"Hey! is there something bothering you?" untag ni Wayde sa akin, napansin niya pala.
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi dahil kagabi habang naglalakad ako ay nakita akong isang babae at lalaki na nag uusap sa madilim na parte sa gilid ng abandonadong building.
Wala naman akong paki alam sa kanila kaya naisipan ko ng lumayo doon, pero nakakailang hakbang palang ako ay narinig ko yung pagkasa ng baril kaya sa puntong 'yon ay lumingon na ako sa kanila pero nabigla ako dahil ang babae ay mayroong hawak na baril at nakatutok ito sa kaharap niyang lalaki samantalang ako ay bumalik sa pinagtaguan ko.
Ngunit bakit ganoon ang reaksyon sa mukha ng lalaki parang wala lang sa kanya ang bagay na nasa kanyang harapan.
"Bro ayos ka lang?" sabay ng pagtapik sa balikat ko kaya bumalik ako sa aking katinuan.
"O-oo ayos lang ako" pagdedepensa ko.
"Talaga ha! kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka nakikinig" inis na sabi nito. At napabuntong hinga na lang.
"Alright I'll need to go now. For important business matters" sabi niya at umalis na.Habang ako, ito palaisipan pa rin yung nasaksihan ko.
Dapat hindi ko na 'yon iniisip
Sabi ko sa aking sarili, pero bakit kaya ganito ako ngayon at ano ang mayroon sa kanila.Pumapasok din sa isipan ko iyong babae. Ang tapang niya pero sino sila. Sa kakaisip may bigla kong naramdaman na parang likido. Kaya tumingin ako sa harap ko.
"I-i'm sorry po sir" paghingi niya ng tawad sa akin. Iyan tuloy napala ko habang nakalutang ang diwa na naglalakad. At napatingin ako sa isang binata na nakatingin sa damit kong natapunan at halatang kinakabahan.
"So-sorry po" ulit niya habang na nakayuko ang ulo. Dito ko napansin yong hawak niyang baso na ngayon ay wala ng laman. Siya ang nakatapon sa akin ng juice.
"Ok lang" tipid kong sagot habang nakangiti sa kanya kaya iniangat nito ang kanyang ulo.Pero umalis na ako upang magpalit ng damit ko kaya pumunta ako sa condo unit ko. I owned it pero walang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
The Heartless Princess
ActionThis story was inspired by the books I read, and TV Shows especially Wildflower. And I like revenge then the concept being a cruel or heartless person. Some details here are based on my imagination. There's a difference on how my story was going...