XXVI

6 0 3
                                    

Yumi's POV

"Bakit ba lagi na lang nawawalan ng afternoon class?" Bored na sabi ni Aya pagka-upo sa upuan niya.

"Oo nga. Tapos ayaw naman nilang pauwiin na lang yung mga estudyante." Sabi ni Mika.

"Ay--"

"Andrei utang na loob! Hindi ako didikit kahit kaninong lalaki promise! Diyan ka na lang sa pwesto mo. Bigay mo na sa ming apat yung oras na 'to." Pagpuputol ni Aya kay Andrei na palapit sa min.

"Haha. Yan kasi. Magtigil ka muna Andrei, para namang di mo makikita mamaya sa bahay yan." Natatawang sabi ni Ela.

Pinatong ko yung siko ko sa desk tapos yung yung baba ko sa palad ko. Yung kabila ko ay pinantap ko sa desk ko at dun ako tumingin.

May ibig sabihin kaya yung pag-ako ni Dane sa gawaing ako dapat ang umaasikaso?

Nakasunod ako kay Dane maglakad sa hallway papunta sa room namin. Nakayuko lang ako kasi naiilang pa din ako s akanya. Bakir ba ayaw niya bilisan yung lakad niya nang mawala na siya sa paningin ko?  O unahan ko na lang kaya? Kaso parang ang bastos naman nun kasi nauuna siya sa kin.

"Aww." Nauntog yung noo ko sa likod niya kasi huminto siya sa paglalakad. Sumilip ako sa harap niya para malaman yung dahilan ng paghinto niya.

"Oh, ayan din pala si Yumi." Nakangiting aabi ng AP teacher namin.

"Good morning po." Bati ko.

"Good morning. Dane, natapos mo na?"

"Yes ma'am." Inalis ni Dane yung pagkakasukbit ng bag niha sa balikat niya at may kinuha sa bag.

"Yumi, you must be really close to Dane? Haha. Sa'yo ko sana ipapagawa 'tong reviewer pero nagvolunteer si Dane na siya na lang daw."

Napatingin ako kay Dane. Inabot niya yung isang big notebook. Eto yung sinusulatan niya nung Friday at Saturday. Ako ba ang kailangan gumawa nun? Bakit inako niya? Kaya ko namang gawin yun eh.

"Gotta go. Thank you Dane."

Hindi ko inalis ang tingin ko kay Dane. Bakit ba kakaiba yung nararamdaman ko? Gusto ko na ba talaga siya?

Saglit lang akong tinignan ni Dane tapos binilisan na niya yung lakad niya papunta sa room.

Dane naman eh, pinapagulo mo yung isip ko. Crush lang naman dapat kita eh, pero bakit parang lumalalim? Partida, hindi pa tayo nagu-usap.

"Yumi.."

Ang hirap pala kapag di ka sigurado sa nararamdaman mo. Parang halo-halo yung nagiging emosyon. Hindi ko alam kung masaya ba kong naiisip na baka nga gusto ko na siya o naiinis at nadi-disapoint kasi baka may gusto nga ako sa kanya.

"Yumi?"

Hayyy, hindi ko talaga naisip noon na may posibilidad na may magustuhan akong isa sa kanila. Dati naman kasi, impression ko talaga sa kanilang apat mga kampon ni Santanas, pero habang tumatagal, oo mga suplado nga pero mababait naman. Lalo na si Dane, ayaw na ayaw niyang nakakakita ng babaeng nasasaktan.

"Hoy Yumi."

Ultimo nga yata babaemg dumaing lang dahil sa kagat ng langgam, aalalayan na niya agad. Naku naman. Baka nga gusto ko na talaga siya? Pano ba kasi malalaman kung gusto na ang isang tao?

"YUMI!"

"Ayy gusto ko si Dane!" Napatakip ako ng bibig ko at nilingon yung kabilang row. Napapikit ako at nakahinga ng maluwag ng masigurong hindi nila narinig yung sinabi ko. Tinignan ko yung tatlong babaeng nakatingin sa kin.

My GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon