XXV

8 1 1
                                    

Dane's POV

Sabay kaming naglalakad ni Yumi pauwi. Naihatid na namin si Karen sa kanila. She just reminded her parents to give their child an extra money para hindi nauuwi sa paglalakad ang anak nila.

I was actually amazed by her. She managed to beat those guys, oo nga kaya niya siguro dahil hindi naman malalaki ang katawan ng dalawang yun but they are taller than Yumi.

And what she did for Karen----I mean, she really talked to Karen's parents without any hint of nervousness or even fear----amazes me more.

"You are so strong and confident." I honestly told her.

She looked at me. Not cold, not serious, not even happy. Hindi ko mabasa yung ekspresyon niya.

"Hindi kami kinuha ng magulang niyo para pagsilbihan at alagaan kayo para lang sa wala. Dapat una ng pumasok sa isip niyo na kaya naming makipagsuntukan." She calmly said. I shrugged my soulders.

"Our parents introduced you as our maid. Ano bang malay ko na kaipangan niyo din kaming protektahan?"

"Tss.." Mas binilisan niya ang lakad niya kaya binilisan ko din yung akin para magkapantay kami.

"Why do you keep on avoiding me?" I asked her all of a sudden.

Napahinto siya sa paglakad, saglit na lumingon sa kin at nagpatuloy na ulit.

"Hindi ko din alam."

"What?" Humarap siya sa kin at tinignan ako ng seryoso.

"Hindi ko alam. Naiintindihan mo naman siguro yun diba? O baka gusto mong i-translate ko pa sa english? Sabi ko, I don't know." Lumakad na ulit siya, patakbo na nga yata.

Hinabol ko siya at hinawakan sa braso para iharap sa kin. Marahas niyang tinanggal yung pagkakahawak ko sa kanya.

"Hindi ka ba marunong umintindi?"

"You are not that kind of person Yumi, I don't know you well but I know you are not that kind of person. Now tell, what is the real reason?"

Iniwas niya ang tingin sa kin.

"Hindi ko alam. Basta nahihiya ako dahil sa naging sagutan natin noon. Hindi ko gustong sisihan ka, kayo, sadyang masama lang ang loob ko non sa pagkawala nila Nanay at Tatay. Isa pa, baka kasi lumalim yung---" Tumigil siya sa pagsasalita.

"Lumalim yung?" I asked.

"Wala." This time, tumakbo na talaga siya palayo sa kin. Pumasok siya sa bahay.

I entered the house too and get my things in the living room. Wala namang pasok bukas kaya bukas ko na lang siguro 'to tatapusin since sa Monday ko pa naman ipapasa.

Humiga ako sa kama ko at pumikit. Napaisip ako sa sinabi ni Mommy kanina nung inaya kami ni Andrei na pumunta sa kanila.

"Hey beautiful ladies!" Napangisi ako, makapang-uto din 'tong si Andrei eh.

"What do you need son?" Tito Michael asked.

"Dad!"  Bati ni Vince kay Tito Guilermo.

"Where's Mama?" Rinig kong tanong ni Ethan kay Tito Rome.

Lumapit ako kay Daddy at nakipag-bro fist.

"They buy our---"

"Oh! Our babies are here!" Tita Lita said after entering the room.

"What brought you here sweeties?"  Tita Vivien asked.

Umupo ako sa tabi ni Daddy, lumapit naman sa min si Mommy at inabot niya kay Daddy yung isang paper bag.

My GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon