XXVIII

10 1 3
                                    

Mika's POV

Naglalakad kaming walo papunta sa Canteen dahil Recess na namin at naguguluhan talaga ko dahil parang may bago kay Dane at Yumi. Kay Aya at Andrei wala ng bago diyan kasi magdadalawang linggo ng nanliligaw yung isa. Oo parang bumabalik na sa dati yung dalawa sa loob lang mg isnag linggo at hindi ko maintindihan kung anong nangyari.

Gaya na lang ngayon. Itong si Yumi kasi parang kinukulit sa kung ano man si Dane, naglalakad kasi kami ni Ela sa dulo, nasa likod namin si Ethan. Nauuna sa min si Vince tapos si Aya at Andrei at nasa pinaka-una silang dalawa na hindi ko marinig kung anong kinukulit ni Yumi. Tapos si Dane biglang aakbay sa kanya pero di magsasalita at ngingiti lang ng malaki. Tatanggalin naman yung ni Yumi at ganun lang. Uulit lang sila.

"Curious ka?" Tanong sa kin ni Ela. Papasok na kami sa canteen.

"Oo na hindi. Alam kong balik dati na sila pero parang iba."

"Umamin na kasi si Yumi kay Dane na gusto niya si Dane." Tumango ako at tinignan siya habang nakakunot ang noo.

"Umamin si Yumi? Si Yumi yung umamin? Ano sabi ni Dane?"

"Oo si Yumi. Nagsisigawan kasi sila kagabi, eh magkasunod kami ni Ethan na papasok sa mga kwarto namin kaso tumigil muna kami, ay hindi.. Ako lang pala, hinila ko lang si Ethan. Ayun nga, nasa likod lang sila ng pinto kaya rinig namin. Tapos kunyari umalis kami ni Ethan nung bumukas yung pinto. Nung tinanong ni Yumi si Dane at di siya pinagbuksan si Ethan na yung naglinaw sa kanya. Espesyal siya para kay Dane. Pero hindi ko alam kung gusto na siya ni Dane."

"Kaya pala ganyan silang dalawa." Napatingin kami kay Vince na nagsalita. Nakapila na kasi kami kaya nakaharap siya sa min habang nakangisi at nakatingin sa taas.

Nagcross arm ako at tumingin sa gilid ko.

"Psh.. Di naman siya kasali, nakikisali sa usapan." Sinadya ko talagang lakasan ng konti para iparinig sa kanya. Tumingin naman siya s akin na nakakunot ang noo.

"Wag kasi kayong mag-usap ng malakas kung ayaw niyong mangsali ng iba." Sagot niya. 

Umirap ako at ibinuka ang bibig ko para sana sagutin siya kaso tinikom ko din kasi kapag nagtuloy yung sagutan namin, baka umasa ko na ayos na kami. Wag na lang. Siya unang umiwas eh. Kapag kinakausap ko siya nagiging mailap. Hinayaan ko na lang.

  Ang hindi ko lang maintindihan. Sa ilang linggong pagi-iwasan namin, pakiramdam ko may kulang.

Nung makabili na kami ng mirienda ay bumalik na kami ng room. At malapit na kong langgamin dahil kay Aya, Andrei, Yumi at Dane. Hindi naman sila sweet pero basta!

Kumakagat ako sa sandwich na binili ko habang nakatingin kay Aya at Andrei na nagsusubuan pa. Hindi naman totally nagsusubuan kasi si Andrei lang yung nagpapasubo kay Aya. Ayaw kumain hangga't di sinusubuan nung isa.

Nilipat ko yung tingin ko kay Yumi at Dane habang umiinom ng juice. May hawak na libro si Dane at nagbabasa habang si Yumi naman eh tsumatsansing. Nakasandal yung ulo niya s abalikat ni Dane at nakikibasa din, kung nagbabasa nga talaga siya.

At ano ang mas nakakabugnot? Nakipagpalit na ng tuluyan ng pwesto yung apat. Si Andrei pinilit si Aya na makipagpalit kay Vince, si Yumi naman inutusan pa si Ela na palipatin si Ethan sa upuan niya para tabi sila ni Dane. Pero siyempre request din ni Dane yun. Ayaw lang pumayag ni Ethan kaya inutusan na si Ela. At dahil bwisit din si Ela, bahala daw sila. Kaya si Dane tinulak na lang si Ethan paalis sa upuan niya.

W•El•V•M•Et   •A•  Y•D•An•Ay•W

"Ethan palit na nga lang tayo ng upuan. Diyan na lang ako." Utos ko sa kanya. Ayoko naman kasi katabi 'tong isang 'to.

My GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon