XXXII

23 1 0
                                    

Ela' s POV

Saktong paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Yumi na naglalakad papunta sa hagdan. Tumakbo ako para maabutan siya.

"YUMI!" Sigaw ko.

Pinulupot ko yung braso ko sa braso niya at sumabay bumaba ng hagdan.

"Gising ka na din pala. Tara na't magluto ng agahan."

Ngumiti ako at tumango. Patalon pa yung ginagawa naming pagbaba sa hagdan kaya natatawa kami.

"Sila Muka at Aya hindi natin gigisingin?" Tanong niya.

"Wag na." Dumiretso kaming dalawa sa kusina.

Kinuha ko yung kaldero sa rice cooker at kumuha ng plato. Ang dami kasing natirang kanin kagabi kaya isa-sangag ko na lang.

"Ano lulutuin kong ulam?"

"Kumuha ka na lang ng Bacon diyan sa ref tapos magprito ka ng meatloaf na may itlog." Sabi ko habang nagsusuot ng gloves. Lalamasin ko kasi yung kanin para hindi dikit dikit.

"Okay." Sagot niya. "Uunahin ko na 'tong bacon."

Nagsimula na siyang magluto. Nang matapos ako maglamas ay naghiwa ako ng bawang. Kumuha din ako ng dalawang bacon sa niluluto niya at hiniwa sa maliliit na square. Isasama ko kasi sa fried rice yun.

Kumuha ako ng frying pan at naglagay ng star margarine. Mas okay 'to sa fried rice. Una ko munang nilagay yung bawang. Nung maggolden brown na yun, nilagay ko na yung bacon. Tapos yung kanin. Nilagyan ko ng toyo tapos sinamahan ko ulit ng star.

Naghahalo ako ng fried rice habang si Yumi ay binubuksan na yung meatloaf. Tapos na kasi siya sa bacon.

"Matatapos na ba yan Ela?"

"Malapit na. Bakit?"

"Ayos. Paki-ayos na yung la---"

"Ela, Ethan's calling you." Napaharap ako sa nagsalita.

"Oh Dane. Ang aga pa ah?" Tanong ni Yumi.

"We need to be in school at 8:00 am. 2 hours from now. Dapat may nagsho-sho--"

"Oo na oo na. Ikaw pa lang ba gising?" Sinimangutan siya Dane.

"I just told you that Ethan is calling Ela. He was the one who woke me up. Narinig daw niyang sinigaw ni Ela yung pangalan mo. He asked me to call Ela and to help you." Paliwanag niya.

"Bakit daw?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang siya at lumapit kay Yumi.

"Sige na Ela. Ako na bahala diyan. Nandito naman si Dane." Kinuha ni Yumi sa kin yung sandok.

"Okay." Patakbo akong tumakbo papunta sa kwarto ni Ethan.

Kumatok muna ako ng tatlo bago buksan yung pinto. Nakahiga siya sa kama niya at nakakumot hanggang leeg. Kumunot yung noo ko. Kapag ginigising ko siya minsan sa umaga, hanggang bewang o minsan  wala pa siyang kumot kahit sagad na sagad yung andar ng aircon ng kwarto niya.

Pumasok ako sa loob at lumapit sa gilid niya.

"Bakit mo ko pinatawag?" Tanong ko.

"Cold..." Halos pabulong na sabi niya. Lalo akong nagtaka kasi cold daw pero may pawis siya sa noo.

Napahinga ako ng malalim ng marealize ko kung bakit. Sinalat ko yung noo niya. May lagnat siya. Hindi naman mataas pero ang init niya pa din.

"Nilalagnat ka.." Sabi ko. Napailing ako at pumunta sa closet niya. Binuksan ko yung isang box na kinalalagyan ng mga face towel niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon