ang loob nito kaya hindi ko ito kita.

"Grrr..." narinig ko ang unti unting paglakas ng tahol nito kaya naman nabitawan ko ang pagkain na dala ko para sakanya. Hinintay ko munang magpakita sya sa dilim bago ako tumakbo... at ayun na nga.

*TAKBO!!*

"Hahahaha!!!" Eto namang si Cassey nanonood lang sa isang tabi habang ako tumatakbo dahil napaka haba naman pala ng kadenang naka palupot sa leeg ng alaga nila. Huminto ako ng huminto na rin ang aso sa kakahabol saakin. Aahh... kaya pala. Hanggang dyan na lang sya dahil hanggang doon nalang ang kaya ng tali nya.

"Haha! Pwede na itong i post sa MeTube ko wahahaha!! Siguradong mag viviral ito hahahahaha! You're making me so famous yaya..." sabi pa nito habang pumapalak pak habang papasok sa loob ng mansyon nila. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala itong cellphone at vinivideohan ako

"Ah ganon? Baka maging famous ako kapag napatay ko ang famous kong nag iisang kasama sa bahay ngayon." Sabi ko pa habang itinututok sakanya ang kutsilyong hawak ko.

"Ngye... oo na..."

Mapapatay talaga kita.

"Hey girls.. what's with this? Baka naman magpatayan na kayo dyan? "

"Duh... hindi ah... kapag gusto ko lang maging famous tsaka ko lang yan papatayin.." napa iling naman sa sinabi ko si Ash.

"So hows your day without me?" Tanong pa nito.

"Great! It was fun! Ang sarap kayang pagtripan ni yaya haha!" Sagot naman ni Cassey

" hahahaha! Oo nga... ang sarap din lokohin ng kapatid mong tatanga-tangahan... tss" sabat ko

"Great! Ngayon may dahilan na ako para ipapatay ka!"

"Oh bakit naman?" Tanong ni Ashton kay Cassey

"Paano ba naman eh. Sinabihan nya ako ng tanga!! Hindi ako papayag nun!" Sigaw pa nya pero parang biro lang naman. Ang liit liit ng dahilan nya para ipapatay nya ako.

After a few days later.

Masyado nang di kapanipaniwala ang mga nangyayari dito sa bahay. Ngayon ay 5:30 na ng umaga at kailangan kong ihatid si Chammile dahil papasok na sya sa tutor nya... ang arte nga eh tutor che. Eh dahil sa bakasyon naman na ako na lang ang naghatid dahil kung maiiwan ako, ako ang mag papakain kay Bullguard.

"Okay lang naman saakin na ikaw na ang mag hatid sakanya. Pero kailangan mo syang bantayan dahil mala park ang bahay nila Zielo" I paused when I heard Zielo's name.

"Sya yung kapatid ni Beatrix di ba!?" Gulat na tanong ko.

"Sya nga bakit?"

"Wala na ikwento saakin ni Zane." Sa totoo lang nahihirapan na akong magpanggap dahil nakakailang na banggitin ang sarili kong pangalan at gamitin ito sa mga kasinungalingan.

"O sige na umalis na kayo."

"Yaya! Dalhin mo yung novel book na hiniram ko kay kuya Ash." Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Nagbabasa ka ng novel ni kuya Ash mo?" Tanong ko pa kahit alam ko na ang sagot.

"Oo naman... everyone should read it! Ang gaganda kaya ng mga novel book na meron sya. You should try it sometimes." Napilitan nalang akong tumango.

Pinauna ko na sya sa kotse at mabilis na pumanhik. Hihiram na ako ng novel na gusto ni Chammile. Yung medyo pwede sa pangbata. Nasa tapat na ako ng kwarto ni Ashton

"Tok tok! Tao po" sabi ko habang nakatayo parin.

Hinintay ko talaga sya na magbukas.

"Oh?" Sabi nya ng mabuksan na nya ang pinto.

"Pahiram daw si Chammile ng novel." Deretsong saad ko.

