Aya's POV
"ELA!!" Sigaw naming tatlo. Agad kaming tumakbo palapit sa kanya at inalalayan siyang maupo sa upuan.
"Ano bang nangyari sa'yo?" Tanong ko habang inaabot yung tubig na kinuha ni Yumi sa kanya.
"Bakit ba ngayon ka lang? Tapos uuwi ka ng ganyan yung itsura mo?" Tanong din ni Mika.
Umiinom lang si Ela at hindi sinasagot lahat ng tanong namin.
"Ano? Sasagot ka o sasagot ka? Sabihin mo lang kung may balak kang sumagot nang di kami naghihintay ng sagot dito." Mabilis na sabi ni Yumi at wala akong ibang naintindihan kundi Sagot lang.
"Ikaw naman kasi, ang sabi mo lang samin gagabihin ka ng uwi. Alam naman naming may problema at ayaw mong sabihin kaya hinayaan ka na lang namin. Nakuuu! Talaga naman Ela. Ano bang problema mo at--teka, di ko na pala tatanungin kasi diba nga ayaw mo naman talagang sabihin. Sige eto na lang, BAKIT BA PURO SUGAT YANG BRASO AT MUKHA MO??" Feeling ko ako yung hiningal sa sermon ni Mika. Ang tulin eh.
Binaba ni Ela yung baso at huminga ng malalim saka tumingin sa min.
"K-kasi may dalawang matanda ang ninakawan k-kanina.. K-kaya hinabol ko yung magnanakaw, kaso nagkanda-dapa dapa ako dahil malubak yung daanan kanina. Kaya ayun... Oo.. Tapos nasuntok ako eh, dami kasi nila. Kaya medyo napuruhan." Paliwanag niya.
Nagkatinginan kaming tatlo. Alam naming nagsisinungaling lang yan pero tinanguan na lang namin. Kung ayaw niyang magsalita, edi wag munang pilitin.
"Pero guys... Bantayan niyo yung apat ah? Hindi tayo nakakasiguro sa mga tauhan ng kalaban. Kay Sir Ethan. Kayo na muna bahala sa kanya kapag hindi ako nakasama sa inyo. May inutos kasi sa kin sila Mrs. Fajardo." Sabi niya.
"Ahhh.. Sige.." Sabi ni Yumi.
"Nga pala.. Hinahanap ka na kanina ng alaga mo, ipapalinis daw yung kwarto niya." Sabi ko.
"Eh diba binilin ko na sa inyo? Bakit di na lang kayo yung naglinis?" Tumayo siya at nameywang sa harap namin.
Mukha siyang siraulo. Medyo guli yung buhok tapos may pasa sa gilid ng labi at sentido. Tapos yung siko at braso niya may sugat.
"Nagprisinta kaya kami! Ang kaso may lihim yata yun sa kwarto niya at ayaw kaming papasukin. Hihintayin ka na lang daw niyang makauwi!" Ayan na naman si Mika, nagsimula na namang dumadak.
"Ahhh. Sige akyatin ko lang." Naka-uniform pa pala siya.
At dahil tapos naman na kami sa Kusina, kukunin ko muna yung laundry sa kwarto ng aking alaga.
"Trabaho muna ko.." Paalam ko at pumunta na sa kwarto ni Andrei.
Kumatok ako ng tatlong beses saka binuksan yun.
Minsan nga nagtataka ko kung bakit kailangan pang kumatok tapos bubuksan din agad kahit wala pang nagpapapasok. Pero siyempre charot lang yun. Alam ko yun haha! Di ako bobo -.-
"Sir, kunin ko lang po yung maduduming damit." Sabi ko at pumasok na lang basta sa CR niya. Pake ba niya sa kin diba?
Kinuha ko yung laundry at lumabas na. Tinignan ko muna siya at ayun, nags-strum ng gitara.
Siguro magaling siyang tumugtog noh? Pati siguro boses niya maganda. Gusto ko tuloy marinig. Tapos kapag panget pagtatawanan ko siya.
"You can go outside. Ayan lang naman kailangan mo diba?" Tumingin siya saglit sa kin.
Pero bakit may dating yung biglaang pag-angat niya ng tingin? Parang ang cool na ewan.
"Staring is rude you know? Given ng gwapo ako alam ko yun." Napairap ako bigla.
BINABASA MO ANG
My Guardian
FanfictionSa bawat laban, walang kasiguraduhan. Paano kung sa pagtira ng apat na babae sa bahay ng apat na lalaki para bantayan ang mga ito ay mas gumulo ang lahat? Ang akala nilang magliligtas ay siya pang magpapahamak sa kanila. Kayanin kaya nilang lampas...