Aya's POV
"Okay good job. Now, choose a song then kantahin niyo hanggang chorus lang. Bahala na kayo kung paano niyo idu-iduet, basta hanggang chorus lang." Sabi nung Nagtuturo sa min.
Sumimangot ako. Ayoko naman kasi talaga nito eh. Kung hindi lang ako tinawagan ni Mrs. Guevarra at pinaki-usapan hindi ako tutuloy dito eh.
Nagkanya-kanya muna kami ng hanapan ng upuan bawat sulok. Kakatapos lang kasi namin mag-voice lesson.
"Drei!" Tawag ko. Napatingin naman siya sa kin at tinaasan ako ng kilay. "Nakakatamad kaya pinutol ko yung pangalan mo." Sagot ko na agad kahit di pa siya nagtatanong.
Sinamaan niya lang ako ng tingin. Tss. As if naman natatakot ako sa tingin niya.
"Bakit ba?" Tanong niya.
"May naisip ka ng kakantahin natin?"
"Wala pa."
Tumahimik na lang muna ulit ako. Wala pa din akong maisip eh.
Kinuha ko ang phone ko at nagscroll sa playlist ko.
"Nothing like Us..." Basa ko sa title ng kanta.
"Sinasabi mo?" Tanong ng katabi ko. Tinignan ko siya at ngumiti.
"Nothing like Us na lang!" Kumunot ang noo niya at nang magsink in na ang sinasabi ko ay ngumiti siya.
"Favorite song ko yan."
"Wow. Ako din eh. Tara, hatiin natin yung lines." Aya ko.
Naghanda na kaming dalawa at hinati nga ang bawat lines. Nang maayos na namin ay tumayo na kami at nakipila na. May tatlo pang nauuna sa min, pwera yung dalawang kumakanta.
Habang naghihintay, biglang pumasok sa isip ko yung mga binabantayan namin. Si Yumi at Dane, ewan ko ba pero nawawala yung kabalastugan ni Yumi.kapag kasama niya yun. Lagi lang silang tahimim pero kapag nagsalita naman yung isa, susungitan ng isa. Astig din eh.
About Mika and Vince, sila naman yung sasabog na talaga yung bahay sa pagbabangayan. Kala mo maga-asawang naga-away. Mga hindi matahimik. Tapos napaka-bipolar pa ni Vince, minsan maharot, madalas masungit lalo na kay Mika. Eto namang si Mika pinapatulan, babarahin agad si Vince kaya laging may komusyon.
Kami ni Andrei... Hindi ko talaga alam pero simula nung mangyari yung sa CR, naging tahimik kami pareho sa isa't isa. Nagsasagutan kami minsan pero di na tulad dati na halos minu-minuto. Ako aminado akong naiilang ako peor siya hindi ko alam kung bakit tumahimik din siya.
Pero sila Ethan at Ela, silang dalawa yung hindi gano kung magbangayan. Huli kong nakitang nagsagutan sila nung unang lipat namin sa bahay nila. Lagi lang silang tahimik. Sabagay, si Ela kasi mahaba ang pasensya kaya siguro natitiis, o sadyang tahimik lang si Ethan para makipag-talo kay Ela.
"Hindi lang sanay si Ethan sa ibang tao kaya siya tahimik." Napatingin ako kay Andrei. "Nasasabi mo na kasi yung iniisip mo. Yup, you're right, masyadong tahimik si Ethan para makipag-talo kay Ela."
"Eh? Bakit kayo, sabi sa min ng parents niyo may pagkamatahimik din kayo, pero kapag si Vince kaharap si Mika, halos sumabog na yung tinatayuan nilang lugar, si Yumi at Dane naman parang mga engot na nagsusungitan kapag nagsalita yung isa. Ikaw din, inaaway mo kaya ako."
"Si Vince kasi---"
"Aya, Andrei, kayo na." Sabi ng teacher namin.
"Mamaya mo tuloy sinasabi mo."
Pumwesto na kami ni Andrei at nagsimula..
[Both]
Ohh~ Ohh~ Ohh.. Yeah..[Andrei]
Lately, I've been thinking
Thinking about what we had
I know it's hard,
It was all that we knew
Yeah...
BINABASA MO ANG
My Guardian
FanfictionSa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para bantayan ang mga ito ay mas gumulo ang lahat? Ang akala nilang magliligtas ay siya pang magpapahamak sa kanila. Kayanin kaya nilang lampas...