Tumingin sya saglit sa kanyang bookshelf bago tumingin saakin at binuksan ng buo ang pinto para papasukin ako.

"Thank you naman..." sabi ko habang papasok.

"Hop... hubarin mo yang sapin mo sa paa" napatingin naman ako sa rubber shoes ko. Nakita ko naman na malinis ang kwarto nya kaya naman mukhang hindi ako maglilinis dito mamaya.

Kumuha ako ng isang libro at tiningnan ang cover nito at title. Hanggang sa natapos na ako at sa wakas nakapili na ako ng dalawa.

"Sige thanks dito ah..." sabi ko at aalis na. Ang boring at ang weird naman ata nya ngayon? Sa bagay ilang araw na din nyang di nakikita ang magandang ako.

Nasa kotse na kami. Si Chammile ay kung ano ano ang sinasabi saakin, madaldal sya at hyper.

"Hija Chammile malapit na tayo." Rinig kong sabi ng driver gusto kong isipin na sya ang papa ko pero wala eh. Hindi ko naman maitanong sakanila dahil tuwing naaalala ko wala ang taong dapat pagtanungan.

"Ahh... kuya sino po ba ang tatay ni Zane sainyo?" Tanong ko sa driver.

"Haha... wala na sya hija... pinabakasyon nila Master Ashton at hinatid ng mga katulong... kasama ako. Kaya nga hindi mo sila nakita eh." Napatango na lang ako. Bigla namang huminto ang sasakyan.

Tumambad saamin ang isang mala kastilyong gate. Tapos makikita sa loob ang napaka laking mansyon mula sa labas ng gate na rehas.

"Tara na yaya! And please keep your mouth close. You might catch some flies..." natawa nalang ako sa sinabi nya.

Nakapasok na kami sa loob at... i swear sumasayad na ang panga ko.

"Hi there baby! Tara... nasaan na ba tayo?"

"Sabi nyo po kahapon ay tuturuan nyo akong mag divide" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ako nga eh ang mama ko pa ang nagturo saakin dahil nahihirapan ako sa divide noon.

Tiningnan ko ng mabuti ang mukha ng tutor nya. Kilala ko sya!

"Sir... Howard!" Halos mapa iyak ako dahil sa mga memories na bumabalik.
LANNIE'S POV

Ilang araw na akong kinukulit ni tita Sheryl na sabihin ko sakanya ang address ni Ashton. Kahit si Stella ay dinamay na nya dahil saakin! Hindi ko na po alam ang gagawin ko T_T

Ngayon papunta na naman dito si Tita Sheryl. Hindi ko naman masabi kay Zane ahil siguradong patay ako! Feeling ko ay masisisra ang tiwala ni Zane dahil sa sinabi ko kay tita ang lahat! As in!

Tok tok...

At ayan na nga...

"Ako na ang mag bubukas, you look so stressed..." Nginitian ko lang si Stella dahil hindi ko kayang mag salita. Para saan ang isa't kalahating buwan na bakasyon kung puro stress din naman ang dulot nito?

"Oh... Kein buti nalang at nandito ka. Si Lannie ilang araw ng tulala dahil sa sikreto ni-"

"Oy! Pasok ka buti nalang at dumating ka!" Paniningit ko nalang dahil napaka daldal ni Stella!

"oooopps..." sabi ni Stella habang bumabalik sa sofa kung saan sya naka upo kanina.

"Well... i brought you some fruits ^_^"

"Thanks ah... upo ka muna" sabi ko tsaka ko kinuha ang basket na dala nya na para saakin nga daw. Ewan ko pero hindi ko makuhang kiligin.

"Well... hindi naman sa stalker nyo ako pero nagkataon lang na nalaman ko ito"

Napatingin kami pareha ni Stella kay Kein dahil sa mga salitang kanikanina lang ay binitiwan nya.

"Ano yon? Ano ang ibig mong sabihin?"

"Ouhm... i know everything about Zane and Ashton and Ash."

A/N

Hi guys! Im just gonna put some little twist dahil babawi si otor

The Maid's Secret (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon