Chapter 61

616 9 0
                                    

"Boss ma-may-

Di niya na natapos dahil binaril na siya mula sa kalayuan.

"Boss nauubos na ang mga tauhan natin sa labas" sabi ng tauhan kong hinihingal. 

"Boss madami nang namatay kailangan niyo nang umalis papunta na sila dito ngayon" dahil dito ay nagmadali akong pumunta sa rooftop para sumakay sa private jet.

Pakasakay na ako ng may nagpaputok ng baril galing sa likod kaya kaagad akong sumakay at pinalipad 'to upang hindi niya ako mapatay, hindi pa 'to ang oras ko pero higit lalong hindi ako papayag na siya ang papatay sa akin.

Tuloy-tuloy ang kanyang pagbaril sa direksyon namin kahit na nakalipad na kami. Buwesit!Kaya hinablot ko bigla sa tauhan ko ang baril niya at pinaputukan ko ang babaeng 'to. 

"Bilisan mo at palayuin mo dito ang sasakyang 'to ngayon na" pasigaw kong utos sa piloto.Dahil kung hindi baka siya ang barilin ko, tapos ibinalik ko ang tingin sa building namin.

Shit! Pinasabog lang naman nila ang buong gusali na matagal kong iningatan. Kaya humanda talaga ang isang Trizy Roquisa sa akin.Pagbabayarin ko siya ng buong-buo sa pagbabalik ko kasama ang traydor na si Jana.

"Sa AHolVez mo ipunta"

"Yes sir"

The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon