Andrei's POV
"Bakit ka sumusunod?"
"Sorry.."
Natigilan siya sa sinabi ko.
"Kayong apat.. Kayo din naman yung may kasalanan. Kayo yung dahilan kung bakit hindi namin kasama yung nanay at tatay namin. Kayo yung dahilan kung bakit nakabuntot kami sa inyo. Kayo yung may kasalanan kung bakit kami nagkakaganito. Kayo yung dahilan kung bakit nakatira kami ngayon sa inyo. Lahat ng nangyayari sa buhay niyo, na nakadamay kami, kagagawan niyo."
She's right. Lahat 'to kasalanan namin. Hindi man kami aware pero alam kong kami yung dahilan. At nakaka-guilty na yung bantayan na lang sila yung gagawin namin, hindi pa namin nagawa. Napahamak ko pa si Aya.
Lahat 'to kami ang may kagagawan. Aminin man namin o hindi, kami ang dahilan kung bakit hindi normal ang pamumuhay nila. Kung bakit hindi sila naninirahan bilang mga ordinaryong maga-aral na hindi muna nagta-trabaho para lang bantayan ang ibang tao, at ilagay ang sarili nila sa panganib.
Yeah. I feel guilty.
"A-ano?"
"Sorry.." Tumabi ako sa kanya. "Nakwento ko sa'yo kanina diba? May mga gusto daw pumatay sa ming apat. Alam ko, sabihin niyo man o hindi, alam kong yun yung dahilan kung bakit kayo nandito ngayon, hindi ko lang alam kung bakit mga babae at kayong apat pa."
Tinignan ko siya. She's still bowing her head so I continue to talk.
"I'm confuse. Anong kasalanan namin? O anong kasalanan ng mga magulang namin para umabot sa puntong may gusto ng pumatay sa min?" Huminga ako ng malalim. "I'm sorry. Dahil sa pagbabantay niyo sa min... Hindi niyo makasama ang mga magulang niyo. Nasasayang yung oras niyo sa min. Sa pagsisilbi at paga-alaga sa min. And I am guilty."
This time, she looked at me. I stared at her.
"Protect you. Yun na lang. Bantayan na lang kayo, ipagtanggol sa mga estudyanteng gustong manakit sa inyo. That's all we need to do for you. Pero pinabayaan pa namin kayo, especially me. Pinabayaan kita."
We just stared at each other for a moment. Hindi ko alam kung anong sumapi sa kin pero sobrang tinamaan ako sa mga sinabi nila kanina. Kaya gustong-gusto kong magsorry lalo na sa kanya.
"Okay lang." Ngumiti siya. "Atleast nagsorry ka at alam ko namang babantayan mo na ko. Kami."
I smiled back.
"Of course. That's our duty as guys. And you are my friend since earlier. Okay na tayo diba?" I winked at her.
She rolled her eyes kaya natawa ako. Kahit kailan yung babae na 'to hindi tinatalaban ng charm ko.
"Tara na nga." Tumayo siya at nagpagpag tapos naglakad na.
Sumunod ako sa kanya. Actually, I am really amaze by this girl. Hindi siya katulad nung iba na sobra kung makatili sa min. Ni hindi nga yata 'to nausuhan ng make up.
Pero ang dami kong tanong na alam kong hindi niya sasagutin. At kahit itanong ko sa mga magulang ko, alam kong di sila magsasalita sa kin.
I'll find it on my own. O baka may ideya sila Ethan kaya tatanungin ko na lang sila. But now...
I am happy to be friend with her.
Dane's POV
"Bakit dito mo ko dinala?"
"I'm sorry.."
She just looked at me. Yumuko ako.
"Bakit nga ba? Oo sige na. Ayaw niyo na sa min. Pero hindi niyo kasi naiintindihan. Sno din ba nagsabing gusto naming alagaan kayo? Hindi din naman namin ginusto 'to pero kailangan. Sa ngayon di niyo maiintindihan, pero dadating yung panahon na baka lumuhod pa kayo sa harap namin bilang pasasalamat. Kayang kaya namin labanan yung mga nanga-api sa min dito. Pero hindi pwede. Bawal. Wala naman kasi sa katwiran. Bakit kami lalaban kung wala naman dapat ipaglaban? Kaya nga kami pinabantayan sa inyo ng magulang niyo. Sana kahit yun lang magawa niyo. Wag niyo namang hayaang may mabugbog o maospital pa sa ming apat bago kayo kumilos."
BINABASA MO ANG
My Guardian
FanfictionSa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para bantayan ang mga ito ay mas gumulo ang lahat? Ang akala nilang magliligtas ay siya pang magpapahamak sa kanila. Kayanin kaya nilang lampas...