VII

32 3 0
                                    

Mika's POV

Nilamig ako bigla kaya napayakap ako sa sarili ko.

"Epal naman yung malakas na hangin eh. Nagmo-moment ako dito tapos iistorbo?" Tumayo ako dahil malamig na.

Pinagpag ko muna yung pwet ko at tatalikod na sana pero may naramdaman akong mainit sa balikat, likod at braso ko.

Tinignan ko yun at halaaa! Paano ako nagkaroon ng Jacket? Bigla akong kinilabutan. Totoo nga yata na may mumu kapag may alitaptap eh. Kupoo!

"WAHHHH!!!" Tili ko dahil sa naisip ko. Agad kong inalis sa kin yung Jacket at lumuhod sa puno saka ko pinagsalikop yung palad ko at pumukit. "Kung may mumu man dito sorry na. Di ko naman gusto mabighani sa ganda nung mga alitaptap sa puno eh. Promise di na ko pupunta dito basta wag mo lang akong takutin. Huhu! Takot ako sa mu----"

"Tsk.. You're crazy.."

Mas lalong dumiin yung pikit ko at nanginginig na ko..

"Jusme nagsalita ka pa. Pero infairness ang ganda ng boses mo. Pogi ka kaya? Kaso wag ka na magpakita baka atakihin ako sa pu---" Napadilat ako nung may malamig na kamay ang humawak sa balikat ko.

Napatayo ako at tumalikod habang nakapikit tapos pinagpapalo yung mumu.

"WAHHH! LUMAYAS KA! SABI KO WAG KA MAGPAKITA EH! WALA NA PALA KONG PAKIELAM KUNG POGI KA O PANGIT BASTA LUMAYAS KA NA SA HARAPAN KO!!" Pinagpapalo ko pa siya. Infairness matigas yung dibdib. Hihi.

"H-hey.. Mika hey.." Doon ako natauhan.

Tumigil ako at unti unting dumilat. Mumu nga eh, bakit napapalo ko? Tapos kilala pa ko.

Nanlaki bigla yun mata ko at napaatras. Tumalikod ulit ako sa kanya at bumulong.

"Tang mother naman oo! Nasabi ko bang ang ganda ng boses niya tapos tinanong o oa kung pogi? At nakita din ba niya kong magwala at kausapin yun puno? Langya naman. Pahiya ako dun, nakakawala ng pagka-dyosa yun."

"Stop whispering. Mukha kang baliw.." Inayos ko muna yung sarili ko at huminga ng malalim bago humarap sa kanya.

Teka? Bakit kailangan ko ayusin sarili ko sa harap niya? Ahh! Kasi nga napahiya ako kanina! Yun yun!

Yumuko siya at kinuha yung Jacket na nahulog ko tapos inabot sa kin.

Kinuha ko na lang yun kasi giniginaw naman talaga ko. Umupo ako sa bench at tumabi naman siya pero may konting space.

"Bakit di ka pa natutulog? Tapos pumunta ka pa dito?" Tanong ko.

"Can't sleep. I always go here when I can't sleep." Tumango ako. Katahimikan na naman.

Aba bakit ako makikipag-kwentuhan sa kanya? Wala namang topic eh, ano yun? Mukha lang kaming tanga?

"You? Why are you here?" Napatigin ako sa kanya. Nakatingin lang siya dun sa puno kaya ganun na lang din yung ginawa ko bago sumagot.

"May nami-miss lang.."

"Boyfriend mo?" Napatingin ako sa kanya at gusto ko ng sapakin yung mukha niya mawala lang yung mapang-asar na ngisi na yun.

"Utak mo! Wala nga sa isip ko yung boypren boypren na yan eh. Pabigat pang sila sa buhay ko." At flip hair! Oha! Ganyan ang Dyosa.

"Nahhh. It's not Boypren okay? Ang cheap mo magsalita. Boyfriend yun." Umirap na lang ako.

"Lahat na lang ba papansinin mo? Eh yung Ka-dyosahan ko di mo sisitahin?" Mukha naman siyang nandiri sa sinabi ko. Kapal ng mukha nitong mandiri. Kala mo siya gwapo.

My GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon