Mika's POV
Mula kaninang tanghali, naging balisa na si Ela. Parang laging ang lalim ng iniisip.
Tungkol dun sa tanghalian? Malamang kumain talaga kami. Sa susunod magtatabi na ko ng para sa min para hindi namin kakainin yung tira tira nila. Aba! Pasalamat sila Gutom ako, sila rin pala.
Mga kaanuhang alam ng apat na gunggong na yun! Kawawain daw ba kami? Hoy! Kay dyo-dyosang aso naman namin!
Kasalukuyan akong paakyat papunta sa kwarto ng alaga ko. Magkatabi lang yung amin ni Aya, at sabi ni Ela, katapat ng kay Ethan yung kanya. So ibig sabihin, si Yumi lang ang nahiwalay, kaya siguro naliligaw.
Hinanap ko muna yung Kwarto niya at laking pasasalamat ko na lang dahil may picture. Kumatok ako.
"Come in.." Pumasok ako sa kwarto niya habang bitbit yung walis at isang pamunas.
Nakasulat kasi dun sa folder, kailangan linisin yung kwarto niya tuwing umaga at hapon.
Pagpasok ko, tumingin lang siya sa kin saglit at tinignan ulit yung Ipod niya habang may headset sa ulo.
"Maglilinis lang po." Sabi ko at nagsimula ng magwalis. Hindi namana nakakalat yung gamit niya.
Infairness sa lalaki na 'to, maayos sa gamit ah? Tinapos ko lang yung pagwawalis at nagpunas na.
Walang nagsasalita sa aming dalawa at mabuti na din yun dahil baka magkapikunan pa kaming dalawa dito.
Habang nagpupunas ako, may nahulog na isang stuff toy na kotse. Tumingin ako at.. Takte! Di ko abot!
Humanap ako ng upuan kaso wala. Mabigat naman yung small couch kaya pilit ko na lang inabot yun kaso ang taas talaga.
Nagulat ako nung may biglang kumuha nun sa kamay ko kaya napaharap ako sa kanya pero.... Wrong move!!!!
Nakaharap ako sa dibdib niya kaya napapikit ako. Ewwww kaya! First time lang may lalaking ganito kalapit sa kin maliban kay Tatay.
"Ayusin mo kasi trabaho mo." Sabi niya at naramdaman ko na yung paglayo niya kaya dumilat ako.
"Nahulog lang, kasalanan ko na agad?" Umirap ako at nagpatuloy na.
Pumasok ako sa CR niya para kunin yung laundry ng marurumi niyang damit. Naman! Ang bango pa din kahit madudumi na.
Nilabas ko yun at kinuha na yung mga gamitnko bago lumabas ng kwarto.
Bumaba ako ng hagdan at papunta na sana sa Laundry room dahil mamayang gabi ko na lang lalabhan yung tambak niyang damit.
Pinuntahan ko na si Aya at Yumi sa kusina na nagluluto.
"San si Ela?" Tanong ko.
"Nasa kwarto niya yata. Parang ang lalim pa din ng iniisip." Sagot ni Yumi habang nagbabanlaw ng Manok.
"Sabagay, nakakagulat naman kasi na may makaalam ng tunay na pangalan niya. Sa mga magulang lang ni Sir Ethan siya nagpakilala bilang Ela Alonzo. So sila Nanay, Tatay, tayong tatlo at sila Mr. Fajardo pa lang ang nakakaalam. Yung iba mas kilala tayo sa aplidong Reyes dahil kala Tatay." Sabi ko.
Totoo, hindi namin sinasabi sa iba yung totoong aplido namin dahil sabi ni Nanay, baka may rason kung bakit nung iniwan kami eh nakaburda maging aplido namin sa mga lampin.
"Tama.. Naka-save naman ang mga number nila sa cellphone natin at malabong ipagsabi ni Mr. Fajardo ang totoong pangalan niya at tiyak na mapapahamak si Sir Ethan." Sang-ayon ni Aya.
"Bakit mapapahamak si Ethan?" Napalingon kami sa nagsalita.
Kabute ba 'tong mga gunggong na 'to?
BINABASA MO ANG
My Guardian
FanfictionSa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para bantayan ang mga ito ay mas gumulo ang lahat? Ang akala nilang magliligtas ay siya pang magpapahamak sa kanila. Kayanin kaya nilang lampas...