Ela's POV
Lumapit kami sa bangkay nila Nanay at Tatay. Nanginginig na binaba ko ang talukbong ni Tatay, si Mika ang tumanggal ng kay Nanay.
"NAY/TAY!" Sigaw naming apat.
Iyak lang kami ng iyak. Pilit na kaming inaalis ng ibang nurse sa sa pagkakayakap sa kanila pero pumapalag kami. Yakap namin ni Aya si Tatay, sila Mika at Yumi kay Nanay.
Kumalas ako at lumait kay Nanay. Iyak pa din ako ng iyak. Bakit pati sila kailangang idamay.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.
Nakita ko ang caller ID.
Mister calling...
Lumayo ako sa kanila at pinunasan ang luha ko bago sinagot ang tawag.
"H-hello."
[My dear Ela...] Sambit niya kaya napapikit ako. Alam kong may kinalaman siya dito. [Are you surprise to my welcome gift? Where's your parents? Are they dead now?]
"Hayop ka..." Nanggigigil na sabi ko. Nanginginig na ako sa galit.
[Oh well.. Mas masahol pa ako sa hayop. Gusto kong pahirapan lahat ng taong mahal mo at mahalaga sa'yo.]
"Akala ko ba diamonds lang ang kailangan mo?" Naguguluhang tanong ko. "Bakit ba pati ako pinapahirapan mo?!"
[This ks not the right time for you to know my dear. Now I know the answer. They are dead. Condolence sweetie.]
Pinatay na niya yung tawag. Tinitigan ko muna ito ng ipang minuto bago bumalik sa kanila.
Nakahiwalay na sila at nakatalukbong na ulit sila Nanay at Tatay.
Lumapit silang tatlo sa kin at niyakap ako. Iyak lang kami ng iyak.
"Ela!" Napalingon ako sa tumawag sa kin.
"Mrs. Fajardo?" Tanong ko at kumalas sa yakap nung tatlo.
Lumapit siya s akin at niyakap ako.
Nakita ko ding lumapit yung mga nanay nila Dane sa tatlo at niyakap sila. Sila Mr. Fajardo naman ay nakatingin lang sa min.
"May unknown number na nagsend sa kin ng picture ng parents niyo na may tama ng baril. Hindi na namin nahintay sila Ethan dahil sa takot na baka ito ang maabutan niyo. Akala main mauuna kami dito pero nandito na kayo." Kwento niya.
"We will fix everything." Sabi ni Mr. Fajardo at umalis na.
Dinala ako ni Mrs. Fajardo sa sasakyan nila. Ganun din yung hinawa nung iba. Pahirapan pa kay Mika dahil nagwawala talaga siya at ayaw iwanan ang bangkay nila Nanay. Si Yumi ay tulala lang habang patuloy ang luha sa pagtulo. Si Aya naman ay tahimik lang na umiiyak.
Nasa backseat kami at nakaakbay sa kin si Mrs. Fajardo habang hinihimas ang balikat ko. Pumasok yung driver na may dalang tubig at inabot kay Mrs. Fajardo.
Pinainom niya ako. Medyo nahimasmasan ako kaya sumadal ako sa balikat niya pero ayaw pa din tumigil ng pagluha at paghikbi ko.
"Tumawag po siya. Siya yung may pakana ng pagkamatay nila." Umiiyak na sabi ko. Pinunasan ko ang luha ko.
"Shhhh... I'm so sorry for involving you here." Hinalikan ni Mrs. Fajardo ang noo ko.
"You will stay i my house tonight. Babalik tayo bukas kapag naayos na ang lamay ng magulang niyo." Tumango na lang ako dahil sa pagod kakaiyak.
Pumikit ako at hinayaan ang sarili ko na magpahinga.
Yumi's POV
Nakatulala lang ako habang yakap ni Mrs. Ramos. Ramdam ko ang pagkilos nila pero nanatili akong nakatingin sa lupa. Pati patak ng luha sa mukha ko ramdam ko pero wala akong pakielam.
BINABASA MO ANG
My Guardian
FanfictionSa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para bantayan ang mga ito ay mas gumulo ang lahat? Ang akala nilang magliligtas ay siya pang magpapahamak sa kanila. Kayanin kaya nilang lampas...