XXX

8 1 0
                                    

Mika's POV

Lumabas ako ng room. Hindi ko maintindihan... Bakit ganun? Nakakairita silang makitang dalawa. Ibig kong sabihin, sumisikip yung dibdib ko kapag nakikita ko yung closeness nila.

Naiinggit ba ko kasi sila na yung close? O baka nga mas close pa sa min ni Vince dati? Biruin mo nagagawa ni Arlina na ilapit yung mukha niya ng sobra kay Vince.

Malapit ng matapos yung oras ng recess namin. Wag na lang muna kaya akong pumasok sa klase?

Dumiretso ako sa gilid ng building namin. Magpapahangin lang muna ko.

"Ang sweet nila ah?" Pagkausap ko sa sarili ko habang kumukuha ng maliit na bato.

"Tsk. Why are you denying your feelings?" Nagulat ako ng umupo sa tabi ko si Jonathan. Nangunot ang noo ko.

"Huh?"

"You're jealous Mika. Obvious. Bakit hindi mo pa aminin sa sarili mo?"

Nagsimula ulit akong magpulot ng maliliit na bato tapos itatapon ko lang din ulit. May magawa lang.

"Hindi ako nagseselos. Isa pa, wala naman akong karapatan magselos."

"Wala nga. But you can't deny or always avoid jealousy. Nararamdaman mo yan eh, wala kang magagawa para pigilan yan. Lalong pinipigilan, mas lumalala."

Tinignan ko si Jonathan na nakatingin sa kamay niyang may nilalarong bato.

"Tingin mo?" Tanong ko. Nagseselos nga ba ko? Yung akala kong inis at irita lang, selos na ba? Ano ba talaga? Bakit ako magseselos? Gusto ko ba siya?

Natawa siya ng tignan ako. Hinawakan niya ng isang kamay niya ang kamay ko at pinitik ng isa yung noo ko.

"Gusto ko sanang lumaban. But that won't be good for you, papahirapan lang kita kapag lumaban ako. He won over me kahit wala pa ni isa sa min ang nagsisimula. Pareho kasi kayong manhid." Nakangiting sabi niya.

"Huh?" Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya.

Panong papahirapan lang niya ko kapag lumaban siya? Ano bang laban yun? Magpapabuhat ba aiya o magpapapasan kaya ako mahihirapan? Tapos talo na agad siya hindi pa man sila nagsisimula ng kung sino mang kalaban niya? Aba matinde din pala si Jonathan eh noh?

"I don't actually have any plan to tell you this pero kahit ito man lang gusto kong malaman mo." Huminga siya ng malalim at tinignan ako s amata habang nakahawak pa din sa isang kamay ko. "Mika I like you."

Nanlaki ang mata ko at nahila ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Oh?" Napatakip ako ng bibig dahil sa naging reaksyon ko. Napanganga siya ng konti na parang di makapaniwala sa sinabi ko kaha napapikit ako.

Nakakahiya! Isa pa, ngayon lang naman may umamin sa kin ng seryoso at sincere yung tono kaya hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Napadilat ako nung bigla ko siyang narinig humagalpak ng tawa.

"Unbelievable!" Natatawang sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya pinigilan niya yung tawa niya. "Sorry. But seriously Mika? Yun lang masasabi mo?"

"Eh kasi naman hindi ko--"

"Hep! Okay na. I just want you to know that I like you. Yun lang. Wag mong guluhin yung isip mo sa pag-amin ko. All you need to think of is what you really feel towards Vince. If you really are jealous. Kasi naman ikaw yung nakakaramdam pero parang mas alam ko pa." Natatawang sabi niya saka tumayo at pinagpag yung suot niya. Nilahad niya sa kin yung kamay niya.

Ngumiti ako at humawak sa kanya para makatayo. Magsasalita sana ako nung tumunog yung cellphone ko. Si Mrs. Quizon.

"Mommy ni Vince." Pakita ko kay Jonathan.

My GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon