XVI

20 3 0
                                    

Ela's POV

Naka-ready na kami sa backstage ni Ethan.

Inaayusan pa kasi yung mga intrams kaya opening production kami para malibang muna yung mga manonood.

May mga magju-judge sa min. Kung sino yung mapipiling best performer, uulitin yung sayaw mamaya bago ang talent portion ng mga intrams.

Naka-suot ako ng sleeveless crop top na color white tapos lack na short shorts, yung may lawit lawit na konti. Tapos pinahiram sa akin ni Ethan yung red na checkered jacket niya kaya medyo mahaba sa kin pero okay lang. Sakto sa porma.

Si Ethan naman naka-loose white t-shirt at black pants. May jacket din siya na katulad ng akin pero itim at nakatali lang sa bewang niya.

Naka-half bun yung buhok ko at kulot yung bandang dulo. Nagsuot din ako ng choker tapos yung make-up ko medyo pa-bad girl. Si Ethan naman may suot na cap. Pareho kaming naka-highcut na converse shoes. Binili pa talaga yun ng mommy niya.

Pang-apat pa kami sa huli magpe-perform kaya umupo muna ako sa sulok.

"Maganda siguro yung performance nila Ethan."

"Oo nga. Feeling ko nga pang-couple yung ginawa nila kaso hindi naman nakakakilig yin dahil magpinsan sila."

"Agree. Buti sana kung hindi eh. Pero for sure naman walang alam yung mga judges kaya hayaan na lang natin. Let's just do our best."

Rinig kong usapan sa gilid. So? Pake ko sa kanila. Wala din naman silang alam eh.

Inaantok pa ko. Ang aga ko kasi nagising. Napanaginipan ko kasi sila Nanay eh. Himihingi sila ng tulong.

Umiling ako at iwinalang bahala yun. Okay lang sila. Walang mangyayaring masama.

Tumayo ako at pumunta sa likod ng stage. May mga tent na nakatayo dun at nandun sila Yumi.

"Oy Ela, tapos na kayo mag-perform?" Tanong ni Mika.

"Hindi pa. Nasa huli kami eh."

"Eh si Ethan nasan?" Tanong ni Yumi.

"Iniwan ko dun. Nakita naman niya kong umalis kaya di ako hahanapin non."

"Goodluck sa inyo. Pa-video mo kay Aya yung sayaw niyo. Papanood natin kala Tatay." Sabi ni Mika.

"Oo na. Nasan ba si Aya?"

"Ewan ko. Tignan mo baka nandyan lang sa lab---"

"Ela pumunta ka na daw dun sabi ni Ethan. Wag kang layas ng layas. Mamaya kayo na pala di mo pa alam." Sulpot ni Aya.

"Geh. Pa-video kami. Pakita natin kala Nanay." Tumango siya at umalis na. Kumaway muna siya sa dalawa na inaayusan ng mga make-up artist na sila Mrs. Quizon at Mrs. Ramos pa ang kumuha.

Lumabas na ko at pumunta kay Ethan. Tahimik lang naman siyang nakatayo sa sulok habang naka-headphones at nakapikit. May mga babae na ngang nagpi-picture sa kanya eh.

Kinalabit ko siya. Tumingin lang siya sa kin at tinanggal yung headphones niya.

"Pinapunta mo ko dito? Di pa naman tayo yung magpe-perform?"

"You should be always here. Mamaya may manakit sa'yo diyan." Umirap na lang ako at tumabi sa kanya. Di ko naman papatulan mga yun eh.

Naghintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa turn na namin.

My GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon