Chapter 51

711 8 1
                                    

Hindi ko alam kong para saan 'tong cellphone na ipinadala sa akin sa opisina ko matapos kong matanggap ang tawag mula sa hindi kilalang tao. 7:45 ay nandoon na kami nakapuwesto na. Habang ako hawak ko 'yong cp at naisipan kong buksan 'to at nang mabuksan ko ay nakita kong nasa video 'to pero para saan. 

Iniaalis ko pero ayaw hindi nagtagal may nakikita na ako. Pero parang naglalakad 'yong video kaya sa tingin ko ay nakakabit 'to sa harap ng damit ng taong tumawag at nagbigay ng cellphone na hawak ko ngayon. Dahil dito ay tinutukan ko 'to. 

Sa ngayon may nakikita akong babae pero pamilyar siya sa akin hindi ko lang matandaan kung saan. 

"Anong ginawa natin dito?" 

"Dito tayo maglalaban" 

"Ha! tayo maglalaban oh! come on- 

Di ko na siya pinatapos magsalita dahil pinarinig ko ang usapan nila kanina ni Ardeo. Halatang nagulat siya pero bumalik din ang kanyang normal na ekspresyon. Sino kaya 'to? Tanong ko bigla sa isip ko dahil hindi ko siya kilala siguro sa mukha ngunit di ko na matandaan. 

"Mabuti nalaman mo na pala ang plano kong pagpatay sa 'yo" at sumugod ito sa kausap niya. Pero nakita kong sinipa siya ng malakas sa mukha kaya napaluhod 'to ngunit nakatayo din.

At dito na talaga nagsimula ang laban ng dalawa. Dumugo na nga ang bibig ng babaeng nakikita ko at sa tingin ko may dugo na din sa labi 'tong isa dahil nakita kong may tumulo na kulay red. 

Hindi ko lang sigurado kong galos na 'to kasi ang nasa harapan niya ay may mga galos na sa mukha at ibang parte ng katawan. Ano 'to magpapatayan ba sila. 

Di ko namalayan na nakikinood na ang mga tauhan ko at nasa likod ko sila. Binalewala ko na lang sila at tiningnan ulit ang cellphone. Nagulat ako dahil may hawak ng baril ang babaeng nakikita ko. Nakatutok 'to sa taong kaharap niya ngayon. 

"Di ba ang sabi ko sa 'yo papatayin kita" 

"Oo sinabi mo nga pero bago mo 'yan iputok may sasabihin muna ako" 

"Sige sabihin muna bago pa magbago ang isip ko" 

"Ang ate mong si Jhanel ay hindi ko pinatay" 

"At bakit ako maniniwala sa 'yo" 

"Dahil pinalaya ko siya matapos namin siyang hulihin at nalaman naming nadamay lang siya na napatunayan niya naman" 

"Kung nagsidinungaling ka lang para hindi kita patayin puwes hindi" at ipinutok na nito ang kanyang baril.  

The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon