Yumi's POV
Napangiti ako sa nakikita ko. Nandito kami ngayon sa Canteen at nagla-lunch. Mula kagabi ang sweet sweet nila Aya at Andrei. Tapos ngayon nakipagpalit pa ng pwesto si Andrei kay Ela kaya magkatabi silang dalawa.
"Andrei naman. Para namang mawawala ako." Iritang sabi ni Aya.
Hindi kasi siya makakain ng maayos dahil siksik ng siksik si Andrei sa kanya. Malapit na nga akong mahulog sa upuan ko dahil kada sisiksik si Andrei, aasog si Aya kaya maasog din si Mika, at dahil katabi ako ni Mika, naaasog din ako. Kawawa naman ako, kalahati na lang ng puwit ko yung nakaupo.
"Hindi nga. Pero yung maangas na Jon na yun baka bumalik dito. Ipagdidikdikan ko lang kung kanino ka lang dapat."
"Ako ang magdidikdik ng mukha mo Andrei kapag hindi ka tumigil sa kakasiksik. Maawa ka naman, hindi kami makakain ng maayos at malapit nang mahulog si Yumi. Ipapaalala ko lang sa'yo, hindi pa kayo." Gigil na sabi ni Mika.
Tinignan kami ni Andrei. Nagpout ako sa kanya kasi ayaw niya kong kaawaan, isang asog na lang niya hulog na ko.
"Ay!" Napatayo ako nang may humila sa braso ko.
Pina-upo niya ko sa inuupuan niya kanina, kumuha siya ng bagong upuan sa kabilang table at pumwesto sa gilid ng lamesa.
Bale, tatlo na lang sila Mika, Aya at Andrei sa katapat naming upuan, katabi ko naman si Vince, Ethan at Ela sa isa pa at sa gilid si Dane.
"Bro utang na loob, saka mo angkinin yan kapag sinagot ka na." Sabi ni Dane at nagsimula ng kumain.
Nagpout na lang si Andrei at di na nangulit. Napangiti ako tapos tinignan si Dane. Ang charismatic naman kasi ng lalaki na 'to. Nakadagdag pa yung salamin na minsan lang niya isuot pero nakakatulala talaga kapag sinuot na niya. Bagay kasi sa kanya. An epitome of a hot nerd.
"Psst. Wag kang magpahalata na crush mo." Bulong sa kin ni Vince. Tinignan ko siya ng masama.
"Tinignan lang crush na agad? Edi wag ka din magpahalatang crush mo si Mika."
"Hoy! Kailan ko tinitigan yun? Sinulyapan siguro oo, kahit naman kayo sinusulyapan ko. Eh ikaw titig ginagawa mo." Nginisian ko siya.
"Bakit defensive ka?" Tinignan lang niya ko ng masama at kumain na.
Kinuha ko na lang din yung pagkain ko. Sa totoo lang, nung mga panahong tinanong kami ni Kuya Axel tungkol sa crush at sinabing meron ako, si Dane talaga yung tinutukoy ko. Pero gaya ni Aya, iniisip ko noon yung tungkol sa pangako naming apat. At lalong lumalala yung pagka-crush ko sa kanya dahil sa paga-alaga niya sa kin.
Nung panahong nawala sila Nanay, sa sobrang sakit na nararamdaman ko, at sa kakaisip ko kung bakit nawala sila sa min, naghanap ako ng masisisi. At dahil sila yung nandun at sila yung kasama namin palagi, sila yung sinisi ko.
Dalawang rason lang namam kung bakit pinipilit kong maging cold kay Dane. Una, nahihiya ako kasi lagi na lang siya, sila yung sinisisi namin. Pangalawa, pakiramdam ko kapag di pa ko lumayo, baka mas lumalim pa yung nararamdaman ko.
Sa mga araw na nilayuan ko siya at kinukulit niya ko, gustong-gusto ko nang bumalik yung dating kami. Nagsasagutan man minsan, pero kapag magkasama kami walang ilangan. Kaso napagod na yata kakasunod s akin kaya hindi na lang din niya ko pinansin. Ni hindi na nga din niya ko inuutusan eh. Kapag lilinisin ko yung kwarto niya, titingin lang siya sandali sa kin tapos wala na. Parang hangin na lang kami sa isa't isa.
Hanggang ngayon naman crush ko pa din siya, hindi ko nga alam kung bakit eh, hindi naman na kami nag-uusap. Wala na din naman siyang pakielam sa kin. Hindi ko din maintindihan kung bakit naapektuhan ako ng sobra sa kanya. Posible kayang higit sa cruah yung nararamdaman ko?
BINABASA MO ANG
My Guardian
FanfictionSa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para bantayan ang mga ito ay mas gumulo ang lahat? Ang akala nilang magliligtas ay siya pang magpapahamak sa kanila. Kayanin kaya nilang lampas...