XX

20 2 2
                                    

Aya's POV

Balik aral na naman kami. Wala namang ibang nangyari nung sem break. Kung hindi kami kikilos para sa gawaing bahay, nasa kwarto lang kami.

Nung undas dumalaw lang kami saglit kala Nanay at Tatay. Sariwa pa kasi s amin yung pagkawala nila kaya nagngawaan na namin kami. Sinama na lang kami nila Mrs. Guavarra sa kanya-kanya nilang sementeryong pupuntahan.

Matapos yung sagutan naming walo, o alisin na siguro si Ethan kasi di naman kumibo yung pipi na yun, hindi na namin kinausao yung mga lalaki. Hindi naman na ko galit, tama naman si Ela, wala namang mangyayari kung sisisihin lang namin sila. Kaya ko lang sila hindi kinakausap kasi nakakailang.

Pero yun lang yun. Pangalawang linggo, kinausap na namin sila pero hindi na katulad ng dati. Si Mika kasi hindi na siya gaanong nakikipag-sagutan kay Vince, kahit si Vince din ganun. Para ngang naging iwas pa si Vince eh.

Kung sila Dane at Yumi naman, mga astig. Si Yumi kakausapin lang si Dane tungkol sa trabaho niya, sasagot kung may iu-utos lang sa kanya. At mukhang hindi gusto ni Dane ang ganung treatment kaya ayun, minsan nakabuntot siya kay Yumi para lang asarin yung isa. Ewan ko sa kanila.

Ah eto pa, sila Ela at Ethan. Matitinde! In an instant parang kabisado na ni Ela si Ethan. Hindi sila nagu-usap o nagpapansinan, may oras lang si Ela sa mga gagawin niya kaya ayan, nagagawa niya yung mga dapat niyang gawin, naibibigay niya yung kailangan ni Ethan nang hindi sila nagu-usap. Bahala sila sa buhay nila.

Pinaka-matindi sa lahat! Si Andrei! Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa kanya at parang naging isang tuta. Nung una nagkaka-ilangan pa kaming dalawa. Pero mga tatlong araw lang ang nakalipas ayun na, sinapian na siya.

Sa bahay, kapag nagluluto ako sa kusina o may ibang gawaing bahay, talagang tumutulong siya. Kung sa pagluluto lang at paghuhugas ng pinggan walang problema, kaso pagwalisin mo ng bahay parang pinaypayan lang ng walis tambo yung sahig dahil may tira-tira pa ding kalat. Ayun, di ko na pinaglinis kasi responsibilidad ko naman talaga yun. Binantayan na lang ako. Ang gulo na nga nung lalaki na yun.

At ang hindi ko pa maintindihan, parang may kumikiliti sa tiyan ko kapag lalapit na siya tapos biglang ngingiti ng malambing. Dati nga yung kindat niya walang epekto, pero ngayon yung puso ko tumatalon. Siguro crush ko na yun. Haha!

Kaso naiisip ko yung pangako naming apat. Bawal kami magkagusto sa isa sa apat na lalaking yun. Kaya dapat talaga hanggang crush lang 'to.

"Nasan na ba yung apat na yun? Sabi hintayin natin tapos ang babagal naman." Reklamo ni Mika. Gutom na eh, lunch na kasi pero yung apat nagpaalam na magc-cr muna.

"Tara, i-order na lang muna natin sila." Aya ni Ela at tumayo na.

Sumunod na kami at naglakad, malapit na kami sa pila nung may humila sa kin.

"Heep! Wait lang. Sabay tayo." Napairap na lang ako. Kasi naman yung kiliti ayan na naman eh. Parang kusang ngumingiti yung labi ko kapag nakikita ko 'to. "Kunyari pang magtataray ngingiti din naman." Sabi niya at sinundor yung bewang ko kaya napaigtad ako.

"Drei!" Sinamaan ko siya ng tingin. May kiliti ako dun eh.

"Haha. Tara na nga." Magkatabi kaming pumila. Nauuna sa min yung tatlong babae. Hinanap ko yung mga kasama niya pero wala.

"Nasan yung tatlo? Lumubog na sa inidoro?" Tanong ko. Natawa siya ng mahina saka ginulo yung buhok ko, pinalo ko yung braso niya. Hirap hirap magsuklay eh.

"Sila Dane at Vince nasa CR pa. Nauna lang ako kasi sasabay ako umorder sa'yo. Si Ethan naman pumunta sa office nila Mommy. Dun na lang daw siya maglu-lunch." Tumango ako.

My GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon