Chapter 34 Ang paglayo ay dahilan ng pangungulit

738 23 0
                                    

"Ah... Yung Mama ko"

Pag sisinungaling ko. Ayoko naman kasi talagang magsinungaling. Gusto ko na ngang umamin dahil may inamin na sya saakin. Ayoko naman nung walang sikreto saakin yung tao pero ako may isang sikretong napaka lupit!

"Ah... Ashton, may sa---"

"I need a sleep." sabi nya sabay pasok sa kwarto nyang mala appartment

"Ibang klase ka rin eh. " bulong ko. Ako na nga ang nag papakumbaba dito sya pa tong.... Ugh!

Magli-leave nga muna ako.

"Manang... Alis po muna ako. Emergency lang. " tinanguan nya lang ako at ngumiti. Ibang klase nga naman ang mga kasama ko dito, tuwing ganitong oras ay nanonood sila ng mga koreanobela sa TV.

Kasalukuyang nasa byahe ako. Tumunog muli ang cellphone ko. Nangungulit na naman si tita -_-.

Sinagot ko ang tawag. "Tita ayokong sumama sa Washington. "

"What the heck!? Aalis ka?..."

Tiningnan ko ang pangalan at 'Tita' naman ang nakalagay.

"...Zane answer me! "

"Huh? Ooops sorry wrong number ka ata. " nag dadalawang isip na pinatay ko ang tawag. "Shit.... Si Ashton ba iyon? Bakit... Paano nya nalaman yung number ng sim 2 ko? At worst bakit tita ang pangalan nya?

"Ahhh miss. Nandito na po tayo sa academy ."

"Ahh salamat po. " agad na ibinigay ko ang bayad at bumaba na.

"ANO!? "

"Beshiiieeee!!! Alam na nya!! "

"Ang alin!? "

"Number mo... "

"Letche ka akala ko naman kung ano. Paano nga pala nya nalaman ang number ko?" tanong ko sa ambisyosang bespren ko.

"huy wala akong alam dyan ah." Ani Lannie na pinaniwalaan ko naman.

Hays... umupo ako sa sofa namin at tumingala.

"Hay nako Lannie. Kakaratihin kita eh. Kinukuha na ako ng tita ko. Hindi ko alam kung nasaan si papa. Malapit na akong mabuking ni Ashton. Ano pa ba? Ano pa ba ang problema ko!?"

Kinabukasan.

Kailangan ko ng lumayo kay Ashton... bakit kanyo? Kasi nga para mabawasan na yung nararamdaman ko para sakanya. Sus! Makapag isip naman ako parang meron talaga akong naramdaman.

"Recess tayo?"

"Ayoko." Kasi walang tayo hehe.

"Bibilan nalang kita?" Tanong saakin ni Kein.

"Sure." Sagot ko naman.

"Waaaaaaaahhh! Sorry I'm late!! Nako recess nyo na ata. Nasaan si adviser?" Halos lahat kami ay napatakip sa tenga namin ng sumigaw si... Putong ina nga naman oo.

"Madison?!" Napatayo ako at sabay sabay kaming napasigaw ni Lannie.

"Ako nga bakit? Namimiss ko na ang big brother ko eh kaya naman nandito na ako." Natawa ako nung nag pose pose pa ito ng kung ano ano.

"Haha! dito wala ka ng alipores unlike doon! Sama sama kayo! Amph!" Eto namang si Lannie naka crossed arms na naka pout pa.

"Sino yan?" Sabay sabay na tanong ng mga kaklase ko.

"Ekskyuuus me! Sila ba ako at sila ang tinatanong nyo? Ako nalang tanungin nyo para sure." Paniningit ni Madison.

At ayon nag kwentuhan lang sila buong lunch break hanggang sa dumating na sila Kein ay nagkukuwentuhan pa rin sila. Pero teka nga lang. Bakit wala yatang nabanggit si prof about dito? Talaga nga naman oo lahat ata ng may puting buhok ay makakalimutin na eh. Maliban lang saakin ah.

Next subject.

"Ahhh... ako nga pala ang bago nyong teacher." Nag sitilian lahat. Dahil sya ang pinaka hot na teacher na kilala ko! Promise kilala nyo din sya dahil... dahil... dahil binabasa nyo yung story koooo!

(A.Z.:Kapal din netong karakter na ginawa ko eh no? Story nya daw?)

"Kyaaaaahhhh! Sir bakit po nandito kayo sa Hoffman!?" See kilala sya ni Lannie! I'm sure kilala nyo din sya dahil nga binabasa nyo ang story koooo!

(A.Z.: Kabanas ka na Zane ah! Nagtitimpi lang ako sayo. Gagantihan kita Zane paglalayuin ko kayo ni Ashton! Bwahahahaha!)

Wait lang nga. Bigla akong kinabahan. Heh! Hayaan mo na yon basta nakita ko na si sir Howard! Okay na ako!

Nagsisimula na ang klase namin about kay Sir Howard--- este Math pala.

"Excuse me ito ba yung Art section?" Nagalit ako ng biglang may nanggulo. Nag dedaydream ako eh. Tumingin ako sa pintuan at nakita ko ang isang pamilyar na mukha ng isang babae. Teka sino nga ulit sya.

"Magandang binibini... sino ang hanap mo?" Anong ibig sabihin nito sir!? Pinapakawalan mo na ba ako? Sandali ang OA ko na.

Nag si-'ayyyiiiieeeeee' naman itong mga kaklase ko kaya ayon mas lalo akong nainis.

"Hinahanap ko lang po yung pamangkin kong si... Zane nandito ka lang pala." Nagulat ako ng ako pala ang hinahanap ng babaeng ito. Buti nalang at hindi si sir ang hanap nya. Di baling ako na ang mawala wag lang sya.

Syempre joke lang lahat ng iyon. Pinakatitigtitigan ko ang mukha ng babae hanggang sa maalala ko ang mama ko at naalala ko si tita Sheryl at panghuli naalala ko ang picture ni tita Flora! Sya nga iyon. Sya si tita Flora.

"Zane sa tingin ko ay kailangan mo munang lumiban ng klase ngayon. Kailangan mong lumayo muna saglit." Napaka kalmado nyang magsalita. Ying tipong di mo ito matatanggihan dahil sa malambing nyang pananalita. Bagay sila ni sir. (<3__<3)

The Maid's Secret (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon