Ela's POV
Kasalukuyan kaming papunta sa opisina habang sukbit sukbit ang mga bagpack namin. Konting damit lang naman eh ayos na. Hindi naman kami mahilig maglagay at magpahid ng kung ano-ano sa katawan dahil natural na ng puti namin.
Sabi kasi nung kumupkop sa amin, may mga lahi yata ang mga magulang namin at iniwan kami sa kanila na nakabalot sa lampin na may mga naka-burdang pangalan namin.
Hindi na namin sila hinanap dahil naisip namin, pinamigay na nga kami eh, hahanapin oa ba namin sila? Tsk. Wag na lang.
Nang makarating sa opisina, nakahanda na pala sila kaya lumabas na kami agad.
"Sumakay na kayo.."
"Ay teka po. May mga motor po kaming dala..." Sabi ni Mika.
"Don't worry. Ipapa-drive na lang namin yan. Pumasok na kayo." Sabi ni Mr. Fajardo.
At dahil masunurin namn kming mga Dyosa, sumakay ako sa sasakyan nila Mr. Fajardo dahil ako ang magbabantay sa anak nila.
Ganun din ang ginawa ng mga kasama ko.
"Iha, ano nga ang pangalan mo?" Tanong ni Mrs. Fajardo.
"Ela po. Ela Alonzo.." Sagot ko.
"Alonzo.... Hmmm.. May business ba ang magulang mo?" Tanong ulit niya.
Umiling ako.
"Ulila na po ako. Actually kaming apat po. May mga kumupkop lang po sa amin kaya ganito ang buhay namin." Sagot ko ulit.
"Aww, sorry to hear thay Ela. But rhank you for helping us." Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Hindi din naman po kakayanin ng konsensya namin na may masamang mangyari sa kanila gayong kami ang una ninyong inutusan."
"Ang babait niyong mga bata. Napalaki kayo ng maayos ng mga kumupkop sa inyo kahit ganyan kahirap ang buhay." Mas lumawak ang ngiti ko ng maalala ang mga mukha nila Nanay at Tatay.
"Mabubuti po silang tao. Kaya po ginagalang namin ang iba para igalang din sila. Ang sabi nga sa isang Golden Rule, wag mong gawin sa iba ang away mong gawin din nila sa iyo." Nakangiting sambit ko.
Nang makarating sa bahay na mansion na yata sa laki eh pinababa na nila kami.
Hala? Totoo? Ang laki nito tapos apat na lalaki lang ang nakatira?
"Sumunod kayo.." Inayos ko muna ang buhok ko at ang bagpack ko bago sumunod sa kanila. Nasa dulo ako dahil magkakatabi sa unahan ko yung tatlo.
"Ang laki naman ng bahay na 'to.." Puri ni Mika.. Ang pinaka-madaldal.
Nung nagpailan yatanng kadaldalan eh sinalo niya yung kalahati.
"Sinabi mo pa. Mansyon na yata ito eh.." Puna naman ni Aya. Ang dakilang pinagpala sa kasungitan. Laging umiikot ang mata.
"Tapos apat lang silang nakatira? Pano kaya nila nalilinis 'to noh?" Singit ni Yumi. Ang may taglay na kapilosopohan kaya ang sarap itapon sa kanal.
"Onga. Tapos ngayon tayo pa yung maglilinis dito? Naman! Sayang ang lambot ng kamay ko." Isa pang ugali nitong si Aya eh kaartehan. Langya naman. Magaspang na kamay mo!
De biro lang, hindi nga kami napagkakamalan na mahirap dahil sa itsura at katawan namin. Siguro kasi nga may lahi at alagang alaga kami nila Nanay at Tatay.
Nanakawan nga kami minsan kaso bukod sa walang napala yung magnanakaw dahil tigsi-singkwenta lang ang dala namin eh nabugbog sarado pa.
Yan ang maganda sa may karanasan sa pakikipag-laban. May self defense!
BINABASA MO ANG
My Guardian
FanfictionSa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para bantayan ang mga ito ay mas gumulo ang lahat? Ang akala nilang magliligtas ay siya pang magpapahamak sa kanila. Kayanin kaya nilang lampas...