Mika's POV
TWO WEEKS! Yes! Oo! Two weeks na ang nakalipas at bukas na ang Intramurals namin.
Nandito kaming lahat sa bahay. Last practice na naming lahat ngayon. Pero nag-half day kami. Haha. Naghahanap pa kasi kami ng gagamitin nila Vince, Yumi at Dane.
Sila Ela, Ethan, Aya at Andrei okay na. Nagpa-practice na lang sila.
"Swimming sana. Ayaw ni Mika eh. Racing na lang ginamit namin." Rinig kong sabi ni Vince kaya humarap ako sa kanila. Kausap niya si Dane.
"Bakit?"
"Ewan. Ayaw niya daw mag-swimsuit." Tinignan ako ni Vince mula ulo hanggang paa. "She has a nice body yet she don't want to show it."
"Heh, bakit ko ipapakita? Saka gusto mo ko pagsuotin ng swimsuit? Yoko nga. Two piece pa? Wag na lang. Isa pa sabi ni Yumi Swimming na daw sport nila?" Singit ko.
"Oo nga. Pero di swimsuit isusuot ko. Rash guard. Swerte naman ng mga manonood." Sabat ni Yumi.
"Wait. We talked about our sports. Tennis it is."
"Dati. Swimming yung napili natin dati. Tara na nga. Mag-sukat na tayo." Umalis na si Yumi at Dane.
"Nasukat ko na yung akin. Okay lang naman. Kaw ba?" Tanong ko.
"Yeah. Let's go. Dun na lang tayo sa Garden magpractice." Since wala naman kaming alam na unique talent, pinagsama na lang namin yung singing and dancing.
Sila Yumi at Dane yata yung sa disney. Yung uma-acting at the same time kumakanta. Ganun.
Sila Aya at Andrei nandun sa kwarto ni Andrei, may instruments siya din kaya mas okay daw na dun na lang sila.
Sila Ela at Ethan naman nasa isang guest room. Malaki daw kasi yun.
Lumabas na kami. Diretso sa garden. May mini speaker si Vince kaya ayos. May mic na din kaya makakapag-practice kami n maayos.
Say you won't let go yung napili namin. Medyo awkward sa kin nung una kasi naman dikit na dikit kami. Puro yakap pa. Pero okay na din, nasanay na ko.
Nagsimula na kaming magpractice. Bawat galaw kailangan maayos. Dapat sabay.
1 hour din kaming nagpractice. Konti na lang naman yu g hindi kami magkasabay kaya pwede. Di naman na mapapansin yun, pwera na lang kung makilatis talaga yung magju-judge.
Pumasok na kami sa loob. Nakita ko sila Andrei at Aya na naghahabulan. May inaagaw yata si Aya na ayaw ibigay ni Andrei.
"Oy, sila Yumi?" Tanong ko kaya tumigil sila sa pagtakbo.
"Nasa kusina si Yumi at Ela. Nagluluto na." Sagot ni Aya.
"What about Dane and Ethan?" Si Vince naman yung nagtanong.
"Nasa kwarto niya si Dane. Nahilo yata. Si Ethan ewan ko. Baka nasa taas." Sagot naman ni Andrei.
Pumunta ako ng kusina para tulungan sana sila pero napatigil ako pagpasok ko ng kusina.
"May sariling mundo yan. Dun ka na lang sa sala. Sila na diyan." Sabi ni Yumi na may hawak na Tray.
"San mo dadalhin yan?" Sumabay na ko lumakad sa kanya paalis ng kusina.
"Kay Dane. May sinat eh. Saka masakit ulo."
"Ahhh. Okay." Umupo na lang ako sa sofa at in-stretch yung paa ko sa center table.
"Kala ko tutulong ka." Sabi ni Vince na tumabi sa kin.
"Si Ela at Ethan nandun sa kusina. Yaan mo sila. Magkatulong na yata sila dun."
BINABASA MO ANG
My Guardian
FanfictionSa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para bantayan ang mga ito ay mas gumulo ang lahat? Ang akala nilang magliligtas ay siya pang magpapahamak sa kanila. Kayanin kaya nilang lampas...