V

23 4 0
                                    

Ela's POV

Huminto ako nung maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa.

Hininto ko sa gilid yung motor ko at tinanggal yung helmet ko. Hihinto din sana sila Mika pero sumenyas ako na sundan na lang yung apat na tukmol.

Kinuha ko yung phone ko at tinignan kung sino yung tumatawag. Sinagot ko na lang iyon.

"Hello?"

[Ela Alonzo...] Tapos tumawa siya na parang nanalo sa laban.

"Sino ka ba? Bakit mo ko kilala?" Tanong ko sa kanya.

[Hayyyy Ela... You are really a hard headed too...]

"SINO KA BA??" Sigaw ko dahil medyo kinakabahan na ko. Bakit parang kilalang kilala niya ko?

[You don't need to know for now Ela.... But.. I am the one who will put you, your friends and your guys in danger.] At tumawa na naman siya ng pagkalakas lakas.

"Tigilan mo kami! Ano bang kailangan mo?" Kinakabahan na talaga ko. Pakiramdam ko, kilalang kilala niya ko, o baka hindi lang ako. Baka pati yung mga kaibigan ko.

[Well, I told you, I need the diamonds. But, you stoll have time to find that. As for now, I have my men following you okay? Enjoy!]

Lumingon lingon ako sa paligid. Dun ko nakita ang dalawang lalaki na nakatingin sa direksyon ko kaya ini-end ko agad ang tawag saka bumaba ng motor ko.

Hinabol ko yung dalawang lalaki kaso ang daming lilikuan na daan kaya di ko alam kung san sila hahabulin.

"SINO BA KAYO? MAGPAKITA KAYO!" Sigaw ko habang takbo pa din ng takbo.

Kinakabahan na talaga ko. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa mga kasama ko, included na yung apat na tukmol dun.

Ang sabi niya, ako lang ang pinapasundan niya, so may posibilidad na hindi pang yung diamonds yung pakay niya. Kasama ako dun, pero bakit? Para saan?

Naguguluhan ako at kailangan kong umisip ng paraan para bantayan silang lahat. Hindi ako pwedeng umalis dahil nangako na ako kay Mr. at Mrs. Fajardo na aalagaan at babantayan ko si Sir Ethan.

Mahihirapan kaming bantayan sila kung may naka-sunod sa kin. Paniguradong kasama ko sila sa maraming oras kaya di malabong malaman nila ang mga ginagawa namin.

Kailangan kong dumistansya kapag nasa labas kami. Kahit sa eskwelahan. In that way, hindi mahahalata nung mga nakasunod sa kin na silang apat nga yun.

Panigurado namang hindi kilala nung kausap ko yung apat at hinihiling ko na lang din na sana di nila kilala sila Yumi, Aya at Mika dahil sila ang magiging tagabantay ko ngayon.

Sa pag-uwi, kailangan ko munang humiwalay at maghanap ng ibang mapapasukang bahay.

Kaso saan? Wala akong kilala sa lugar na 'to na malapit sa mga amo namin.

Paano kaya kung magpalipas na lang ako ng hanggang gabi sa labas tapos.... Hindi eh.. Malalaman at malalaman nila kung saan ako nakatira.

Bahala na nga.. Basta ise-secure ko na lang din yung bahay para hindi sila makapasok kapag gabi.

Bumalik ako sa motor ko na medyo nanlulumo saka pinaandar na ulit yun ng mabilis.

Kaso napahinto ulit ako nung maalala ko na hindi ko pala alam kung saan yung school.

Kinuha ko yung phone ko at tatawagan sana si Aya kaso na-trace ko naman kung nasan na sila dahil naka-open ang GPS ni Mika.

Ang talino talaga nung babae na yun noh? Haha!

My GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon