XXIII

10 2 1
                                    

Aya's POV

Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Hindi ko magawang umiwas dahil una, lagi akong pumapasok sa kwarto niya para maglinis, pangalawa, sumasabay pa din ako sa kanya tuwing umaga kahit na hondi kami nagu-usap, hindi na din niya kasi ako pinansin mula ng magsigawan kami four days ago.

Papasok na ko sa kwarto dahil tapos na ko maghugas ng plato. Nadaanan ko pa sa sala yung  anim. Mga nakatambay lang, hindi naman nanonood ng TV eh.

Papasok na sana ako ng kwato nung may humawak sa kamay ko. Agad ko namang tinanggal yun at hinarap siya.

"Aya talk to me please. Wag mo naman akong iwasan."

"Hindi naman kita iniiwasan." Simpleng saad ko.

"Maybe, but whenever we are together you are avoiding me. Aya mahirap. Wag namang gani---"

"Andrei hindi lang ikaw yung nahihirapan dito. Wag kang umasta na parang balewala lang sa kin yung pagdistansya ko sa'yo." Mahinahong paliwanag ko.

"Kung nahihirapan ka bakit ka dumidistansya? I just told you I like you then all of a sudden iiwas ka? Really Aya? If you don't like me just tell me. Wag mo naman akong pahirapan."

Ginulo ko ang buhok ko at tinignan siya. Nakakairita na. Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko sa kanya.

"Andrei ano ba? Pwede ba tumigil ka na?  Kinakausap pa din naman kita--"

"But not the way you used to."

"Kasi iba na ngayon! Tama na. Walang patutunguhan 'to."

"Wala talaga kasi ayaw mong pumayag na ayusin natin 'to. Tinatakbuhan mo lang ako. Ayaw mong liwanagin sa kin lahat." Halatang nagtitimping sabi niya.

"Ano bang gusto mong liwanagin ko sa'yo? Na gusto din kita? Na may nararamdaman din ako para sa'yo? O gusto mong marinig mismo s akin na kahit kailan hindi kita magugustuhan?" Natahimik siya sa sinabi ko.

Gusto mang bawiin yung huling linyang sinabi ko, hindi pwede dahil mas makakabuti sa ming dalawa 'to.

"Kung alam ko lang noon na lalayuan mo lang ako, pinili ko na lang sanang makuntento sa pagiging kaibigan mo. Hindi na alng sana ko umamin. Masakit kasi." Umiwas ako ng tingin. Ang lungkot ng mukha niya. Hindi ko na kayang tagalan yung tingin niya.

"Andrei gusto mo lang ako. Mawawala din yan agad. Saka baka nalilito ka lang kasi masaya kapag kasama mo ko. Please tama na. Hindi naman natin magagawang mag-iwasan dahil bukod sa nasa iisang bubong lang tayo, amo kita. Ayoko man pero kailangan kitang kausapin at lapitan."

Tumingin ako sa kanya nung marinig ko siyang magmura. Nagtutubig yung mata niya pero hindi naman yung tipong tutulo na agad yung luha.

"TANG*NA AYA! BUTI SANA KUNG GUSTO LANG KITA! HINDI AKO MAGKAKAGANITO KUNG GUSTO LANG KITA! I WON'T FEEL THIS KIND OF PAIN KUNG GUSTO LANG KITA!" Sigaw niya kaya natigilan ako.

Alam kong nakikita kami nung mga kasama namin pero wala na kong pakielam. Gusto ko ng lumayo kay Andrei at magkulong na lang sa kwarto.

"Y-yun naman yung s-sabi mo---"

"Oo! Kasi ayoko ng dagdagan yung sakit. When I told you I like you, you never tell me you like me too. Ayokong sabihing mahal kita at maririnig ko lang na sorry yung sagot mo." Pahina ng pahina yung boses niya habang nakayuko.

Napatigil ako. Gusto ko ng maiyak dahil hindi ko na kaya yung nakikita at naririnig ko sa kanya. Pero kailangan kong pigilan 'to. Pati yung nararamdaman ko para sa kanya kailangan kong pigilan. Yung pangako namin. Saka iiwan din namin sila oras na mahanap namin yung diamonds.

My GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon