Ela's POV
Kami lang ni Aya yung gumamit ng motor. Ayaw kasi pumayag ni Aya na sumabay kay Andrei.
"Oh? Nandito ka?" Tanong ni Aya pagkababa ng motor niya. Naka-abang kasi si Andrei.
"Siyempre, kailangan kasama mo ko lagi. Pano kung may mambato na naman sa'yo? Baka makarating kay Mommy na pinapabayaan kita."
"Tss. Oy Ela, una na kami." Ngumiti ako at tumango. Inaayos ko pa kasi yung gamit ko.
"Ahm Miss?" Lumingon ako sa kumalabit sa kin.
"Po?" Mukha kasi siyang mas matanda sa kin. Tinitigan lang niya ko. "Bakit po?" Tanong ko ulit. "Kuya!" Nilakasan ko na yung boses ko kaya napapikit siya.
"K-kuya?" Tanong niya.
"Ah, nasanay lang. Bakit po ba?"
"Ahm.. Itatanong ko lang sana k-kung.. Alam mo kung nasan yung Principal's office?"
"Ayy magta-transfer ka?" Tanong ko.
"Yeah."
"Eh parang late na yata? Malapit na undas." Napakamot siya sa ulo. Haha. Ang cute naman ni Kuya.
"Si Daddy kasi eh. By the way, what level are you now?"
"10 na. Ikaw?"
"Senior."
"AXEL!" Napalingon yung kausap ko sa sumigaw kaya pati ako napatingin sa kanya.
Hmmm.. Mukha siyang nasa 25+ na. Baka kapatid niya 'tong sj Kuya Axel.
"Kuya." Tawag niya. Oh diba? Lumaoit sa min yung tumawag kay Kuya Axel.
Tinignan lang ako nung lalaki tapos nilipat niya kay Kuya Axel yung tingin niya.
"What are you doing here?"
"She knows where the Principal's office is." Tumango yung lalaki at tinignan ulit ako.
"What's your name?" Ngumiti ako at nagbow.
"Ela po."
"Nice meeting you Ela. I'm Axel. Eto naman si Kuya Iziac /Ayzaac/"
"Ela?" May binulong si Kuya Axel dun kay Kuya Iziac. Tumango si Kuya Zac--uy, nakaisip ako ng short name sa kanila--tapos tinitigan din ako. Ngumiti siya. "Pwede mo kami samahan?" Tanong niya.
"Opo naman. Magkapatid po kayo?" Tanong ko.
"Yeah. He's 26. I'm 19. You?"
"17 po."
Naglakad na kami. Sukbit ko yung backpack ko. Nasa gitna nila kong dalawa.
"So Ela. What's your real name?" Tanong ni Kuya Cel.
"Ela lang. Ela Alonzo."
"A-ahh.."
"Kayo po?" Tanong ko.
"Axel Villaverde." Nanlaki yung mata ko. Familiar yung apelyido pero di ko maalala.
"Iziac Villaverde." Hmmm.. Narinig ko na yung surname nila. Umiling na lang ako at hindi pinansin yun. Baka kapareho lang. Marami namang Villaverde sa mundo.
"Kuya Zac, sinamahan mo lang dito si Kuya Cel?" Tanong ko.
"Zac/Cel?" Sabay nilang tanong.
"Ehh okay lang po ba?"
"Yeah. Haha." Pinisil niya yung pisngi ko.
"Let's go." Nakangiting aya ni Kuya Zac tapos lumapit kay Kuya Axel. "Miss her that much?" Di ko narinig yung bulong ni Kuya Zac kaya naglakad na lang ako.
BINABASA MO ANG
My Guardian
FanfictionSa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para bantayan ang mga ito ay mas gumulo ang lahat? Ang akala nilang magliligtas ay siya pang magpapahamak sa kanila. Kayanin kaya nilang lampas...