II

60 5 0
                                    

Ela's POV

"NAKITA TAYO!" Agad kaming tumakbong apat palayo sa mga siraulong magnanakaw.

Ilang araw na namin silang minamanmanan dahil kailangan naming humanap ng tiyempo para pasukin yung lungga nilang mga asungot.

May tumawag kasi sa amin at gusto nilang bawiin yung Golden Statue na nag-exist pa daw 5,000 years ago. Antique na yun.

Balik sa sinasabi ko, habang pinagmamasdan namin yung limang asungot, eh biglang napalingon sa min yung isa kaya eto kami ngayon. Takbuhan ang peg.

"HOY ANONG GINAGAWA NIYO DITONG MGA BATA KAYO??" Sigaw sa min nung isa.

Aba?? Bata? Oo mga 17 pa lang kami pero di na kami bata noh! Sapak gusto nila?

Grade 5 pa lang kami, tinuruan na kaming makipag-laban ng mga kumupkop sa min. At ngayon, eto ang sideline namin para makapag-aral. MAGING SPY.

Senior High na kaming apat at nakakaraos namn kahit papaano dahil matatalino naman kami. Magaganda pa! Haha!

Nakakuha kami ng Scholar sa isang pampublikong paaralan kaya yung mga kinikita namin sa trabaho namin na 'to, iniipon na lang namin.

Ubligado din kaming umabsent kapg ganitong may misyon. Pero minsan half day na lang.

"Maka-bata naman! KUYA DALAGA NA KAMI!" Sigaw ni Mika. Kita mo 'to, nagawa pang sumagot.

"Hinto guys! Hinto!" Utos ko.

Huminto naman kaming apat at humarap sa limang asungot.

Umayos kami na parang sasabak na sa laban kaya huminto yung lima at ngumisi sa min.

"Matatapang kayo ah?" Sabi nung mukhang Hestas Barabas sa balbas na mahaba.

"Ay kuya sa totoo lang duwag kami eh. Duwag!" Pamimilosopo ni Yumi.

"Aba't! Siraulo kang bata ka ah? Sasagot ka pa!" Sumugod naman yung isang mukhang ita sa itim at kulot na buhok.

Sinalubong naman siya ni Aya at sinipa sa tiyan. Napadaibg naman si Kuyang Ita.

"Ang lalakas ng loob niyong lumaban!" Sumugod na din si Kuyang mukhang baboy sa laki ng tiyan.

Si Mika naman yung sumuntok sa panga niya.

"Infairness malambot ang mukha ni Kuya. Baboy kasi eh! Hahahaha!" Sabi ni Mika habang shine-shake yung kamay niyang pinansuntok.

"Mga g*go kayong mga bata kayo!" Maganda at baby face lang kami pero di na kami bata! Sumugod din si Kuyang mukhang adik.

Si Yumi naman yung sumugod sa kanya at sinipa siya sa ano! Alam niyo na yun!

"Hahahahaha!! Mukha kang adik kuya!" Panga-asar ni Mika. Tsk. Tsk. Daldal talaga.

"Aba!!!" Susuntukin sana ni Kuyang mukhang si Kingkong si Mika na tawa ng tawa per nahawakan ko yung braso niya at pinaikot yun para mabalin siya.

"Katatanga niyo naman!" Sabi ni Kuya Hestas Barabas balbas at sumugod na pero hinarang ko yung paa ko dahilan para matapilok siya. Tapos binigyan ng upper cut ni Aya, sinampal ni Mika at isang suntok sapul sa Mukha ni Yumi, eh tumba na si Hestas barabas balbas.

Nakakatayo pa yung apat kaya pinagtulungan na namin at sa huli...

"Sinong bata ngayon?" Pagtataray ni Aya sabay sipa ng tig-iisa sa likod at tiyan nung limang nakahilata na.

Nagpagpag na kami at inutusan ko si Aya na tawagan na yung nag-utos sa min para makuha na yung Golden statue.

Bigla namang tumunog yung cellphone ko. Kahit naman mahirap kami, sa laki ng kinikita namin eh nakabili n kaming apat ng cellphone para kapag may tatawag na kliyente.

My GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon