Andrei's POV
Kasalukuyang nasa kwarto ko ngayon sila Ethan. Di ko alam kung anong sumapi sa kanila at nambubulabog dito.
Nakaupo lang ako sa kama ko habang naggigitara. Pero ang walanghiyang si Vince eh kanina pa kinakalampag yung center table ko.
Binaba ko yung gitara ko sa kama at tinignan sila. Si Dane nasa carpet naka-indian sit at gamit ang isang headphone ko. Bilis ah? Nakakuha agad sa collections ko.
Si Ethan naka-higa sa sofa at kinakalikot ang cellphone niya habang si Vince naman nasa couch at sinisipa sipa yung center table ko.
"Bakit ba nanggugulo kayo dito?" Tanong ko. Tumigil sila sa ginagawa nila at tinignan ako.
"Finally! Buti naman bro at napansin mo na kami?" Sarcastic na sabi niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Bakit nga kasi kayo nanggugulo sa kwarto ko?" Tinignan ko si Ethan dahil sa pagkakataong 'to, siya lang ang matinong kausap sa kanila. Tinignan muna niya yung dalawa bago tumingin sa kin. Nagkibit balikat siya.
"They dragged me here." Sagot niya at nagcellphone na ulit. Napasandal ako sa headboard ng kama ko. May kutob na ko.
"Bro.. Musta?" Tanong ni Dane na may nakakalokong ngiti.
"Yung totoo pare? Uupakan ko na kayo." Umayos ako ng upo at tinignan sila ng masama.
"Why would you involve me? I told you, they just dragged me here." Singit ni Ethan. Sumandal ulit ako at bored silang tinignan.
"Seriously bro... Why do you care for Aya so much?" Straight to the point na tanong ni Vince.
Huminga ako ng malalim at kinuha ulit yung gitara ko saka nagstrum.
"I can't help it." Kibit balikat ko at tinugtog ang Nothing Like Us.
"And?" Tanong ni Dane.
"And what?" Balik tanong ko at saglit siyang tinignan.
"Come on bro. Say it! We know you. At kahit kailan di ka naging ganyan sa ibang babae. You do care for girls pero iba si Aya bro." Pangungumbinsi ni Vince.
"Yeah. Even with Yumi, Ela and Mika. Hindi ka ganyan. Aya seems... So special to you." Dugtong pa ni Dane.
Tinignan ko si Ethan na biglang umupo sa sofa, puma-dekwatro at nagcross arm.
"You like her, don't you?" He asked with a cold voice.
Pumikit ako at inilapag ulit ang gitara ko sa kama saka ginulo ang buhok ko.
"Tell us bro. Halata na din kanina na ngseselos ka." Sabi ni Vince.
"Oo na! Badtrip kayo mga pre eh! Hindi ko pa nga matanggap sa sarili Kong mahal ko na yung tao tapos magpipilit pa kayo!" Iritang sabi ko at dumapa sa kama.
"Edi inamin mo din." Sabi ni Vince at sumipol pa.
"Di ko na din kayang pigilan. Kahit anong gawin kong pangungumbinsi sa sarili kong naaawa lang ako sa kanya, wala. Alam kong malayo sa awa yung nararamdaman ko." Huminga ako ng malalim at dinukdok sa unan yung mukha ko.
"I only asked you if you like her. Mahal mo pala, umamin ka na." Napaangat ako ng tingin Kay Ethan na prenteng nakasandal sa upuan, ganun pa din yung pwesto niya.
"Di ganun kadali yun bro." Sabi ko.
Tumayo naman siya at nagpamulsa. Bored niya akong tinignan.
"I know.." Makahulugang sabi niya bago lumabas ng kwarto ko.
"He knows?" Takang tanong ni Dane.
BINABASA MO ANG
My Guardian
FanfictionSa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para bantayan ang mga ito ay mas gumulo ang lahat? Ang akala nilang magliligtas ay siya pang magpapahamak sa kanila. Kayanin kaya nilang lampas...