Dane's POV
We've been worried about the girls. Tulala lang sila lagi at walang kinakausap.
The rest of their parent's wake, ganyan lang sila palagi. Kasama ni Yumi si Mommy. And as my mom, I am with her too. Ganun din yung iba.
Mamayang after lunch na ang libing ng parents nila. May pamisa muna at saka sila nagkwento tungkol sa magupang nila.
Yumi stood up, same with the three girls. They look at their parents first before turning to us.
"Salamat po sa pakikiramay." Ela started. "Kilala niyo naman po ang nanay at tatay namin. Likas na sa kanila ang pagiging mabait. Sobrang swerte po namin dahil naging magulang namin sila." She sighed for a moment to stop her tears and smiled. "Ampon lang po kaming apat."
Maraming napasinghap at nagulat. May mga nagbulungan din.
"Akala ko si Yumi lang ang ampon."
"Lahat po talaga kami Aling Mena. Nagkataon lang na ako lang ang ipinaabot sa inyo ng magulang ko." Yumi said.
"Ito na po siguro yung tamang panahon para sabihin namin yung totoo. Aminin man po kasi ng iba sa inyo o hindi, alam naming may naninira sa amin. Kahit na ganyan kabait ang magulang namin, hindi pa din kayo makuntento." Aya butted in.
"Tama po. Ngayong wala na sila, mawawala na din po kami. Sa lahat ng nagmahal sa min lalo na sa magulang namin, hinding hindi po namin kayo makakalimutan." Sabi ni Mika at ngumiti.
The people clapped for them. They continue to tell some stories about their parents before we proceed to the last.
Naunang maglakad sila Ela. Katabi niya si Ethan na pinapayungan siya. I did the same to Yumi.
She's not complaining or what but she's also not talking to me. She's always putting a gap between us.
Nang makarating sa paglilibingan ng magulang nila ay binuksan muna ang mga coffin. The girls come to them and they are really crying out loud while calling their parents.
"Dane get her please." My mom told me.
Lumapit ako kay Yumi at pilit siyang hinila palayo sa mga kabaong ng magulang niya na ngayon ay isinasara na.
I saw Andrei hugged Aya. Vince is holding Mika's waist dahil patuloy sa pagwawala si Mika. Ela is still crying, Ethan is holding her shoulder.
They started to bury the coffins. My mom give me a water. Kinuha ko yun at binuksan. Pinainom ko si Yumi na nahihirapan na huminga kakaiyak.
Matapos iyon ay nag-alisan na ang mga tao. Even our parents, ipapaayos muna daw nila yung bahay naming apat dahil dun na kami ulit uuwi, para mabantayan na din daw silang apat.
"Ayaw niyo pa umuwi?" Tanong ni Andrei sa kanila. But the girls didn't answer.
"Okay. Una na kami ah?" Vince teased. "Bahala kayo, baka magpakita---"
"Tumahimik ka na Vince." Saway ko. The girls cried again.
Mika stood up. Tinignan niya kami ng masama habang patuloy na umiiyak.
"Kasalanan niyo 'to! Kung hindi dahil sa inyo sana nandito pa ang magulang namin!" Galit na saad niya.
Why would it be our fault? Aya then stood up too.
"Kayo lang naman yun eh, bakit ba kailangang idamay yung magulang namin? Bakit kailangan pati sila madamay dahil sa inyo??" Aya yelled.
"Sana kayo na lang yung napahamak. Sana kayo na lang yung pinuntirya! Sana kayo na lang!" Yumi exclaimed.
BINABASA MO ANG
My Guardian
FanfictionSa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para bantayan ang mga ito ay mas gumulo ang lahat? Ang akala nilang magliligtas ay siya pang magpapahamak sa kanila. Kayanin kaya nilang lampas...