Chapter 78

579 5 0
                                    

At lumapit sa akin si nerd kahit nanghihina na 'to. Lumapit siya sa akin hanggang sa makakaya niya. 

Habang ako ay nanantiling nakatingin lamang sa ama ko. Ngunit nagulat ako sa sunod na ginawa ni nerd dahil bigla niya akong niyakap. 

Pero bigla din akong nakarinig ng pagputok ng baril, tapos nararamdaman kong bumabagsak ang katawan niya.Kaya hinigpitan ko ang hawak sa kanya hanggang sa masalo ko siya ng maayos.

Pero mas lalo akong nagalit kaya tuluyan ko nang tinapos ang buhay ng ama ko dahil pinagbabaril ko siya. Tsaka ko siya tiningnan, ilang tama ng baril ang tumama sa katawan niya, naglalabas na din siya ng dugo, pero pinilit niyang magsalita.

Lumapit pa din ako kahit nabaril ko siya dahil naawa ako sa kanya dahil ako pa na sarili niyang anak ang gagawa nang ganoong bagay na dapat ay hindi.

Ngunit kailangan kong gawin upang wala na siiyang iba pang mapaslang. Tapos hinawakan niya ako sa mukha, at ngumiti hanggang sa pumikit na ang mga mata niya.

At binalikan ko si nerd ginigising ko siya. No please wake up! sabi ko sa kanya ngunit walang nangyayari kaya binuhat ko na siya dahil mas lalo ding lumalakas ang sunod-sunod na pagsabog.

Dumaan ako sa pinto na malapit sa amin. Bumaba ng hagdan at diretsong tinahak ang masikip na daan patungo sa labas. 

Kabisado ko ang lugar kaya hindi na ako nahirapan sa paglabas namin. Pero nang papunta na ako sa kotse ko ay may biglang sumabog kaya nahulog kami sa tubig.

The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon